Sofia "Sa'n ka pala nakatira?" tanong sa kaniya ni Adelle habang naglalakad sila papunta sa may sakayan ng mga jeep. "Ah, diyan lang. Malapit lang. Isang sakay lang." Ayaw niyang banggitin kay Adelle kung saan siya mismo nakatira. Dahil sa exclusive subdivision siya nakatira. Baka magtanong-tanong pa ito sa kaniya. Na kesyo mayaman naman pala siya pero nag-a-apply siya ng trabaho. Well, hindi naman talaga siya mayaman. At hindi niya naman pag-aari ang mansiyon na tinitirahan niya ngayon. "Pa'no ba 'yan, dito na lang ako. Ingat, Sofia," nagpaalam na sa kaniya si Adelle. "Ingat din. Bukas na lang ulit," nakangiting wika niya. "Sige, bye," anito at sumakay na ng jeep. Natapos na rin sa wakas ang orientation nila. Pero bukas ay ang HR naman ang mag-o-orient sa kanila. Siguro hindi na iy

