Chapter 21

2135 Words
Sofia Nagpapagaling ang kaniyang lola sa kwarto nito habang binabantayan ito ng kaniyang pinsan. Siya naman ay abala sa pagluluto. Nang makauwi siya kahapon sa kanilang lugar ay bumubuti na ang lagay ng kaniyang lola. Umeepekto na ang gamot na pinainom rito. Parang siya naman ang magkakasakit ngayon. Kahapon kasi ay sumakit ang ulo niya. Ngayon naman ay may sipon na rin siya saka ubo. Hindi naman malala ang kaniyang ubo. Ininuman niya na agad ng gamot ang kaniyang nararamdaman bago pa ito lumala. Kanina ay tinanong siya ng kaniyang lola kung bakit hindi siya binibisita ni Gerald. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kaniyang lola. Nakita raw ng kaniyang lola ang lalaki two weeks ago sa may palengke. Nagkausap daw saglit ang mga ito. Ngunit hindi nabanggit ng lalaki sa kaniyang lola na hiwalay na sila nito. Wala na naman siyang concern sa lalaking iyon dahil sa ginawa nito sa kaniya. Kahit pa gaano kagusto ng kaniyang pamilya ang lalaking iyon, hindi na magbabago ang kaniyang isipan. Hinding-hindi niya na tatanggapin pang muli ang lalaki. She shouldn't focus on what they had. It's all in the past. Besides, masaya naman siya ngayon. Hindi niya kailangan ng lalaki para maging masaya. Saka kung katulad lang din naman ng kaniyang ex ang manliligaw niya ay huwag na lang. Ngayong single na siya, maraming lalaki ang nagpaparamdam sa kaniya. Na kesyo gusto siyang ligawan at makilala ng husto. Ngunit wala pa siyang balak na magpaligaw. Gusto niya na sigurado na siya sa nararamdaman niya kapag pumasok siyang muli sa panibagong relasyon. Lagi niyang sinasabi sa kaniyang sarili na hindi siya nagmamadali. Hindi siya desperadang magkaroon ng bagong boyfriend. Naging desperada lang siyang makalimutan ito noong mga panahong sobra siyang nasaktan sa paghihiwalay nila. Kaya naman nagawa niya ang bagay na hindi dapat. Pero hindi niya maiwasang hindi isipin ang lalaki na naka-one night stand niya. Bigla-bigla na lamang nitong ginugulo ang kaniyang isipan. Especially at night. Ewan niya ba sa nararamdaman niya. Magulo ang kaniyang puso't isipan. Mas lalong gumulo ito nang makilala niya ang gwapong lalaking iyon noong gabing nag-inom siya sa bar. She badly wanted to forget her cheater ex boyfriend. It's just supposed to be a one-night stand. Para mailabas ang init ng kanilang katawan. They both benefited. But she's wanting more from him. Feeling niya ay naranasan na rin nito ang naranasan niya. Na maloko ng taong mahal nito. Gusto niyang muli itong makita. Maybe she's caught feelings for him. Kahit na iyong gabing iyon niya lamang nakasama ang lalaki. If she would fall in love again, gusto niyang ma-fall sa katulad ng lalaking iyon. She wouldn't regret falling in love with that man. Tinatanong niya sa kaniyang sarili kung nasaaan na kaya ito? Naiisip din kaya nito ang nangyari sa kanilang dalawa? O baka wala lang dito ang nangyari sa kanila? Baka sanay na ito sa ganoon dahil nga sa gwapo ito at malamang babae na ang nalapit dito. Makalipas ang ilang araw ay gumaling na rin ang kaniyang lola. Pero siya naman ang nagkasakit. Masakit ang ulo niya. May lagnat saka ubo't sipon siya. Wala rin siyang panlasa. Pati ang kaniyang pinsan ay masama na rin ang pakiramdam. Kahit na ininuman niya agad ng gamot ay nagkasakit pa rin siya. Tumawag sa kaniya si Loisa kaninang umaga. Pupuntahan daw siya nito ngayon. Alam nitong maysakit siya kaya naman nag-alala ito nang sabihin niyang masama ang kaniyang pakiramdam. Kinamusta rin nito ang kaniyang lola. Sa awa ng Diyos ay magaling na rin ang kaniyang lola. Nagpapahinga na lang ito ngayon. Magwa-one week pa lang mula nang makaalis ng bansa si Riley, miss na miss na agad ito ng kaniyang kaibigan. Ang sabi ng kaniyang kaibigan ay busy daw ito ngayon sa Ireland. He's working on a new album with his band. Pero may nabasa siyang write ups na may dine-date raw itong supermodel ngayon. They were seen leaving a nightclub couple of days ago. The two were spotted hanging out in a club with his friends. Hindi niya alam kung alam na ito ng kaniyang kaibigan dahil hindi naman nababanggit ni Loisa ang tungkol sa artikulo na iyon sa kaniya. Mamaya ay itatanong niya sa kaniyang kaibigan kung updated ba ito sa ginagawa ni Riley sa bansa nito. Tama nga ang hinala niya na playboy ito at sasaktan lang ang damdamin ng kaniyang kaibigan. Matapos niyang makapananghalian ay dumating na ang kaniyang kaibigan. Nakasuot ng Bohemian floral chiffon long flare sleeve blouse ang kaniyang kaibigan na kulay itim. Sa pang-ibaba naman ay nakasuot ito ng maiksing short na kulay puti. Nakasuot ito ng puting sandals na may maliit na takong. Nagpagupit din ito ng buhok. Kung dati ay hanggang bewang ang haba ng buhok nito, ngayon ay pinaiksian nito ang buhok na hanggang balikat na lang. May highlight na rin ang buhok nito. Mas lalong gumanda ang kaniyang kaibigan. Hawig talaga nito ang artistang si Coleen Garcia na girl crush niya noon. "Yeah. Aware ako sa nangyayari sa kaniya. Nabasa ko rin iyong article na tinutukoy mo," malungkot na wika ng kaniyang kaibigan. Sinabi niya na rito ang tungkol sa nabasa niyang article sa celebrity gossip site kung saan may kuha ng paparazzi ang pag-exit ni Riley kasama ang isang magandang supermodel. Ang sabi rin ni Loisa ay ilang araw na ring hindi nagpaparamdam si Riley sa kaniyang kaibigan. Napabuntong-hininga siya. Ganoon talaga ang mga lalaki. Super sweet sa una. Pero kapag may nakitang mas maganda o mas sexy etsapwera ka na. Mas nagagandahan pa nga siya sa kaniyang kaibigan dahil natural ang ganda nito. Mukha namang retokada ang modelo na kasama ni Riley sa isang nightclub sa Ireland. Mas matangkad lang ito sa kaniyang kaibigan. Her face looks fake. Maging ang boobs nito na mukhang perfect dahil dumaan ito sa plastic surgery. He's just pretending to be busy but he's secretly giving his time and attention to someone new. Hindi man aminin ng kaniyang kaibigan na labis itong umasa at nasaktan, alam niya na masakit para sa kaniyang kaibigan ang ginawa ni Riley. Bigla na lamang itong nawala sa isipan ng lalaki. Bumalik lamang ito sa Ireland ay may ka-date na agad itong modelo. "As expected. Ganiyan talaga ang mga lalaki," wika niya. Hindi naman nito kailangang magmadali na magkaroon ng boyfriend. She's still young. Saka sigurado siyang makakahanap din ang kaniyang kaibigan ng lalaking may isang salita at seryoso. Hindi 'yung babaero tulad ni Riley. He's not really into her friend. He likes her, but not in the same way. Wala kasi itong isang salita. Pinaasa lang nito ang kaniyang kaibigan. Mahirap naman kasi talaga kapag na-in love ka sa isang lalaking playboy. Hindi naman agad-agad nagbabago ang mga lalaki. Lalo na kapag sikat at may pera. Lapitin ang mga iyon ng babae. Malapit sa temptasyon lalo pa't isang pop star si Riley. He can date whoever he wants. Anywhere, everywhere. Nag-unfollow na ang kaniyang kaibigan. Ayaw na nito ng koneksyon sa lalaking iyon. Na-realized din ng kaniyang kaibigan na malabo itong seryosohin ni Riley. Sanay naman ang lalaki na nakukuha ang kung anu mang gustuhin nito. Mabuti na lang at hindi bumigay ang kaniyang kaibigan sa lalaki. Hanggang kiss lang ang nangyari sa dalawa. They just kissed and hugged while they were together in Boracay. Hanggang doon lang. Kahit na, parang nagpahapyaw ang lalaki kay Loisa na gusto nitong lumampas sila doon. But she said no. Dahil hindi pa sigurado ang kaniyang kaibigan sa nararamdaman nito para sa lalaki. And he respected it. Hindi naman ito katulad ng ibang babae na mahilig makipag-one night stand sa lalaking hindi nito lubos na kilala. At saka very traditional ang kaniyang kaibigan. Kasal muna bago ang bagay na iyon. Nabanggit ng kaniyang kaibigan ang lalaking naka-one night stand niya noong panahong sawi siya sa pag-ibig. "Hindi mo ba siya na-mi-miss?" kantiyaw sa kaniya ni Loisa. Ngumisi pa ito ng nakakaloko habang hawak-hawak nito ang novel na binili niya sa National Bookstore noong isang buwan. Hindi pa nga niya nababasa iyon, eh. Ang sabi sa kaniya ng kaniyang classmate ay maganda raw ang novel na iyon. Ang bidang babae ay na-in love sa stepbrother nito. Na-intrigue din siya sa nobelang iyon kaya naman binili niya iyon. Kaso nakalimutan niya itong dalhin sa kaniyang condo. Nagmamadali kasi siya noon kaya hindi niya na naalala ang librong ito na naiwan niya sa kaniyang kwarto rito. Nakapatong sa malaking cabinet niya. Mahilig sila ni Loisa na magbasa ng mga romance novel. Kaya nga lumabo agad ang mga mata ng kaniyang kaibigan dahil sa pagka-adik nito sa pagbabasa ng mga novel. Inaabot ito ng madaling araw sa pagbabasa. Mabuti na lang nasa loob sila ng kwarto niya at nakasarado ang pintuan ng kaniyang kwarto. Baka kasi marinig ng kaniyang lola o lolo ang tungkol sa pinag-uusapan nila. Yari siya kapag nalaman ng mga ito na may ginawa siyang kalokohan noong nalasing siya sa bar. Lagi pa naman siyang pinapaalalahanan ng kaniyang lola na huwag siyang pupunta ng mga bar o nightclub at huwag siyang iinom ng alak. Ang mga kabataan daw kasi ngayon lalo na ang mga nasa siyudad ay mahilig daw gumimik. "Bakit ko naman siya ma-mi-miss, eh, hindi naman kami," tugon niya. "Saka malamang balewala lang sa kaniya ang nangyari sa 'min." "Hmmm...Nakatulong talaga siya para makalimutan mo ang ex mo. Tingnan mo, hindi kana nag-e-emote riyan. Feeling ko magkikita pa kayo ng lalaking iyon." Tama nga ang sinabi ng kaniyang kaibigan. Nakatulong ang lalaki para ma-divert ang focus niya. Mas iniisip niya ang lalaki kesa sa ex niya. "Hindi ko rin alam, Lois. Sana. Pero siyempre ayokong umasa. Baka may girlfriend siya." "Sa tingin mo ba makikipag-one night stand siya sa 'yo kung may girlfriend na siya? Hindi naman siguro lahat ng lalaki sa mundo, eh, kagaya ng cheater mong ex." Sana nga. Sana nga wala itong girlfriend noong may nangyari sa kanilang dalawa. Dahil lalo lang siyang magi-guilty sa kagagahang ginawa niya. "Kelan nga pala ang uwi ni tita? Nakaka-miss na si tita Soraya," anito. Ang tinutukoy nito ay ang kaniyang ina. "Sabi niya ay mas mapapaaga raw ang uwi niya ngayong taon. Siguro kapag nag-start na ang pasukan natin." Paniguradong may pasalubong din ang kaniyang ina sa kaniyang matalik na kaibigan. Ganoon naman ang kaniyang ina kapag umuuwi na ito ng bansa. May pasalubong din ito sa mga kaibigan niya. Pati sa ahas niyang kaibigan na si Katrina. Kahit ang ex niyang si Gerald ay pinapasalubungan din nito. Ganoon kabait ang kaniyang ina. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng kaniyang ina kapag ipinaalam niya na rito ang totoong nangyari sa kanila ni Gerald? Na ang itinuturing nitong parang anak na rin nito na si Katrina ay inahas lang naman ang boyfriend niya. Kahit gaano pa niya katagal kakilala ang isang tao at kahit gaano pa sila ka-close sa isa't isa, sa isang iglap lang ay hindi niya na ito kilala. Like she's a total stranger to her. She's very different now. Minsan naitatanong niya sa kaniyang sarili kung anong nangyari sa kaniyang dating kaibigan. Kung bakit mas pinili pa nito ang maling daan. Maraming lalaki sa mundo na walang sabit, pero mas pinili pa nitong landiin ang lalaking may girlfriend. Natanong din ng kaniyang kaibigan kung papasok na raw ba siya sa panibagong relasyon. May mga nanliligaw na naman sa kaniya na pasok sa kaniyang standards pero ayaw niya pa. She don't want a perfect relationship. She don't want a perfect boyfriend. Dahil kahit siya ay hindi rin naman perfect. Lahat naman ng relasyon ay sinusubok ng maraming bagay. But she want someone she could trust. Someone who won't be cheating on her physically or emotionally. Someone who is faithful to her. Kahit na maraming magagandang babae sa mundo. Lahat naman ng tao ay gustong maramdaman ang totoong pagmamahal. Someone who won't play games with her heart. Dahil tulad ng ibang babae, madali lang din siyang masaktan lalo na kapag in love siya sa isang lalaki. 'Yung may takot sa Panginoon. Naniniwala siyang pagdating sa relasyon, ang manatiling faithful ay hindi isang option bagkus ay isang number one priority para maging successful ang isang relasyon. Nabasa niya ang quote na "Being with no one is better than being with the wrong one." And it's true. Kaya hindi siya dapat magmadali na makahanap ng bagong pag-ibig. She should learn to love herself more. Than chasing guys that will only hurt her in the end. Her ex brought her down. Masakit talaga ang ginawa nito. Kahit sino man ang nasa kaniyang sitwasyon ay maiiintindihan siya. Kaya hindi na siya basta-basta magtitiwala sa mga lalaki ngayon. Kung ngayon mahal na mahal ka nila, bukas hindi na. Hindi rin nasusukat sa tagal ng isang relasyon ang success ng relationship. 'Yung iba nga ay umaabot ng isang dekada bilang magkasintahan pero humahantong din sa hiwalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD