Sofia
Why do girls stay with guys who cheat on them?
Tanong niya sa kaniyang sarili habang binabasa ang isang online news article tungkol sa isang sikat na celebrity couple. Hindi niya napigilang sumimangot sa nabasa niyang article. Hindi niya maintindihan ang ibang babae kung bakit nag-i-stay pa ang mga ito sa isang relasyon kung niloloko lang naman sila ng mga partner nila. Kung bakit nananatili ang ibang tao sa isang toxic na relasyon.
Toxic relationship is not a good thing. It's full of stress. Ang gulo-gulo talaga ng love life ng mga sikat. Napailing siya.
Galit na galit talaga siya sa mga lalaking cheater. She hates men cheating on their girlfriends/partners. Ayaw niyang maranasan ng iba ang naranasan niya.
Why some people were heartless? Hindi ba nila naranasan ang ma-in love?
Alam niyang may hangganan din 'tong sakit na nararamdaman niya. She's trying to move on from her painful past. Alam niyang eventually ay mahi-heal din ang kaniyang puso. And she'll be complete again. Until she no longer shed tears again for that heartless cheater.
Burado na lahat ng mga larawan nila ng kaniyang dating nobyo sa kaniyang main social media account. At sa lahat ng social media account na mayroon siya noon. Mas marami silang mga larawan noon ni Gerald sa kaniyang social media account na maraming kabtaan ang gumagamit para makapag-upload ng magagandang pictures. Noong magkasintahan pa sila ni Gerald, lagi silang nag-se-selfie nito. Wala ng bakas ng kanilang relasyon ang kaniyang social media account.
They were a picture-perfect couple back then. Wala itong pina-follow na kahit sinong babae mapa celebrity man o hindi sa personal social media account nito. Puro picture lang nilang dalawa ang laman ng i********: account nito. Hindi niya naman pinagbabawalan ang dating nobyo na i-follow ang kung sino mang celebrity na gusto nitong i-follow sa social media. But her ex boyfriend chose not to follow any female celebrity.
He's so sweet towards her back then.
He's not giving any attention to other girls. Kahit pa ayon sa kaniyang mga kaibigan ay maraming babae ang nagkaka-crush sa kaniyang ex. He was completely hers.
She still remember the first time she met him. Their first conversation. Her awkward moment meeting him. Their first date. Their first kiss. The times when they used to talk to each other all day, every day without getting bored of each other's company. The times when they were there for each other when things gets tough, and made all those promises that they will forever stays on each others side. Na kahit na ano mang pagdaanan nilang pagsubok ay hindi nila iiwan ang isa't isa.
Lagi niya pa ngang ipinagmamalaki sa kaniyang ina ang dating nobyo. Na masipag itong mag-aral at hindi napapabarkada. Sinabi niya rin sa kaniyang ina na ito na ang gusto niyang mapangasawa balang-araw. She didn't see her future with other man. She just want to spend the rest of her lives with Gerald. Lagi niyang iniisip noon na hindi niya kailanman ipagpapalit sa ibang lalaki si Gerald. Dahil higit pa sa sapat sa kaniya ang lalaki. Ngunit hindi niya inaasahan na isang araw magbabago ang lahat.
"Bakit nasa bahay mo si Katrina? Anong ginagawa niya sa inyo?" napapraning na siya sa isiping may namamagitan kay Katrina at sa kaniyang boyfriend.
Dahil napapadalas ang pagpunta ni Katrina sa bahay ni Gerald nitong mga nakaraang linggo. Ina-upload pa nga ng babae ang mga larawan nila ni Gerald na magkasama sa i********: account nito. May kuha rin ang kaniyang best friend kasama ang pinsan ng kaniyang boyfriend na si Damien.
Ayaw niya sanang paghinalaan ang kaniyang boyfriend at ang kaniyang best friend na may namamagitan sa mga ito. Ngunit hindi niya maiwasang magselos dahil hindi kailanman naging malapit ang kaniyang boyfriend sa ibang babae. Kaya nagtataka siya kung bakit naging fast friends ang mga ito.
Aware din siya na noon pa man ay type na ng pinsan nito ang kaniyang childhood best friend. At pakiramdam niya rin noon ay may gusto ang kaniyang best friend kay Damien. Pero ang sabi naman sa kaniya ni Katrina ay hindi niya type ang lalaki at hindi raw ito pumapatol sa boyfriend ng kaibigan nito. Napaniwala naman siya sa sinabi ng kaniyang best friend.
She looks like an angel outside. Ngunit may pagka-demonyo pala ang ugali nito. Bait-baitan lang ito sa harapan ng marami.
"Relax lang, babe. She's close to my cousin, Damien. Alam mo naman na type na type ng pinsan ko si Katrina. Kaya wala kang dapat isipin. Napapraning ka lang. Katrina's not my type, babe. Damien and her were hooking up. You know, hindi puwedeng dalhin ni Damien si Katrina sa bahay nila. Dahil may girlfriend si Damien. Kaya dito nila ginagawa ang...alam mo na."
'Yun pala ang hindi raw type. Damien and Gerald were sleeping with the same girl. Tinuhog ni Katrina ang magpinsan. She's dirty and disgusting! They're all disgusting! Wala ng kahihiyan ang mga ito.
Naiinis siya noon kay Damien dahil doon nito dinadala si Katrina sa bahay pa mismo ng kaniyang boyfriend. She hates the fact that he's cheating on one of her friends. Magkaibigan sila ng girlfriend ni Damien. At laking gulat niya rin na ang side girlfriend pala nito ay ang kaniyang childhood best friend na si Katrina.
Na-o-overwhelm siya sa mga nalaman niya. Hindi niya rin alam kung ipapahamak niya si Katrina sa girlfriend ni Damien. At mas lalo pa siyang nainis sa boyfriend niya dahil hinahayaan nitong gumawa ng kalokohan ang pinsan nito sa mismong bahay nito.
Tama pala ang chismis sa kanilang lugar na ibang klaseng babae si Katrina. Matunog ang pangalan ng kaniyang best friend sa mga kalalakihan doon. Isang sikat na haliparot ang kaniyang dating best friend. Maraming nagkaka-crush sa babae.
Maganda naman kasi talaga at sexy ang kaniyang ahas na kaibigan. Malaki ang boobs nito at ang pang-upo kaya naman kapag naglalakad ito sa kalsada suot ang sexy nitong outfit ay hindi kumukurap ang mga mata ng tambay sa kanto.
Ngunit hindi naman nito pinapansin ang mga lalaking tambay sa kanto. Ang tipo kasi ng kaniyang best friend ay mga gwapo lang. At dahil nga sa gwapo ang magpinsan ay pinatulan nito kahit parehas na taken ang dalawa. Wala itong pake kung nakasira man ito ng relasyon. Naniniwala naman siya sa karma. Bahala na ang Panginoon sa mga ito.
Kaya naman noong makauwi siya ng Batangas ay hinarang siya sa pintuan ni Damien. Gulat na gulat ito sa biglaan niyang pagdating. Hindi rin naman siya nagsabi kay Gerald na uuwi siya noong araw na iyon. Wala itong clue na bigla-bigla siyang magpapakita rito ng walang pasabi. Sinurpresa niya talaga ito. Ngunit hindi niya inaasahan ang kaniyang nasaksihan nang araw na iyon.
"Ahmm...N-Natutulog pa 'yung pinsan ko. Bumalik ka na lang mamaya," wika ni Damien nang dumating siya sa bahay ni Gerald noong umagang iyon. Hindi nito malaman ang gagawin at sasabihin nang makita siya.
Natutulog? Eh, tanghali na. Saka wala naman itong pinagkakaabalahan para mapuyat ng husto.
Hindi makatingin sa kaniya ng diretso si Damien. Halatang may itinatago ito. Malakas ang kaniyang kutob na may inililihim ito sa kaniya tungkol sa pinsan nito. Kaya naman nagpumilit siyang makita si Gerald. Hindi mapapanatag ang kaniyang loob hanggat hindi nakikita ang nobyo.
Hindi na siya napigilan nito na makita ang kaniyang boyfriend. Hindi nakasara ang pintuan ng kwarto nito kaya naman kitang-kita niya ang kalokohang ginagawa ng nobyo.
Na nasa ibabaw lang naman ni Katrina. Para siyang mababaliw sa kaniyang nasaksihan nang mga oras na iyon na dumurog ng husto sa kaniyang puso.
Napatulala siya at hindi makagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Parang huminto ang t***k ng kaniyang puso nang makita ang kaniyang boyfriend na hubo't hubad at naliligo na sa sariling pawis habang pinapaligaya ang kaniyang matalik na kaibigan. Napapatirik pa ang mga mata ng babae sa ginagawa ng kaniyang boyfriend habang mariing kuyom nito ang bed sheet.
Hindi na niya napigilang umagos ang kaniyang mga luha sa kaniyang mukha nang mga sandaling iyon. Para siyang kakapusin ng hininga nang mga oras na iyon. Gusto niyang isipin na isang masamang panaginip lang ang lahat. Na binabangungot lang siya. Na wala siya sa realidad. Ngunit totoo ang nakikita niya sa kaniyang harapan. At totoo rin ang sakit na kaniyang nararamdaman. Parang pinipiga ang kaniyang puso sa sobrang sakit.
You are much more than a failed relationship. Bulong niya sa kaniyang sarili.
Iyon ang itinatatak niya sa kaniyang isipan sa tuwing sasagi sa kaniya ang hiwalayan nila ni Gerald. At ang mga ala-ala nilang dalawa. Pilit niyang pinapatatag ang kaniyang kalooban dahil sa nangyaring iyon. Siyempre hindi naman basta-basta maghihilom agad ang sakit ng kahapon. Marami kasi silang ala-ala ng dating nobyo. Naging mabuti naman itong nobyo sa kaniya noon. Sadyang nagbago lang talaga ito.
Nandoon pa rin 'yung nanghihinayang siya sa relasyon nila dahil tumagal sila ng mahigit pitong taon bilang magkasintahan. Masyado kasi siyang invested sa relasyon nilang dalawa noon.
Pero mas lamang pa rin sa puso niya ang sakit at galit ng panloloko nito sa kaniya. Hindi niya alam kung magagawa niya bang alisin ang galit sa kaniyang puso.
Hindi mo kailangan pumasok sa isang relasyon para masabi lang na masaya ka.
Totoo 'yan! Hindi niya kailangang pumasok sa isang relasyon para maging masaya. Wala sa plano niya ang makipagrelasyon agad-agad.
She wanted to be happy with herself. Learn to love her self more. Gawin ang gusto niyang gawin na hindi niya nagawa noong nakatali siya sa isang relasyon. She didn't want to sulk in her room for the whole day. She didn't want to get depressed for a long time.
Nagawa lang niyang makipag one-night stand sa isang lalaking hindi niya kilala dahil hinayaan niyang kontrolin siya ng kaniyang emosyon. Nagpadala siya sa nararamdaman noong gabing iyon.
She's afraid to jump into another relationship at the moment. Wala pa talaga sa kaniyang isipan ang magkaroon ng panibangong relasyon kahit may mga nag-uudyok sa kaniya na maghanap agad ng panibagong boyfriend para ipamukha kay Gerald na hindi ito kawalan sa kaniyang buhay. Pero wala siyang interes sa ibang lalaki.
Hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang isipan ang guwapong mukha ng lalaki.
And the way he made her feel for a short moment they had together. She felt that he's caught feelings for her that fast. Pakiramdam niya, he wants something more from her. Malakas ang kutob niya roon.
There's immediate sparks between them that she can't deny. But unfortunately, they can't be together for some reason.
Sa isang araw na ang flight nila ng kaniyang kaibigan papuntang Boracay. Hinihintay niya ang kaniyang kaibigan na dumating dito sa kaniyang apartment ngayong hapon. Nakapaglinis na siya kanina ng kaniyang condo.
She's very OC. Ayaw niya ng makalat ang kaniyang condo. Kumakalat lang naman ito kapag nag-i-sleep over ang kaniyang mga college friends sa kaniyang condo.
Nag-chat ang kaniyang mga kaibigan sa kaniya kagabi. They're all enjoying their vacation abroad. Naiinggit nga siya sa mga ito. Pero nangako ang kaniyang mommy na ngayong taon ay magbabakasyon sila sa Japan.
Her mom is very secretive these days. Ang sabi nito ay inspired daw ito sa trabaho araw-araw. Medyo vague ang sinasabi nito sa kaniya pero malakas ang kaniyang kutob na may lalaking nagpapatibok sa puso nito ngayon. Actually, last year pa siya naghihinala na may boyfriend na ito sa ibang bansa. Hindi niya lang ito kinukulit na sabihin sa kaniya ang totoo. Alam niyang mag-de-deny lang ito kapag kinompronta niya ito. Hindi pa siguro handa ang kaniyang ina na ipagtapat ang totoo.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi kapag nakumpirma niyang may boyfriend na nga ang kaniyang ina. Mas lamang 'yung malulungkot siya dahil pinalitan na nito sa puso nito ang kaniyang yumaong ama. And she's not ready to have a stepfather. Ayaw niyang may pumalit sa puwesto ng kaniyang ama. Lalo na ang magkaroon ng step-sibling. Ayaw niyang magkaroon ng bagong pamilya. Hindi pa siya handa sa ideyang magkakaroon siya ng panibagong pamilya.
Sana lang ay mali ang hinala niya na may iba na ang kaniyang ina. And that she already replaced his father in her heart. Gusto niya rin naman na maging masaya ang kaniyang ina. Pero...natatakot siyang makalimutan na nito ang kaniyang ama.
Ewan niya ba, hindi pa siya handa. Kailanman ay hindi siya magiging handa.
"Mom, magbabakasyon kami ni Lois sa Boracay for a week," wika niya sa kaniyang ina sa kabilang linya. Day off nito ngayon sa trabaho. Kaya naman tinawagan niya ang kaniyang ina. Madalas sila nitong magkausap.
"Okay. Have fun, baby. Hindi mo kasama si Gerald?"
Napatahimik siya sa tanong ng kaniyang ina.
Hindi pa rin niya nababanggit ang tungkol sa kanila ni Gerald. Hindi niya alam kung paano ito babanggitin sa kaniyang ina. Naging close kasi ito sa kaniyang ex. Ipinagkatiwala pa siya ng kaniyang mommy sa lalaking iyon. 'Yun pala ay sasaktan lang din siya nito.
"Ah, hindi mommy. Kami lang ni Lois. Busy po si Gerald, eh."
Busy kay Katrina.
Hindi niya na isinatinig ang nasa isipan.
Paano niya rin kaya sasabihin sa kaniyang ina na ang itinuturing nitong parang isang anak ay inagawan siya ng boyfriend?
"Ah, ganoon ba, 'nak? Siya nga pala, 'nak, malapit ng umuwi si mommy. May surprise ako sa 'yo," ramdam niya ang saya at excitement sa tinig ng kaniyang ina.
Excited na rin siyang makapiling muli ang kaniyang ina. Two or Three months from now ay uuwi na ng bansa ang kaniyang ina. Miss na miss niya na talaga ito. Sapat na siya sa presensya nito. Hindi mahalaga sa kaniya ang mga pasalubong nito dahil hindi naman siya materialistic. Hindi pa rin matutumbasan ng kung anumang mamahaling bagay ang makapiling ang kaniyang pinakamamahal na ina.
Parang magtropa lang sila ng kaniyang ina. Mas kikay pa nga ang kaniyang ina kesa sa kaniya. Nasa mid-thirties pa lang ang kaniyang ina. Maagang nag-asawa ang kaniyang ina. Pagka-graduate nito ng high school ay nabuntis na agad ito ng kaniyang ama.
Ang ibang ipinapadala nga ng kaniyang ina tulad ng mga bag at sapatos ay ibinibigay niya kay Lois at sa iba niyang kaibigan. Dahil marami na siya noon. Alam naman iyon ng kaniyang ina at wala naman dito kung mamigay siya ng mga gamit. Likas naman silang mapagbigay na mag-ina.
Hindi siya mahilig sa mga designer bags and clothes pero isinusuot niya ang mga ito kapag gusto niyang umawra sa kanilang eskuwelahan o kung may okasyon man na kailangan presentable siya. Mga yayamanin kasi ang kaniyang mga classmates at mahihilig umawra. Kaya naman hindi siya nagpapahuli. Pero ngayon ay hindi na siya nagsusuot ng panay t-shirt o long sleeves. Nagsusuot na siya ng mga sexy na damit ngunit hindi naman kabastos-bastos ang uri ng kaniyang pananamit.
Tumaas na rin ang kaniyang confidence level. Kung noon ay nakakaramdam siya ng insecurity sa sarili kaya hindi siya masyadong nag-po-post ng kaniyang larawan sa social media, ngayon ay medyo nabawasan na.
She's learning how to embrace her flaws. Her imperfections. She can't listen to other people's opinion of herself forever. People will always have something to say to anyone. Kahit pa iyong mga tao na malapit sa 'yo. Kaya naman naging mailap siya sa ibang tao. Ayaw niya na ma-misinterpret ng iba ang kaniyang mga pag-po-post sa social media. Dati kasi mahilig siyang mag-selfie sa mga mamahaling restaurant. Na 'yung iba ay na-mi-misinterpret na nagyayabang siya dahil may kakayahan siyang kumain sa mga fancy restaurants. 'Yung ibang classmate niya sa high school ay ganoon sa kaniya. Akala nila nagyayabang siya kahit hindi naman.
Kasalanan niya bang nabibigyan siya ng pagkakataon na makakain sa mga mamahaling restaurants? Hindi niya maintindihan ang ibang tao kung bakit ganoon sila.