Sofia Hindi na nila namalayan ang oras 1:30 na pala ng hapon. Napasarap kasi sila sa kuwentuhan ni Adelle. Masarap talagang katsikahan ang kasamahan niya sa Sushi House. Dahil totoong tao ito. Magaan kasama at simple lang. Madiskarte sa buhay at kapupulutan ng inspirasyon. Mabuti pa nga ito dahil hindi ito nahihiyang maging working student. Kasi 'yung iba, titigil na lang talaga sa pag-aaral kesa mag-working student. Magandang halimbawa si Adelle sa mga kabataan ngayon. Nagsusumikap ito para sa pamilya nito at dahil may pangarap ito sa buhay. Sana ay marami pang katulad ni Adelle ang magsilbing inspirasyon sa maraming kabataan ngayon na nawawalan ng pag-asa dahil sa mga dumadating na pagsubok sa buhay. Hindi ganoon kadali ang pinagdadaanan ni Adelle pero nakukuha pa rin nitong ngumiti. A

