Sofia Bago mag 8 am ay umalis na agad siya ng bahay. Para kahit ma-traffic siya sa kalsada ay hindi siya ma-late. Nakasakay na siya sa jeep papuntang Sushi House. Mabuti na lang isang sakay lang siya simula sa bahay papunta sa Sushi House. Hindi na hassle sa pagko-commute. Binuksan niya ang kaniyang cellphone habang nasa loob siya ng sasakyan. Hindi niya pa naman naranasan manakawan ng cellphone kahit nilalabas niya ito kapag nasa biyahe siya. Huwag naman sana siyang mabiktima nu'n. Nag-iingat naman siya. Saka iniiwan niya naman sa bahay ang kaniyang iPhone. 'Yung lumang cellphone niya lang ang dinadala niya. Mahirap na at baka maglahong parang bula ang kaniyang mamahaling cellphone. Nagbukas siya ng kaniyang social media account. Nabasa niya ang mga messages sa kaniya ni Adelle. Kagabi

