Sofia
Nasa Boracay na sila ngayon ng kaniyang kaibigang si Loisa. One-week staycation sila dito sa Boracay. Mamaya ay mag-a-island hopping sila ng kaibigan. Excited na silang dalawa na i-enjoy ang bakasyon nila dito sa magandang isla ng Boracay. Nandito sila ngayon sa hotel na inookupa nila.
"Ang gaganda naman ng mga bikini na nabili mo. Bongga," wika ni Loisa habang hawak-hawak nito ang mga bikini niya na binili niya sa isang mall sa Maynila. "Akala ko rash guard na naman ang isusuot mo sa beach. Same na naman tayo," natatawang wika nito.
"Siyempre kailangang umawra. Maraming pogi dito. Char," biro niya sa kaniyang kaibigan.
Hindi naman dahil do'n kaya siya magsusuot ng bikini. She's not going to flaunt her body just to attract guys out there. Gusto niya lang maging confident siya sa kaniyang sariling katawan. Saka nasa beach naman siya kaya wala namang masama kung magsusuot siya ng bikini dahil normal naman iyon sa beach.
Natawa naman ang kaniyang kaibigan sa sinabi niya.
"Mang-hunting na lang tayo ng mga poging afam dito," biro ng kaibigan.
"Baliw ka talaga, Lois. Gusto bang matuhog ng wala sa oras?" natatawang biro niya sa kaibigan.
"Ewan ko sa 'yo, Sofi. Nakipag-one night stand ka lang sa gwapong foreigner nagbago ka na. Hmmm...Hindi mo pa rin siya makalimutan 'noh?" kantiyaw nito.
"Ang totoo niyan napanigipan ko siya kagabi, Lois. Feeling ko magkikita pa rin kami in the future. Ewan ko ba. Basta. Saka mahirap naman talagang makalimutan ang itsura nu'n. At alam mo na...Mahirap kalimutan 'yung nangyari sa 'min," nakangising wika niya.
"Ang harot mo, Sofi! Naku yari ka talaga sa mommy mo kapag nalaman niyang ang nag-iisang prinsesa niya ay may ginawang kalokohan."
Natawa siya sa sinabi ng kaibigan.
"Kaya nga huwag kang magsusumbong kay mommy. Alam mo naman 'yun. Baka ipa-hunting niya pa ang lalaking iyon."
"Sinabi mo pa. Alam mo naman si tita, napaka-protective sa 'yo nu'n."
Pinaghandaan niya talaga ang Boracay trip nila. Kaya naman bumili siya ng maraming pares ng bikini. Iba-ibang kulay ang kaniyang binili.
Ang kaibigan niyang si Loisa ay rash guard ang dalang swimming outfit. Magkaparehas na magkaparehas sila ni Loisa. Manang din kasi itong pumorma. Kaya naman nagulat ito sa kaniyang transformation. Hindi pa siya nito nakikitang magsuot ng sexy bikini sa beach. Napaka-conservative kasi niya noon. Hindi siya nakikiuso sa mga fashion style na in sa mga kabataan. Sobrang simple niya lang talagang pumorma kumpara sa mga kaedad niya. Na kayang magsuot ng mga revealing clothes.
Ipinagpaalam niya pa ang kaniyang kaibigan sa mga magulang nito. Tinawagan niya ang mommy ni Loisa para makumbinsi ito na payagan ang kaibigan na sumama sa kaniya at magbakasyon ng isang linggo sa Boracay. Pumayag naman ang mommy ni Loisa. Kaya naman masayang-masaya siya na hindi siya mag-isa ngayon sa Boracay. First time niya lang din sa lugar na ito. Ganoon din ang kaniyang kaibigan. Kaya naman nu'ng niyaya niya ito ay hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa. Kinailangan lang nitong kumbinsihin ang over protective parents nito na payagan itong sumama sa kaniya. Mahigpit kasi ang mga magulang ni Loisa. Hindi ito pinapayagan na gumala sa kung saan-saan at mag-sleep over sa bahay ng mga kaibigan.
Si Loisa ang panganay sa apat na magkakapatid. Mga high school pa ang mga kapatid nito. Ang bunso naman ay nasa elementarya. Parehas na guro ang mga magulang ni Loisa. Ang mommy nito ay guro sa public elementary school. Ang daddy naman nito ay teacher sa public high school. Ang akala niya nga ay susunod ang kaibigan sa yapak ng mga magulang nito. Pero ang kinuhang kurso ng kaibigan sa college ay political science. Pangarap kasi ng kaniyang kaibigan na maging isang future lawyer.
Matalino naman kasi ang kaniyang matalik na kaibigan at consistent honor student ito simula elementarya hanggang high school. Matatalino talaga ang lahi nina Loisa. Marami sa mga kamag-anak nito ay mga guro katulad ng mga magulang nito.
Ngayon ay iskolar ito sa isang kilalang public university dito sa Maynila. Nag-do-dorm ang kaniyang kaibigan. Umuwi lamang ito nang probinsya dahil bakasyon naman nila.
NBSB ang kaniyang kaibigan. Wala pa itong naging boyfriend. Na-i-intimidate ang mga nagka-crush dito noong high school pa sila dahil masyadong matalino si Loisa. Saka parehas mahigpit ang mga magulang nito. Kaya naman nag-focus na lang ang kaniyang kaibigan sa pag-aaral.
She's very competitive at their school. Isa si Loisa sa mga taong ina-admire niya dahil sa mga achievements nito simula pagkabata. Kaya naman deserve nito ang isang lalaking matino hindi iyong katulad ng kaniyang ex boyfriend.
Isa pa, foreigner talaga ang pangarap na maging boyfriend ng kaniyang kaibigan balang-araw. Gusto raw nito na maging magaganda ang mga anak in the future. Ewan niya ba sa kaibigan. Tuwang-tuwa siya sa mga bata na may ibang lahi roon sa kanilang lugar. Sobrang ga-ganda kasi ng mga genes. Gusto nito ay parang manika ang itsura ng magiging anak in the future.
Maganda naman ang kaniyang kaibigan. Kayumanggi ang kulay ng balat nito. Pero maliit lang din ito na babae. 5'1 ft ang height nito. Mas matangkad pa ang nakababatang kapatid nito kesa sa kaibigan. Magkaedad lang sila ni Loisa. Matanda lang siya ng ilang buwan sa kaibigan.
"Naku, kapag nakita ni Gerald na ganiyan ang suot mo. Paniguradong maglalaway 'yun," komento sa kaniya ng kaniyang kaibigan nang maisuot niya ang kaniyang sexy summer bikini.
Napaismid siya nang mabanggit ng kaibigan ang pangalan ng lalaking kinaiinisan niya.
"Hindi rin," tipid niyang sagot.
Alam niyang nag-e-enjoy ang kaniyang ex sa piling ni Katrina kaya naman hindi na siya nito ginugulo o hinahabol na makipagbalikan. Siyempre hahabulin pa ba siya nito kung nakukuha naman nito sa babaeng iyon ang gusto nito. Saka kahit naman habulin siya nito ay hindi na niya pagbibigyan ng pagkakataon ang dating nobyo.
"Ano ka ba? Mas sexy ka kaya kay Katrina. Mukhang laspag na laspag na ang katawan nu'n," anito.
Napatingin naman siya sa kaniyang dibdib. Mas malaki ang dibdib ni Katrina kumpara sa kaniya. Dahil cup c lang siya. Pero pakiramdam niya ay nadagdagan na ng size ang kaniyang dibdib simula nang mag-work out siya. Kung tutuusin ay malaki naman ang kaniyang dibdib sa iba niyang classmates ngayon. Samantalang si Katrina naman ay cup d o higit pa ang cup size. Ngunit medyo saggy na ang boobs ng kaniyang dating kaibigan. At alam nila ni Loisa kung bakit.
"Pa'no, marami ng lalaking tumikim sa kaniya. Ewan ko ba. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya sa 'yo at kay Chloe. Nang-agaw lang naman ng boyfriend ng may boyfriend. At magpinsan pa ang tinuhog," dagdag pa ni Loisa.
"Wala namang maaagaw kung walang magpapaagaw," seryosong wika niya. "Ginusto nilang dalawa 'yung nangyari."
"They shared the same woman. Ugh. Disgusting!" komento ni Loisa. "All they think about is getting laid. Men are all the same."
"Kaya naman matuto ka na sa 'kin. Huwag kang magpapaloko sa mga lalaki. They will promise you the world. Pero sila din ang sisira ng pangako nila."
She was dumbfounded when she saw her own boyfriend banging her childhood best friend in his own room in a broad daylight.
Sariwa pa rin sa kaniyang ala-ala ang nasaksihang pagtataksil ni Gerald at Katrina. Mahirap pa ring makalimutan ang nangyari. Masakit na nakita niya iyon mismo sa kaniyang harapan.
They were having a great time when she's away. And she caught him in a perfect timing. Huling-huli niya ito sa akto.
Ilang balde na ang iniyak niya kaya naman parang manhid na siya. She can do better. She deserve a man who will treat her right. And not cheat on her with her very best friend.
She wants nothing to do with her cheater ex boyfriend and her traitor ex best friend.
"Sinabi mo pa, Lois. Hayaan mo silang magka-STD sa ginagawa nila."
"Haays...Ewan ko ba sa mga lalaki ngayon. Hindi marunong makuntento sa isang babae. Gusto nila may side dish pa sila. Tsk."
"Hindi ko alam na lowkey f*ckboy din pala 'yang si Gerald. Akala ko talaga sobrang tino niyan. Lalo na nu'ng high school tayo. Yun pala hindi nalalayo sa pinsan niyang si Damien."
Gerald is a lowkey f*ckboy! He's two-faced.
She's disgusted on what he became. The Gerald she adored and loved turned into a different person.
"Akala ko rin," napaismid siya. "Kala mo hindi gagawa ng kalokohan. May tinatago rin pala. Parehas lang sila ni Damien," nakasimangot niyang wika.
"Kaya nga. Si Damien pa. Laging nahuhuli ni Chloe 'yon na naa-addict sa panunuod ng mga adult video. Hindi kasi nagbubura ng history kaya nahuhuli ni Chloe kapag tsine-check niya ang phone ni Damien."
"Oo nga. Saka hindi na nakuntento kay Chloe. Ibinigay na nga ni Chloe 'yung gusto niya noong birthday niya. Tapos gano'n pa 'yung ginawa niya kay Chloe. Dalawa-dalawa ang ikinakama. Haay. Naaawa ako kay Chloe dahil ginamit lang siya ni Damien. Matapos gamitin naghanap pa ng bago."
"Iba rin talaga si Katrina. Eww talaga 'yung babaeng 'yun. Wala ng kahihiyan sa sarili."
"Yeah. And horny men worships her."
Kahit pa malaki ang kasalanan ni Katrina sa kaniya, at sa isa pa nilang kaibigang si Chloe, may kasalanan din si Gerald at si Damien. Dahil nagpadala ang mga ito sa temptasyon. Na animo'y mga single ito kapag nakatalikod ang mga girlfriend nila.
Hindi pa rin nahuhuli ng kaibigan nilang si Chloe ang kataksilang ginagawa ng boyfriend nito. Gusto nilang sabihin sa kaibigan ang ginagawang kalokohan ni Damien, ngunit hindi ang tipo ni Chloe ang basta-basta naniniwala hangga't walang pruweba. Kaya naman naisip ni Loisa na kumalap ng ebidensiya na pinagtataksilan ni Damien ang kanilang kaibigan.
Kamakailan lamang ay nakita ni Loisa si Damien at Katrina na magkasama sa kanilang lugar. Sa may basketball court. Agaw-eksena ang babae sa suot nitong puting tube at napakaiksing short na halos kita na ang hindi dapat makita.
Kahit kailan ay hindi nagustuhan ni Loisa ang kaniyang dating childhood best friend na si Katrina. Dahil may ugali rin ito na hindi gusto ni Loisa.
Noon pa man ay nahahalata na ni Loisa na may tinatagong kakaibang ugali si Katrina. Mas marami kasi itong barkada na mga lalaki. Kung minsan ay pumupunta itong mag-isa sa birthday ng tropa nitong lalaki. At tanging ito lang ang babae sa grupo. Nakikipag-inuman din ito sa mga iyon kahit na nag-iisa lang itong babae roon. Kaya naman hindi maiiwasang mag-isip ng masama ang kaniyang kaibigang si Loisa dahil sa pagsama-sama nito sa mga lalaki.
Hindi niya alam kung bakit naging ganoon ang kaniyang kaibigan. Kung bakit nagawa nito ang mga bagay na hindi dapat nito ginawa. Kung bakit ito naging wild at hindi na nirerespeto ang sarili.
Grade six noon si Katrina nang maghiwalay ang mga magulang nito. Nasa abroad ang ina ni Katrina. Samantalang may ibang pamilya na ang tatay nito. Close ang pamilya niya sa pamilya ni Katrina. Magkaibigan ang kanilang mga magulang.
Nanatiling magkaibigan pa rin ang mga magulang ni Katrina alang-alang sa anak ng mga ito. Ngunit nagtanim ng galit si Katrina sa mga magulang nito simula nang maghiwalay ang mga ito. Kaya naman maaga itong pumasok sa pakikipagrelasyon.
May nakababatang kapatid si Katrina na babae. Mabuti na lang at hindi nagmana kay Katrina ang kapatid nito. Kabaliktaran ng ugali ni Katrina ang ugali ng kapatid nito. Alam niyang hindi tutularan ng kapatid nito ang gawain ng kaniyang dating kaibigan. Close rin siya sa nakababatang kapatid nito. Hindi nga ito close sa ate nitong si Katrina. Alam kasi nito ang kalokohan ng ate nito. Humingi nga ito ng tawad sa ginawa ng ate nito sa kaniya.
"Ate, Sofi. Pasensya na talaga, ah. Ako na ang nahihiya sa 'yo."
"Ano ka ba, Tia? Wala kang kasalanan sa ginawa ng ate mo. Kaya huwag kang mag-sorry diyan. Hindi mo kontrolado ang actions ng ibang tao," wika niya kay Tiana nang magkita sila nito.
Sariwa pa ang hiwalayan nila ni Gerald.
"Akala ko kasi pati sa 'kin galit ka na. Kaya hindi na ako nag-cha-chat sa 'yo noong mabalitaan ko 'yung nangyari," tugon nito.
"Bakit naman ako magagalit sa 'yo? Magkaibang-magkaiba kayo ng ate mo," paliwanag niya kay Tiana.
"Ewan ko ba du'n sa babaeng iyon sumosobra na ang kalandian," naiinis na wika ng kapatid nito.
Magkaibang-magkaiba talaga sina Katrina at Tiana. Si Tiana ay napakasipag mag-aral. Saka hindi ito nakikihalubilo sa mga lalaki. Samantalang si Katrina ay mahilig makipag-inuman sa mga lalaki at hindi madalas umuuwi ng bahay.