Sofia
Matapos niyang maligo ay inayos niya na ang kaniyang sarili. Nag-almusal na rin siya kanina. Tinapay na may palamang coco jam ang kaniyang almusal. Tapos nagtimpla siya ng 3 in 1 coffee para mainitan ang kaniyang sikmura. Saka mahilig din talaga siyang uminom ng mainit na kape sa umaga. Sa gabi ay umiinom naman siya ng green tea. Noong una niyang matikman ang green tea ay hindi niya nagustuhan ang lasa. Ngunit nang tumagal ay nasanay na rin siya sa lasa ng green tea. Healthy kasi iyon kaya umiinom siya no'n. Hindi na siya nag-abalang magluto ng kaniyang almusal dahil nagmamadali siya ngayon.
May stocks pa naman siya ng mga pagkain sa refrigerator. Hindi niya kasama ang kaniyang kaibigan na si Loisa dahil matapos nilang ihatid si Riley sa airport ay hindi rin naman niya ito nakasama ng matagal. Umuwi rin ito agad ng Batangas. Nag-chat siya sa kaniyang kaibigan na uuwi siya ngayon ng Batangas dahil maysakit ang kaniyang lola.
Naplantsa niya na ang kaniyang damit na susuotin kagabi pa lang. Lagi niyang inihahanda ang kaniyang susuotin gabi palang kapag aalis siya kinabukasan. Simpleng white crop top lang ang kaniyang suot. Sa pang-ibaba naman ay high-waist skinny jeans. Tinernuhan niya ito ng suot niyang white sneakers. Maliit lang na bag ang kaniyang dala dahil marami naman siyang damit doon sa Batangas. Organize ang kaniyang gamit doon. Hindi niya ito iniiwan na magulo.
Nagmamadali na siyang makauwi ng probinsya nila. Medyo madilim pa nang umalis siya sa kaniyang condo. Kapag malapit na siya sa kanilang lugar mamaya ay bibili siya ng mga prutas sa palengke nila. Ang ikinabubuhay ng kaniyang lolo't lola ay pagsasaka. May sarili silang lupa sa Batangas kung saan may mga tanim ang kaniyang lolo't lola ng mga gulay doon.
Lumaki ang kaniyang mga magulang sa simpleng pamumuhay sa kanilang probinsya sa Batangas. Maraming mga kapatid ang kaniyang ina. Sampu lahat silang magkakapatid. Noong nakapangibang bansa ang kaniyang ina ay nakaahon-ahon sila sa buhay. Tinutulungan din ng kaniyang ina ang pamilya ng mga kapatid nito na hindi nakakaangat sa buhay.
Hindi naman kasi maramot ang kaniyang ina. Kapag mayroon ito ay nagpapamahagi ito ng biyaya. Her mom isn't selfish. Mas inuuna pa nito ang iba kesa sa sarili nito. Mahal na mahal niya ang kaniyang ina na nagsasakripisyo para sa kaniya sa ibang bansa. Kaya naman nag-aaral siyang mabuti para hindi niya mabigo ito sa mga pangarap nito para sa kaniya.
Sagana sila sa mga gulay. Sari-sari ang mga tanim nilang gulay sa bukid. May petchay, okra, talong, kamatis, sitaw, beans, at kung anu-ano pa. Madalas din siyang magluto ng gulay kapag nasa Batangas siya. Hinahanap-hanap niya iyon dito sa Maynila. Lalo na 'yung laing at adobong kangkong na ilan lamang sa mga paborito niyang putahe ng gulay.
Meron ding alagang mga baboy at kambing ang kaniyang lolo't lola. Kaya naman araw-araw na nasa bukid ang mga ito.
Noong bata pa siya hanggang mag-aral siya noon sa high school ay sumasama siya sa kaniyang lolo't lola sa kanilang bukid. Tinutulungan niya ang mga ito na magtanim ng mga gulay at halaman doon. Wala siyang pakialam kahit mangitim pa siya sa tindi ng sikat ng araw. Saka na-re-relax siya kapag nagtatanim siya ng mga halaman at gulay. Ayaw niyang maburyo sa loob ng kanilang bahay.
Madalas din na sumasama sa kaniya roon ang kaniyang dating nobyo kaya naman naging malapit ito sa kaniyang lolo't lola.
Nang tumuntong siya ng kolehiyo at manirahang mag-isa sa Maynila, malaking adjustment ang naranasan niya. Hindi siya sanay ng mag-isa. Saka laki siya sa probinsya, kaya naman mas gusto niya ang atmosphere roon kesa dito sa Maynila. Sariwa ang hangin. Pero unti-unti naman niyang sinasanay ang kaniyang sarili na kayanin ang tumira ng mag-isa sa Maynila. Wala man siyang kamag-anak sa Maynila ay okay lang. Titiisin niya ang lahat para sa kaniyang mga pangarap. Para naman masuklian ang sakripisyo ng kaniyang ina na tinitiis ang kalungkutan sa abroad mabigyan lamang siya ng magandang buhay sa Pilipinas.
At least naranasan niya ang maging independent sa Maynila. Sabi niya nga noon sa kaniyang ina na gusto niyang mag-working student para naman hindi siya nakadepende sa ipinapadalang pera ng kaniyang ina. Sa tingin niya naman ay kaya niyang pagsabayin ang kaniyang pag-aaral at ang pagtatrabaho. Gusto niyang suportahan ang kaniyang sarili. Ngunit pinigilan siya ng kaniyang ina na maghanap ng part-time job. Mag-focus na lang daw siya sa pag-aaral dahil sapat naman ang kinikita nito sa ibang bansa.
Gusto sana niyang magkaroon ng sariling ipon mula sa sarili niyang bulsa. 'Yung pinaghirapan niya talaga mula sa pagtatrabaho. Nakakaipon naman siya mula sa padala ng kaniyang ina, pero minsan ay magastos siya. Kung saan-saang restaurant sila kumakain ng kaniyang mga kaibigan. Saka nahihilig siya sa pag-o-online shopping dahil marami siyang nakikitang magagandang damit doon. Hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na bumili ng mga bagong damit ngayong nauso na ang online shopping. At nahihilig din siya sa mga makeup. Kaya naman nababawasan niya ang kaniyang ipon. Nahahawa na siya sa mga kaibigan niya sa school na mga waldas sa pera.
Hindi rin siya magaling pumorma noon. Minsan nga may nakasabay siya noon sa MRT, nakatingin sa kaniya 'yung isang magandang babae at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nahiya tuloy siya sa suot niya noon na sobrang baduy at halatang laki siya sa probinsya. May kaklase nga siya na nababaduyan sa kaniya. Sa uri ng kaniyang pananamit. At halatang hindi siya nito gusto. Sosyalera kasi ang kaklase niyang iyon at sobrang arte sa katawan. Lagi itong may side comment sa iba pa niyang kaklase. Palagi nitong pinupuna ang suot ng iba.
Kagabi ay tumawag sa kaniya si Kaori at niyayaya siya nitong magpunta muli ng bar. Ngunit hindi siya pupuwede dahil kailangan niyang matulog ng maaga. Kaya naman tumanggi siya rito. Ang sabi niya na lang ay isama na lang nito ang isa pa nilang kaibigan na mahilig gumimik.
"Okay, sige. Sayang, gusto ka pa namang makita ni Calum," ani Kaori sa kaniya sa kabilang linya.
Ayaw niya namang makita ang lalaki. Wala naman siyang nararamdaman para rito. Ayaw niya itong paasahin. Nagtapat na kasi ito sa kaniya na may gusto raw ito sa kaniya. At kung okay lang daw ba na ligawan siya. Ngunit wala pa siyang plano na magkaroon ng panibagong boyfriend. Mabait naman si Calum na nakilala niya sa bar. Ngunit hindi ito ang mga tipo niya. Handa naman daw maghintay sa kaniya ang lalaki. At naiintindihan nito ang desisyon niya.
Nakasakay na siya ng aircon bus patungo sa kanilang probinsya. Inagahan na talaga niya ang alis para naman hindi ganoon katagal ang biyahe niya dahil sa traffic. Inaantok-antok pa nga siya, eh. Humihikab-hikab pa siya habang nakaupo sa bus. Habang tahimik na nakaupo siya sa bus ay kinuha niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag. Binuksan niya ito at in-open ang kaniyang Spotify para makinig ng mga kanta na nasa kaniyang playlist.
Ganoon naman siya sa tuwing nasa biyahe siya. Hilig niya na talagang makinig ng mga kanta kapag nasa biyahe siya. Para naman hindi siya mainip sa biyahe. Saka para hindi siya ma-stress sa kakaisip sa kalagayan ng kaniyang lola. May playlist din siya ng mga Christian songs. It calms her mind. Kapag nakikinig siya ng mga ganoong klaseng musika ay kumakalma siya. Pakiramdam niya ay nasa tabi niya ang kaniyang Panginoon at hindi siya pinapabayaan.
She shouldn't stress herself with worthless things. Pero hindi niya maiwasan dahil ganoon talaga siya. She's an overthinker. Kahit noon pa man ay ganoon na siya. Naiinis siya sa kaniyang sarili minsan. Dahil hindi niya ito ma-overcome. Tama lang na Psychology ang course na kinuha niya dahil marami pa siyang hindi nauunawaan sa mga bagay-bagay pagdating sa takbo ng utak at emosyon ng tao. And she wants to help those who's trying to get through with life but was trapped in the darkness.
Doon siya nakapuwesto sa malapit sa unahan. Sa tabi ng bintana. Wala naman siyang katabi sa pang dalawahan na upuan. Iidlip na lang siya habang nasa biyahe dahil ilang oras pa ang kaniyang ibabiyahe bago makarating sa kanilang bahay sa Batangas.
Nang nasa Bacoor na siya ay nag-text siya sa kaniyang pinsan kung kumusta na ba ang kanilang lola. Makalipas ang ilang minuto ay nag-reply na sa kaniya ang kaniyang pinsan. Maaga naman itong nagigising dahil ito ang gumagawa ng gawaing bahay doon.
Xyrille: May lagnat pa rin si lola, ate Sofi. Pero hindi na siya gaanong inuubo. Ingat ka 'te sa biyahe.
Nag-reply siya sa text ng kaniyang pinsan. Mabuti na lang nandoon ang kaniyang pinsan para alagaan ang kaniyang lola. Siya lang at ang pinsan niyang si Xyrille ang sobrang concern sa kanilang lolo't lola. Ang iba niyang pinsan ay walang pakialam sa mga ito. Kaya naman mas close sila ni Xyrille kesa sa iba niyang pinsan na mayayabang at masasama ang mga ugali.
Nakaramdam siya ng pagkainip sa biyahe. Dahil na-stuck na naman siya sa traffic. Lagi na lang traffic dito sa Bacoor. Napabuntong-hininga siya. Eto ang ayaw niya sa lahat. Ang ma-stuck sa traffic lalo na kapag nagmamadali siya. Pero ano pa nga bang magagawa niya kung 'di tanggapin ang katotohanan na laging traffic dito sa lugar na ito.
Nilibang niya na lang ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng kaniyang paboritong Chinese novel. Nakailang ulit na nga niya iyong binasa pero hindi siya nagsasawang ulit-ulitin iyon. Kung minsan iniisip niya kung may nabubuhay kaya talaga na katulad ng fictional character na binabasa. Kasi ideal guy niya 'yung male character sa story. Gwapo pero hindi cheater.
Saan pa kaya makakahanap ng ganoong lalaki? O tanging sa fictional story lang ang mga ito nag-e-exist? Ilusyon lang ba ang perfect boyfriend na nasa kaniyang isipan? Mahirap ba talagang makahanap ng ganoong lalaki?