Sofia
Nagkita sila ng kaniyang kaibigan. Inihatid kasi nito si Riley sa airport. Napaaga ang uwi ni Riley sa Ireland dahil may nangyaring masama sa ina ni Riley. Inatake raw sa puso ang ina nito. Kaya naman nagmamadali si Riley na makauwi ng Ireland. He's a mama's boy despite his age. Kaya naman sobra itong nag-aalala sa ina nito ngayon.
Nasaksihan niya pa ang malungkot na eksena kanina sa airport habang nagpapalam si Riley sa kaibigan niyang si Loisa.
"Don't cry, beautiful. I'll see you soon," wika ni Riley sa umiiyak niyang kaibigan habang yakap-yakap ito.
Nakasuot ang lalaki ng simpleng plain black t-shirt at ripped skinny jeans naman sa pang-ibaba. Nakasuot din ito ng black Ray-bans. Samantalang ang kaniyang kaibigan naman ay nakasuot ng isang simpleng plain pink dress na hapit sa katawan nito.
Humigpit ang yakap ng kaniyang kaibigan sa lalaki.
"I'll miss you," narinig niyang wika ng kaniyang kaibigan.
Para siyang nanunuod ng eksena sa isang romantic film.
Infatuated ang kaniyang matalik n kaibigan kay Riley. Hindi naman mag-boyfriend/girlfriend ang mga ito pero naging close talaga sina Loisa at Riley sa isa't isa. Walang label ang relasyon ng dalawa. Ngunit handang maghintay sa tamang panahon ang kaniyang kaibigan para kay Riley.
Lumuwag ang pagkakayakap ng kaniyang kaibigan sa lalaki. Bahagya namang inihiwalay ni Riley ang katawan sa kaibigan saka masuyong sinapo ang mukha nito at pinakatitigan.
"I'll be back. I promise," malumanay na wika ni Riley kay Loisa.
Mabuti na nga lang at walang paparazzi na nakasunod kay Riley dito sa Pilipinas. Kung hindi ay tiyak na ma-he-headline ang kaniyang kaibigan dahil sa madamdaming eksena ngayon sa airport.
"What if may makilala siyang iba? Ngayon palang nawawalan na ako ng pag-asa na makikita ko pa siya ulit," malungkot na wika ng kaniyang kaibigan habang naglalakad sila palabas ng airport. Magkahawak kamay pa sila habang naglalakad dahil ganoon talaga silang mag-be-bestie.
They were very close. Na parang magkapatid na ang turingan nilang dalawa sa isa't isa. Maraming nagsasabi na magkamukha na raw sila nito dahil palagi silang magkasama. Kaya siguro sinasabi ng iba na para na silang magkapatid ng kaniyang kaibigan.
Loisa was someone she could rely on for support. She's very supportive of her. Kaya naman ibinabalik niya lang ang mga kabutihang ginawa nito sa kaniya. Hindi siya magdadalawang isip na ipagtanggol ito sa sinumang magtatangkang saktan ang kaniyang kaibigan.
"Huwag kang mag-alala, Lois. May isang salita naman siguro si Riley. Saka pakiramdam ko same kayo ng nararamdaman," aniya at ngumiti kay Lois. Gusto niyang pagaanin ang nararamdamang kalungkutan ng kaniyang matalik na kaibigan.
Nandito lang siya palagi sa tabi ng kaniyang kaibigan. Sa panahon na may pinagdadaanan siya sa buhay pag-ibig ay malaking pasasalamat niya rito. Saka pinagtatanggol siya nito laban sa paninira ng kaniyang dating kaibigan na nang-ahas ng kaniyang dating nobyo.
She's trying her best to ignore the drama of her past. The drama between her ex boyfriend and ex best friend. She's focusing more on her mental health. And her physical health too. The pain of the past will eventually heal.
She had always been a negative nelly. Hindi pa nangyayari ang mga bagay ay ina-anticipate niya na agad na negative ang kahihinatnan ng sitwasyon.
Ngunit kailangan niyang maging positibo lang sa buhay. This is not the end of the world. Kung ang ibang tao nga ay nalagpasan ang stage na ito sa buhay, dapat ay ganoon din siya. Hindi lahat ng relasyon ay pang-forever. Hindi lahat ay may happy ending. Saka lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan. Siguro ay paraan iyon ng Panginoon para ilayo siya sa maling lalaki kahit na nasaktan ng husto ang kaniyang puso. Mahal pa rin siya ng Panginoon dahil hinayaan siya nitong makita ang katotohanan. Ang totoong pagkatao ng kaniyang dating nobyo. At ang tunay na kulay ng kaniyang dating best friend. Masakit man ang pangyayaring iyon ay bahagi na lamang iyon ng kaniyang nakaraan. May tamang tao talaga para sa kaniya. Naniniwala siyang ang lahat ng sakit na pinagdaanan niya ay mapapalitan ng saya sa tamang panahon.
In God's perfect timing she will meet her prince charming.
Pumasok sila sa isang kilalang restaurant para mag-lunch. Medyo marami ng tao sa loob ng restaurant na iyon. Mabuti at may bakanteng puwesto pa para sa kanilang dalawa ng kaibigan. Parehas sila ng in-order ng kaniyang kaibigan. Mahilig kasi sila parehas sa spicy foods. Parang hindi siya mabubuhay ng hindi nakakakain ng maaanghang na pagkain. Hindi niya nga maintindihan ang ilan sa kaniyang mga kaibigan na hindi mahilig sa mga spicy foods. Parang 'yung dati niyang kasintahan. Hinding-hindi niya ito mapapakain ng maaanghang na pagkain.
"Ano ba 'yan, babe? Lagi na lang spicy foods ang request mo. Subukan mo namang kumain ng matatamis. Hindi 'yung puro maaanghang. Ang alam ko Batanguena ang girlfriend ko, hindi Bicolana," wika ng kaniyang boyfriend habang namimili sila ng pagkain sa menu.
Sumimangot siya sa sinabi ni Gerald.
"Ewan ko ba sa 'yo, babe. Ang sarap-sarap kaya ng mga spicy foods. Subukan mo kasi minsan."
Pinipilit niya lagi ang kaniyang boyfriend na subukan naman ang mga maaanghang na pagkain para naman same na rin sila ng o-order-in next time. Kaso ayaw na ayaw talaga nito sa mga maaanghang na pagkain. Hindi kasi ito nasanay simula pagkabata. Kaya naman takot na takot itong kumain ng pagkain na maaanghang.
Bumalik lamang sa kasalukuyan ang kaniyang isipan nang dumating na ang kanilang order na pagkain.
Tulala pa rin ang kaniyang kaibigan. Halos hindi nito ginagalaw ang pagkain sa harapan nito. Parang walang ganang kumain ang kaniyang kaibigan simula nang umalis si Riley.
"Huwag kang mag-alala, Lois. Magkikita pa rin kayo. Kaya kumain kana riyan. Sarap-sarap ng in-order natin na pagkain," aniya.
Maliit na ngumiti ang kaibigan at nag-focus na ito sa pagkain.
"Ang sarap nga, Sofi," komento nito sa spicy pork belly.
Ilang putahe rin ang ulam na in-order nila. Ganadong-ganado siya ngayon kumain kaya naman wala munang diet-diet ngayong araw. Dahil minsan lang naman siya kung kumain sa restaurant.
Nang matapos silang kumain ay pumara na sila ng taxi para umuwi sa kaniyang condo. Doon din naman matutulog ang kaniyang kaibigan dahil nagpaalam na ito sa kaniyang mga magulang. Hindi alam ng mga magulang nito ang tungkol kay Riley. Pinili na lamang ng kaniyang kaibigan na ilihim ang tungkol kay Riley sa mga magulang nito. Simula kasi nang pinaslang ang kapatid ng ina ni Loisa, matindi na ang galit ng ina nito sa mga foreigner. Against ang ina nito sa interracial relationship. Nakapag-asawa kasi ng foreigner ang tiyahin ni Loisa. Isa iyong American, ngunit hindi naging maganda ang pagsasama ng mag-asawa. Her aunt accused her uncle of infidelity. Nahuli kasi nitong nambababae ang asawa. Walang naging anak ang tita nito sa asawa nitong foreigner.
Sa una ay mabait ang tito nito sa asawa nito. Saka kinuha rin nito ang loob ng pamilya ng asawa nito. Mabait din ang pakikitungo ng lalaki sa ibang Pinoy na hindi ka-ano-ano ng asawa nito. He's also generous to others. Wala lang dito ang gumastos ng kahit magkano mapasaya lang ang pamilya nina Loisa. Halos laging nag-a-out of town ang pamilya ni Loisa at sagot iyon ng foreigner.
Ngunit nang mag-migrate na ang tita ni Loisa sa America, doon na nakilala ng tita nito ang tunay na ugali ng foreign husband nito. Gumagamit din ang lalaki ng ipinagbabawal na gamot. At madalas nga ang pambababae nito kaya naman nasira ng tuluyan ang samahan ng mag-asawa. Humantong na iyon sa pananakit physically and emotionally. He's verbally abusive to her friend's aunt. Ang akala ng tita ni Loisa ay magbabago pa ang asawa nito kaya naman hindi nito iniwan ang lalaki. Ngunit lulong pala ito sa ipinagbabawal na gamot. Saka gawain na pala talaga nito ang pambababae simula
Hanggang sa isang araw ay nabalitaan na lamang nila na pinatay ang tiyahin ni Loisa ng asawa nitong Amerikano. Nagkaroon naman ng hustisya ang pagmatay ng tita ni Loisa. Ngunit mahirap pa rin para sa pamilya nito na tanggapin na ganoon na lamang nawala ang buhay nito. Lalo na sa ate nito na ina ni Loisa. Isa lamang kasi ang kapatid ng ina ni Loisa. At iyon nga ang pinaslang na tiyahin nito. Kaya naman paulit-ulit na sinasabi ng ina ni Loisa na huwag mag-aasawa ng banyaga. Dahil ayaw nitong matulad ang mga anak nito sa sinapit ng pinakamamahal nitong kapatid.
Nakukuha niya ang pinupunto ng ina ni Loisa. Ngunit hindi naman lahat ng foreigner ay masasamang tao. Naiintindihan niya ang nararamdaman ng ina ng kaniyang matalik na kaibigan. Mayroon din naman na nagiging successful ang marriage. Minsan ang mga foreigner pa nga ang mas loyal kesa sa ibang Pinoy. Hindi naman niya nilalahat, pero ayun nga. Hindi porke't foreigner ang boyfriend o mapapangasawa ay hindi na maganda ang sasapitin ng relasyon. Nasa tao pa rin iyon. Marami naman siyang napapanuod na vlogger kung saan isine-share ng mga ito ang success ng relasyon ng mga ito sa isang Filipina.
Hindi rin siguro magbabago ang pananaw ng ina ni Loisa kung sasabihin ng kaniyang kaibigan na isang sikat na Irish pop star ang laman ng puso nito ngayon. Mabait naman ang ina ni Loisa ngunit sadyang hindi pa ito nakaka-move on sa pagkawala ng nag-iisa nitong kapatid na babae. Sobrang close kasi nito sa kapatid nito. Dahil maagang nawala ang mga magulang ng mg ito.
Hindi tumitingin ang ina ni Loisa sa yaman o sa kasikatan ng tao. Dahil ang pumaslang sa kapatid nito ay isa ring mayaman at maimpluwensiyang tao sa sarili nitong bansa. Kaya walang lakas ng loob si Loisa na banggitin ang tungkol kay Riley. Malamang sa malamang ay hindi nito matatanggap ang relasyon ni Loisa sa lalaki kung sakaling umusbong man ang relasyon ng dalawa. Lalo na't ang career nito ay nasa Ireland. Hindi naman nito puwedeng isuko ang career dahil mahalaga kay Riley ang career nito. Pinakaiingatan nito ang career nito. Kaya naman nang masangkot ito noon sa isang malaking eskandalo, todo PR ang management nito. May nag-tweet kasi na isang dalaga ang minolestiya raw kuno ni Riley noon sa isang concert nito sa London. Ngunit namatay din agad ang issue na iyon at humingi ng tawad ang babaeng nag-post niyon sa Twitter.
Riley and his band were known for having groupies. He cheated on his exes with some groupie. Kahit na todo deny ang banda na hindi totoo ang kumakalat na balita na involve ang mga ito sa groupie. Na nakikipagtalik ito sa mga fans nito na mga pawang teenager palang. There's a lot of dirt throwing in that band's name. Pero magaling ang PR ng mga ito kaya nko-control ang mga negative write ups.
Ipinagtatanggol pa ng iba si Riley at ang banda nito sa issue. That every band has/had groupies. Pero sa totoo lang hindi naman lahat ng banda ay involve sa groupie. May mga banda na umiiwas sa ganoon dahil tiyak na mae-eskandalo ang pangalan ng banda na hinahangaan ng libo-libong fans na mostly ay mga teenage girls.