Jade's Point of View "Let's start," pag uumipsa ko pagpasok ko sa meeting room ng Student Council saka naupo sa upuan sa gitna ng table. "Noona pakibigay sa kanila." Inabot ko sa kanya ang mga papel na hawak ko. Kinuha naman niya iyon at pinamigay sa mga member ng Student Council. "Teka Pres, parang sobra naman ito," reklamo ni Jacob ang Student Body Vice President matapos mabasa ang binigay kong papel. Sinang ayunan naman ito ng iba. "Alam kong sobra iyan pero kung hindi tayo maghihigpit hindi titino ang mga estudyante," sagot ko. "Pero paano ang mga magulang nila? Paano kung magalit sila dito?" tanong ni Sharon ang Student Body Treasurer. "Kaya nga papupuntahin ko sila dito mamaya para kausapin, i-di-discuss ko sa kanila ang mga pagbabago sa mga parusa," sagot ko. Hindi pa rin nawa

