Sofia
Next week na ang kaarawan ng kaniyang kaibigan simula pagkabata na si Nadia. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkakamustahan ng kaibigan niyang ito.
They had a fall out. Dahil iyon kay Katrina. Ito ang puno't dulo ng lahat. Dahil sa kasinungalingan ng babaeng iyon, nagkatampuhan tuloy sila ng kaniyang kaibigan.
Ngunit noong nakaraang buwan lamang ay nag-reach out siya sa kaniyang kaibigan. She apologized for believing Katrina's lies. Nagkaayos din sila ng kaniyang kaibigan. Nagsisisi nga siya na mas pinaniwalaan niya pa si Katrina kesa kay Nadia. Magaling talagang magbaliktad ng tao ang ahas niyang kaibigan. Kaya naman mas lalo siyang nainis kay Katrina. She's nothing but a fake.
She thought that Nadia had a thing for Gerald in the past. But all is well between them. Pupunta siya sa kaarawan ng kaniyang kaibigan. Mas matanda ito ng isang taon sa kaniya. She's also studying in Manila.
Her family is into politics. Ang lolo nito ay dating Congressman. She's studying Political Science. Pangarap nitong maging lawyer balang-araw. Ang mga magulang nito ay parehas na lawyer. She came from a well-off family. But she remain humble. Hindi ito mayabang hindi tulad ng mga anak mayaman sa kanilang lugar. Mabait ito at friendly sa lahat. Hindi ito tumitingin sa estado ng buhay ng kaniyang mga kaibigan. She's friendly to all people in all walks of life. Katulad din ito ng lolo nito na malapit sa mga tao. Tinutukso nga nilang magkakaibigan na dapat ay tumakbo rin itong politician balang-araw. Ngunit ang sabi nito sa kanila ay ayaw nitong malinya sa politika. She want a simple life. Masyado kasing magulo ang politika. Kapag nga kasama nila si Nadia ay ayaw nitong pag-usapan ang tungkol sa politics.
Nagkaroon lang sila ng hindi pagkakaunawaan noon dahil siniraan ito ni Katrina sa kaniya.
Ang pamilya kasi ng kaibigan niyang si Nadia ay close family friend ng pamilya ng kaniyang ex boyfriend. Magkakilala na si Nadia at Gerald noong mga bata pa lamang ang mga ito. Ngunit hindi na ganoon ka-close ang dalawa nang magbinata at magdalaga na ang dalawa. Dahil nagkaroon na ng awkwardness ang friendship ng dalawa.
Saka masyadong seloso ang ex boyfriend ng kaniyang kaibigan. Lahat ng lalaking kaibigan nito ay pinagselosan ng boyfriend nito noon. Anak din ng politician ang first boyfriend nito.
He was so controlling of her. She wasn't allowed to do certain things without his knowledge. He's so manipulative. He gaslight her of staying with him. Naging toxic ang relasyon ng dalawa dahil masyado ng toxic ang lalaki. Nasasakal na ang kaniyang kaibigan ngunit hindi naman nito maiwan ang lalaki dahil mahal na mahal ito ni Nadia.
Ang alam niya nga ay tuluyan na ring hiwalay ito sa boyfriend nito ngayon. Dati kasi ay nagkabalikan pa ang dalawa. Naging magulo kasi ang relasyon ng dalawa dahil sa madalas na pagtatalo ng mga ito.
He didn't cheat on her friend. But he did the dumping. Ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa ay hindi kaya ng lalaki ang long-distance relationship.
So, single pa rin hanggang ngayon ang kaniyang kaibigan. Wala itong panahon sa love life nito dahil focus ito sa pag-aaral.
Masakit para sa kaniyang kaibigan na ang lalaki na ang nakipaghiwalay dito. Kilala niya ang lalaki, kapag ayaw na nito, ayaw na talaga nito. Wala ng makakapagpabago pa sa isipan nito. Sobrang spoiled ng lalaking iyon sa mga magulang nito. Binibigay ng mga magulang nito kung anu man ang hingin nito. Kapag sawa na ito sa babae ay madali lang nitong iiwan. Kaibigan kasi ng lalaki ang kaniyang pinsan na isa ring babaero. Hindi naman naging babaero ang ex ng kaniyang kaibigan noong magkasintahan pa ang mga ito. Ngunit lapitin ito ng babae dahil nga sa mayaman ito at hindi naman maitatangging gwapo rin ito. Naging loyal naman ang lalaki sa kaniyang kaibigan. Pero ilang buwan pa lang matapos nitong hiwalayan si Nadia, may dine-date na agad itong ibang babae.
Si Nadia lang ang babaeng sineryoso ng ex boyfriend nito. At tumagal din ng ilang taon ang relasyon ng dalawa. Tulad ng ibang relasyon, may mga ups and downs din na pinagdaanan ang relasyon ni Nadia sa ex boyfriend nito. Hanggang sa mas naging kumplikado ang relasyon ng dalawa nang mag-aral na si Nadia sa Maynila. At maging busy sa pag-aaral ang kaniyang kaibigan. Ang gusto kasi ng ex nito ay lagi nitong nakikita ang kaibigan. Lagi dapat may nilalaang oras ang kaniyang kaibigan para sa ex nito.
Ngunit hindi naman puwede iyon dahil nasa Maynila si Nadia, ang ex boyfriend naman nito ay nasa Batangas. Hindi okay dito 'yung video call o chat lang. Gusto nitong makita sa personal ang kaniyang kaibigan ng madalas. Pero paano ngang mangyayari iyon kung nasa Maynila ang kaniyang kaibigan. Minsan talaga unreasonable ang dating nobyo ng kaniyang kasintahan. Hindi niya ito gusto para sa kaniyang kaibigan. Pero anong magagawa nila, mahal na mahal ito ng kanilang kaibigan kahit pa may saltik ang lalaking iyon. Dahil laki sa layaw. Palibhasa mayaman at galing sa maimpluwensiyang pamilya. Ito 'yung tipong umiinit ang ulo kapag hindi nito nakukuha ang gusto. Mali ang pagpapalaki ng mga magulang nito sa lalaking iyon.
Siyempre nasaktan ang kaniyang kaibigan nang maghiwalay ang mg ito dahil may kapalit na agad ito sa puso ng lalaki. But life must go on. At least ay nakawala na ito sa toxic nitong relasyon sa lalaki. Ngunit hindi nito maiwasang isipin kung may lalaki pa bang seseryoso sa kaniyang kaibigan. Because he took her v-card. He was her first in everything. Ang akala kasi ni Nadia ay ito na ang lalaking makakasama nito habangbuhay. Because their families approve their relationship. And they were so in love before. Kaya naman pumayag itong may mangyari sa kanila ng ex nito. Hindi kasi mabubuhay ang lalaking iyon ng walang ganoon. Aktibo ang s*x life nito. Hindi naman nagsisisi ang kaniyang kaibigan na ibinigay nito ang puri nito sa ex nito. Ngunit natatakot lang itong hindi ito matanggap ng ibang lalaki. Dahil nga sa may iba ng nakauna sa kaniyang kaibigan.
But she had nothing to worry about her future love life. Good looking men will fall for her. Siya na ang nagsasabi. Pinapalakas niya ang loob nito kapag nag-o-overthink na naman ito ng mga bagay-bagay.
Maganda naman ito at matalino. She stands 5'2 ft tall. She has a pair of dark brown eyes. Her hair is naturally brown. She is a perfectly shaped brunette. She's into sports when they were in high school. At lagi itong top student sa kanilang campus. Masuwerte ang magpapatibok muli sa puso nito. Dahil mapagmahal ang kaniyang kaibigan at sobrang caring. Kahit sa kanilang magkakaibigan ay ito ang pinaka-caring. She'll make sure that you'll okay. Kaya tine-treasure niya talaga ang kanilang pagkakaibigan. Hindi niya na mapapayagan na may makasira pa sa pagkakaibigan nila.
Maraming nagkaka-crush sa kaniyang kaibigan noon. Pati 'yung pamangkin ng principal nila na isa sa pinakaguwapo sa kanilang eskuwelahan. Puro big time ang nagkakagusto sa kaniyang kaibigan. Wala ngang pakialam ang mga nagkakagusto rito kahit pa sinasabi nila ni Loisa na taken na ang kanilang kaibigan. Umaasa pa rin ang mga nagkakagusto rito na hihiwalayan nito ang nobyo nito noon. Tuwing Valentines day nga ay may gustong magbigay dito ng mga chocolates at flowers. Ngunit hindi iyon tinatanggap ng kaniyang kaibigan. Natatakot nga itong mabalitaan ng boyfriend nito noon na lapitin ito ng kalalakihan sa kanilang eskuwelahan. Kung sa paramihan ng nagkaka-crush sa kanilang magkakaibigan, talo na silang dalawa ni Loisa. There's something in her na wala sa ibang babae. Sobrang pasensiyosa pa nito kahit na may nang agrabyado rito. At kahit pa inaaway ito ng ex boyfriend nito noon dahil masiyado itong jealous freak.
She's loyal to her man. Hindi ito gumagawa ng ikakaselos ng boyfriend nito. Takot itong magselos ang dati nitong kasintahan. Lagi nitong inaalala ang mararamdaman ng ex boyfriend nito. Kahit pa magkaiba sila ng school na pinapasukan noon. Napakasuwerte nga ng lalaking iyon sa kaniyang kaibigan. Kung siya man ay naging lalaki. Si Nadia ang kaniyang liligawan. Sobrang bait kasi ng kaniyang kaibigan. Madali rin itong magtiwala sa ibang tao kahit pa hindi naman nito lubos kakilala. Saka sobrang maawain nito. At hindi rin namimili ng kakaibiganin.
She's so in love with her then boyfriend. She's a good girl. Kahit na sa Maynila na rin ito nag-aaral, hindi ito gumigimik. Ito ay 'yung typical nerd sa kanilang school. 'Yung laging may hawak na libro at nakasuot palagi ng malalaking salamin. Laman lagi ito ng library. School-Bahay lang ang kaniyang kaibigan. Kahit noong high school sila ay hindi ito makikitang tumatambay.
Madalas niya itong puntahan noon sa bahay nito. Her parents were very nice to them. Lagi silang may meryenda kapag bumibisita sila ng iba pa nilang mga kaibigan. Punong-puno lagi ang laman ng refrigerator ng mga ito. May take out pa nga sila kahit walang okasyon. Kahit nagpunta lamang sila roon para makipagkuwentuhan kay Nadia.
Basta laging maraming pagkain sa bahay ng kaniyang kaibigan. Animo'y laging may okasyon sa malaking bahay ng mga ito na mala mansiyon. Mabuti nga at hindi lumolobo ang kaniyang kaibigan kahit na sagana ito sa makakain sa bahay.
Hindi naman ganoon kahigpit ang mga magulang ni Nadia. Pinapayagan naman ng mga magulang nito na makipag-date sa boyfriend nito noon. Alam naman ng mga magulang nito na hindi gagawa ng kalokohan ang kanilang kaibigan. Ngunit pagdating sa ex boyfriend nito, lahat ginagawa nito mapasaya lang ang ex nito.
Natitiyak niyang makakatagpo ito ng lalaking mamahalin ito ng totoo. At matatanggap kung ano pa man ang nakaraan ng kaniyang kaibigan.
Her friend has a likeable personality. At kapag nagmahal ito ay talaga namang ibinubuhos nito ang lahat para sa lalaking mahal nito.
She's a strong and independent woman. She love that about her. She's down to earth. Nag-iisang anak lang din ito ng mga magulang nito.
Alam na rin ng kaniyang kaibigan na pinagtaksilan siya ni Gerald. Ikinuwento niya rito ang pagtataksil na ginawa sa kaniya ng kaniyang ex boyfriend. Hindi rin niya naitago sa kaniyang kaibigang si Nadia ang kagagahan na ginawa niya noon sa bar nang malasing siya.
Nadia's heart broke for her. Hindi niya sana ikukuwento kay Nadia ang bagay na iyon. Ngunit alam niyang katulad ito ni Loisa na mapagkakatiwalaan pagdating sa mga bagay na dapat sikreto lamang nilang magkakaibigan. She never betrayed her.
Gulat na gulat nga ito nang sabihin niya iyon dito. Hindi ito makapaniwala sa ginawa niya dahil kilala siya nito.
She's conservative. She's so uptight. She won't do anything stupid like that. But she did out of her desperation that night. Masaya nga siya at hindi niya naranasan kay Gerald ang kaniyang first time sa kama. Sa mas guwapo at hot na lalaki na hindi mawala-wala sa kaniyang isipan.
Kahit ilang beses niyang sawayin ang kaniyang sarili na huwag isipin ang lalaki, ay muling bumabalik sa kaniyang ala-ala ang mainit na gabi na kanilang pinagsaluhan.
Naalala niya na naman iyon kagabi nang manuod siya ng isang tv series na may intense na bed scene. Na-imagine niyang siya ang leading lady ng gwapong leading man. At ang leading man naman ay ang gwapong lalaki na naka-one night stand niya. Pero 'yung second leading man ay pinuwersang makipag-s*x sa female lead. The second male lead was lusting over the female lead over and over again. He's disgusting.
Biglang pumasok sa kaniyang isipan ang kaniyang dating nobyo na pinagnasaan ang kaniyang katawan nu'ng nalasing ito.
"I promise. I'll be responsible to you after this," ani Gerald sa kaniya. But no. Ayaw niya. They're too young for this.
Si Gerald noon ay gustong mahawakan ang kaniyang malalaking dibdib. Gusto nitong makita ang kaniyang katawan kapag nakahubad. Ngunit hindi niya ito pinagbigyan. Sinasaway niya ito kapag nilulumot ang utak nito. Ayaw na ayaw niyang pinagnanasahan siya nito dahil hindi pa siya handa sa ganoon.
But everything changed when he cheated on her. Tinapon niya ang pagiging conservative niya at walang keme na itinapon ang kaniyang katawan sa isang guwapong estranghero na nakilala niya sa bar.
Hope they can meet again. Kahit sa next life. Basta sana ay magkita pa rin sila. Kahit ayaw niyang umasa dahil hindi niya kontrolado ang takbo ng mundo.
"I'm also angry at her. She tried to ruin our friendship," naiinis na wika sa kaniya ni Nadia habang kausap niya ito sa kabilang linya.
"Sorry talaga, Nadia. Hindi dapat ako nagpapaniwala sa ahas na 'yon," tugon niya sa kaniyang kaibigan.
"It's okay. Alam ko namang lalabas din ang totoo. I never had feelings for him."
"Yeah. I believe you," aniya. "Don't worry, Nadz."
"Thank you, Sofi. Kayo lang talaga ni Loisa ang totoong best friend ko. Kaya never akong gagawa ng ikakasira ng friendship nating tatlo."
Hindi dapat siya naniwala kay Katrina noon. Ewan niya ba, kung bakit mas nagtiwala pa siya kay Katrina kesa kay Nadia. Lumabas din ang totoong motibo ni Katrina kaya nito siniraan ang kaniyang totoong kaibigan sa kaniya.
Na-mi-miss niya na ang kaniyang kaibigan dahil masyado itong busy. She's very serious about her studies. Kaya naman medyo matagal niya na itong hindi nakikita. Ngunit nagkaka-chat pa rin naman sila ng kaniyang kaibigan. Saka bago ito maging busy noon ay binibisita siya nito sa kaniyang condo unit. Kung minsan ay doon na rin ito natutulog. Mag-iisang taon palang itong hiwalay sa ex boyfriend nito. On and off naman ang dalawa. But this time, hiwalay na talaga ang mga ito. Hindi niya nga akalain na isang taon na agad, simula nang maghiwalay ang mga ito. Kumplikado kasi ang relasyon ng dalawa at kung minsan ay ayaw na lang pag-usapan ng kaniyang kaibigan ang tungkol sa relationship status nito. Kung minsan ay malihim sa kanila ang kaniyang kaibigan. Hindi naman kasi nila bet ang toxic nitong ex boyfriend.
Noong una palang ay pakiramdam niya ng hindi magtatagal at maghihiwalay ang dalawang iyon. Dahil sa masamang ugali ng lalaki.
Ang balita niya nga sa lalaki ay katulad na rin ito ng kaniyang ex boyfriend na may ka-live in na. Hindi yata alam ng pamilya nito na may binabahay na ang lalaki. Dahil magaling itong magtago. Magaling gumawa ng dahilan.
Pare-parehas naman ang mga lalaki ngayon. Parehas sila ni Nadia na hindi naging successful ang relasyon nila sa kanilang long-time boyfriend. Ang kaibahan lang ay nagtaksil sa kaniya ang kaniyang long-time boyfriend. Hindi ito nakuntento sa kiss at hug lang. Gusto nitong makuha ang katawan niya. Kaya nang hindi na ito makapaghintay ay natukso na ito sa iba.
Napabuntong-hininga siya. Hindi niya inaasahan na magbabago ang kaniyang dating boyfriend. At ipagpapalit siya sa itinuturing niyang best friend noon.
Pero tapos na naman ang sa kanila ni Gerald. Kahit makita niya man ito sa birthday party ng kaniyang kaibigan ay wala siyang pakialam.
Kahit isama pa nito si Katrina sa birthday party ng kaibigan. Pero duda siyang isasama nito si Katrina dahil inis si Nadia kay Katrina. Saka takot na lang ni Katrina kay Nadia. Hindi nito uurungan ang babaeng nang-ahas sa kaniyang dating kasintahan. Lalo pa't siniraan nito ang kaibigan sa kaniya.
They were besties for a very long time. Silang tatlo ni Loisa ang talagang solid friends na hindi nag-iiwanan lalo na kapag may problema ang isa. They were there for each other. Ganoon naman talaga ang tunay na kaibigan. Hindi nag-iiwanan. Kung may hindi pagkakaunawaan, naayos din naman agad. Hindi nila ipagpapalit ang pagkakaibigan nila sa kahit anong bagay. At lalong wala sa bokabularyo nilang tatlo ang mang-agaw ng boyfriend ng sarili nilang kaibigan.
Mas matimbang ang kanilang pagkakaibigan. Hindi nga makapaniwala si Nadia sa ginawa ni Katrina sa kaniya. Pero alam naman nitong may itinatagong dark secrets si Katrina. Dahil may naging sugar daddy ito na kaibigan sa politiko ng lolo nito. Ang akala naman ng babaeng iyon ay walang makakaalam sa lihim nito. Isa talagang haliparot ang ahas na babaeng iyon. Kaya ganoon na lang ang galit niya.