Chapter 18

1928 Words
Sofia "Kelan pa?" balisang tanong niya sa kaniyang pinsan sa kabilang linya. Tumawag ang kaniyang pinsan na babae na mas bata sa kaniya ng tatlong taon. Ibinalita nito sa kaniya na maysakit ang kanilang lola. Habang naglilinis siya ng kaniyang condo ay hindi niya namalayan na naka-dalawang missed call na ang kaniyang pinsan. Inihabilin niya kasi sa kaniyang pinsan ang kaniyang lolo't lola sa Batangas. Ang sabi niya ay dalaw-dalawin niya ang lolo't lola nila roon dahil malapit lang naman ang bahay ng kaniyang pinsan sa bahay nila. Bukod kasi sa kaniya, ang pinsan niyang ito ang pinaka concern sa kanilang lolo't lola. Maalalahanin ito lalo na't matatanda na ang kanilang grandparents. "Nu'ng isang araw pa masama ang pakiramdam ni lola. Sinamahan ko na siyang magpa-check up kahapon sa doktor. Niresetahan naman na siya ng gamot." "Alagaan mo ng mabuti si lola, ha. Ipainom mo sa kaniya 'yung maintenance niyang gamot." Hindi niya mapigilang hindi mag-alala sa kalagayan ng kaniyang lola. Kailangan niyang umuwi ng Batangas para masigurong okay lang ang kaniyang lola. Kahit ayon naman sa kaniyang pinsan ay medyo umo-okay na raw ang pakiramdam nito. May sakit na diabetes pa naman ang kaniyang lola kaya lalo siyang nag-aalala rito. Lagi niyang pinapaalalahanan na inumin nito ang mga maintenance na gamot nito. Dahil bukod sa diabetes ay highblood din ito. Makakalimutin pa naman ang kaniyang lola kaya siya ang laging nagpapaalala rito nang mga gamot na dapat nitong inumin sa oras na sinabi ng doktor. Bukas ng umaga ay uuwi siya ng Batangas. Gusto niyang maalagaan ang kaniyang lola na maysakit. Simula nang mag-abroad ang kaniyang ina ay ang lola niya na ang tumayong pangalawang ina sa kaniya. Ito ang palaging uma-attend ng mga meeting sa kanilang eskuwelahan kapag kailangang magpunta ang mga magulang ng mga estudyante. Malaki ang naging sakripisyo ng kaniyang lola sa pag-aaruga sa kaniya dahil maagang namatay ang kaniyang ama. Kaya naman kapag nagkakasakit ang kaniyang lolo't lola, siya ang nag-aalaga sa mga ito para naman masuklian niya ang mga sakripisyo ng mga ito. Lagi niyang ipinagdarasal na humaba pa sana ang buhay ng kaniyang lolo't lola. Mahal na mahal niya ang mga ito. Ito na ang tumayong mga magulang niya nang mamatay ang kaniyang ama at nang mangibang bansa ang kaniyang ina. Sobrang close niya sa mga ito kaya naman hindi niya kakayanin kapag iniwan na siya ng mga ito. Kapag maysakit siya ay ang kaniyang lola ang nag-aalaga sa kaniya. Lalo na noong ma-dengue siya. Ilang linggo siya sa ospital noon. Ilang linggo ring puyat ang kaniyang lola sa pagbabantay sa kaniya. Akala nga niya noon ay mamamatay na siya. Ngunit pinapalakas ng kaniyang lolo't lola ang kaniyang loob. Tinitiis niya ang sakit ng mga injection para hindi lalong mag-alala ang kaniyang lolo't lola sa kaniya. Nauso kasi noon sa kanilang lugar ang dengue. Halos lahat ng mga bata sa kanilang compound ay nadali ng sakit na iyon. Na-dengue ang kaniyang dalawang pinsan pagkatapos ay siya naman ang sumunod. Nagtungo sila noon ng kaniyang lola sa handaan sa kanilang lugar birthday ng kamag-anak nila noon. Nang makauwi sila ng bahay, mga ilang oras pa lang ay sumama na ang kaniyang pakiramdam. Walang tigil ang kaniyang pagsusuka nang hapong iyon. Ang sabi ng kaniyang tiyahin ay dalhin na nga raw siya sa ospital dahil nakakaalarma na ang kaniyang pagsusuka noon. Hanggang sa ayon nga, tinamaan na rin pala siya ng dengue tulad ng mga bata sa kanilang lugar. Dahil sa dengue ay namatay ang kaniyang pinsan na mas bata sa kaniya. Halos nawawalan na rin siya ng pag-asa noon dahil pababa ng pababa ang kaniyang platelet. Alam niyang hindi dapat balewalain ang sakit na dengue dahil nakakamatay ito. Ganoon na lang ang pagkabigla nila nang sumuko na ang kaniyang pinsan. Nakakailang araw pa lang ito na naka-confine sa ospital ay binawian na agad ito ng buhay. Inaasar pa nga niya ang pinsan niyang iyon bago ito maospital. Hindi niya alam na iyon na pala ang huling pagkukulitan nila. Nalulungkot siya sa maagang pagkawala ng kaniyang pinsan. Matalino pa naman ito at mabuting anak. Marami pa itong pangarap sa buhay. Nagkakasundo sila sa maraming bagay ng kaniyang pinsan. Hanggang ngayon ay na-mi-miss niya ito. Ang mga asaran nila. Ang masayang ala-ala na mayroon siya kasama ang kaniyang pinsan. Parang kapatid na rin ang turing niya sa pinsan niyang iyon. Palagi iyon sa kanilang bahay at laging nakikipaglaro sa kaniya noong mga bata pa sila nito. Pero sadyang ganoon talaga ang buhay. May purpose ang Panginoon kung bakit nangyari ang bagay na iyon. Kung bakit nito kinuha ang kaniyang pinsan. Alam niyang binabantayan sila nito. Kinabukasan ay gumising siya ng madaling araw. Gusto niyang makauwi ng maaga-aga sa kanilang probinsya. Wala naman siyang sariling kotse kaya naman mag-co-commute lang siya. Ang pangako sa kaniya ng kaniyang ina ay bibilhan siya nito ng kotse bago raw siya tumuntong ng fourth-year college. Ngunit ang sabi niya sa kaniyang ina ay hindi niya kailangan ng kotse dahil malapit lang naman ang condo niya sa kaniyang pinapasukang eskuwelahan. Saka masyadong mahal ang kotse ngayon. Hindi niya alam kung saan kukuha ang kaniyang ina ng gano'n kalaking halaga na pambili ng mamahaling kotse. Ang sabi nito ay wala raw siyang dapat isipin tungkol sa pera. Sa kung saan nito kukuhanin ang pambili ng mamahaling kotse. Alam niyang hindi nakakaipon ang kaniyang ina ng malaking halaga ng pera kaya saan naman kaya nito kukuhanin ang pambili ng kotse. Napapatanong tuloy siya sa kaniyang sarili kung totoo nga ang kaniyang hinala na may nobyo na ito sa Singapore. Sa tingin niya ay hindi naman masama kung magkakaroon nga ito ng nobyo o kung mayroon man itong nobyo ngayon ay wala siyang karapatang panghimasukan ang desisyon ng kaniyang ina. Pero hindi lang talaga siya handa na magkaroon ng magiging stepfather balang-araw. Ayaw niyang magkaroon ng bagong pamilya. Lalo na't hindi niya alam kung matatanggap ba siya sa bagong pamilyang pakikisamahan niya. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano sa ngayon dahil hindi pa naman umaamin ang kaniyang ina. Pero kasi kapag nag-isip siya ng isang bagay ay kung anu-anong negatibo na bagay na ang pumapasok sa kaniyang utak. Kahit hindi naman siya dapat mag-isip ng kung anu-ano dahil wala pang kumpirmasyon mula sa kaniyang ina ang mga hinala niya rito. Isa pa, hindi niya alam kung okay lang ba sa kaniyang lolo't lola na magkaroon muli ng asawa ang kaniyang ina. Nabanggit ito ng kaniyang ina noon kung sakaling mag-aasawa muli ang kaniyang ina, matatanggap daw ba ito ng mga magulang nito. Sa kaniyang lolo ay ayos lang naman daw kung sakali ngang magkaroon muli ito ng bagong pag-ibig. Ngunit hindi sang-ayon ang kaniyang lola sa ideya na iyon. Dahil mas iniisip nito ang kaniyang kapakanan. Paano kung iba pala ang maging trato sa kaniya? Iyon ang iniisip ng kaniyang lola. Marami kasing nababalitaan ang kaniyang lola na hindi maganda sa pag-aasawang muli lalo na kung may anak na ang babae. Malaking pag-a-adjust ang kaniyang gagawin kung sakali. Kaya naman hindi niya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Natatakot pa naman siya sa pupwedeng mangyari sa kaniya kapag nag-asawang muli ang kaniyang ina. May kaibigan kasi siya na may madilim na nakaraan dulot ng amain nito. Nag-asawang muli ang nanay ng kaniyang kaibigan doon sa Batangas. Ang napangasawa nito ay hindi naging mabuting stepfather sa kaniyang kaibigan. Maganda ang kaniyang kaibigan at kahit sa murang edad ay maganda na ang pangangatawan nito. Kumbaga dalagang-dalaga na agad ito noon pa man. Noong nag-disi otso ito ay mas lalo itong gumanda. She's very attractive to guys at their school. May natural na malalaking dibdib at malapad na balakang. Makinis ang balat nito. Magkasingtangkad sila ng kaniyang kaibigan. Saka bata pa lamang ay palaayos na ito at maganda kung manamit. Lagi nga itong muse sa kanilang eskuwelahan. Dahil talaga namang maganda ito. At bukod sa maganda ito, matalino pa. Maraming nagkaka-crush sa kaniyang kaibigan sa kanilang eskuwelahan. May gwapo rin itong manliligaw noon. Nang makita ng stepfather nito na kasama ng kaniyang kaibigan ang manliligaw nito, pinagbawalan na ito ng amain na lumabas tuwing weekend. School-Bahay lang ang kaniyang kaibigan simula noon. Ang sabi ng kaniyang kaibigan ay noong nililigawan pa lamang ng amain nito ang ina nito ay kakaiba ng tumingin dito ang stepfather nito. Kinilabutan si Ylona dahil parang hinuhubaran ito sa isipan ng lalaki. Malaking tao ang amain nito at parang bodybuilder ang pangangatawan. Parang batak sa trabaho dahil nga sa construction worker ito. Puno ng tattoo ang mga braso nito. Unang kita palang niya sa amain ng kaniyang kaibigan ay kakaiba na ang kaniyang pakiramdam. Pakiramdam niya ay may tinatago itong kasamaan. Saka lagi itong laman ng inuman sa kanto. Hindi niya nga alam kung bakit ito nagustuhan ng ina ng kaniyang kaibigan. Dahil nga sa lasenggero ito. May itsura naman kasi ang lalaki noong kabataan nito ayon sa kaniyang kaibigan at matagal na raw na may gusto ang ina nito sa lalaki. Mula sa broken family ang kaniyang kaibigan. Bata pa lamang nang maghiwalay ang mga magulang nito. Una palang ay feeling close na sa kaniyang kaibigan ang lalaki para makuha ang loob nito. Palagi itong nagpapa-impress sa kaniyang kaibigan. Pinapasalubungan pa ito ng mga pagkaen mula sa kilalang fast food noong nanliligaw pa lamang ito sa ina nito. Binibilhan din nito ang kaniyang kaibigan ng mga bagong damit at sapatos. Pati gamit sa eskuwelahan. Bukod sa pagko-construction ay may iba pa itong negosyo. Kaya laging may regalo ang kaniyang kaibigan kahit wala namang okasyon. Kinuha muna nito ang loob nito. Hanggang sa makilala na nito ang tunay na kulay ng amain nito. Ngayon ay nasa maayos na lagay na ang kaniyang kaibigan na iyon. Sa tulong ng Panginoon ay nakabangon itong muli sa madilim nitong nakaraan dahil sa sinapit nito sa amain nito. Napatawad na rin nito ang amain nito. Hindi madaling magpatawad sa isang taong parte ng iyong dark past. But her friend forgave her stepfather anyway. Ayaw niyang mangyari sa kaniya ang sinapit ng kaniyang kaibigan sa kamay ng amain nito. Isa iyon sa mga bagay kung bakit ayaw niyang magkaroon ng stepfather. Saka mahal na mahal niya ang kaniyang ama. Walang papalit sa puwesto nito sa kaniyang puso kahit pa matagal na itong pumanaw. Marami siyang natutunan mula sa kaniyang kaibigang si Ylona. Naging matatag ito kahit na masalimuot ang pinagdaanan nito. Kumuha ito ng lakas mula sa itaas at sa mga nagmamahal dito. Aktibo sa simbahan ang kaniyang kaibigan. Dati ay hindi ito palasimba, pero nang dumating ang pagsubok na iyon sa kaniyang kaibigan ay nakilala nito ang Panginoon. She still smiles despite what she'd been through. Kaya naman hanga siya sa kaniyang kaibigan. Kung siya siguro ay baka nabaliw na ngayon. May mga taong kahit na sinubok ng maraming unos, bumabangong muli. Meron din namang nahihirapang magpakatatag kahit na maliit lamang ang dinaranas na pagsubok. Sabagay, iba-iba naman kasi ang pananaw ng mga tao at magkakaiba rin ng paraan ng pag-cope. Isa ang kaniyang kaibigan sa kaniyang hinahangaan sa buhay. Dahil kahit na mahirap ang pinagdaaanan nito, hindi ito nagpatalo sa pagsubok. Mas lalo pang naging matatag ang pananampalataya nito sa Panginoon. May boyfriend na rin ang kaniyang kaibigan na tanggap ang nakaraan nito. Malapit na ang ika-21st birthday ng kaniyang kaibigan. Matanda ang kaniyang kaibigan sa kaniya dahil nahinto ito sa pag-aaral noon. Noong bata pa kasi ang kaniyang kaibigang si Ylona ay naaksidente ito. Nakilala ng kaibigan ang boyfriend nito sa church. He was so supportive of her friend. Nakikita niyang may forever sa dalawang iyon. Siya kaya saan niya matatagpuan ang kaniyang forever?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD