Sofia Nagsimula na ang training period niya. 8 hours duty siya ngayon tutal free day naman niya sa school. Una muna ay orientation. Bago siya sumabak sa training. Siyempre kailangan muna siyang ma-orient tungkol sa company, sa rules and regulations, sa job description, etc. Sa mga araw na may klase siya pero half day naman, mag-du-duty siya ng four hours lamang sa Sushi House. Pero ang sabi naman sa kaniya ay puwede naman siyang mag-OT kapag pinayagan siya ng Manager nila. Ang trainor niya ay si Ms. Lia. Si Ms. Lia ay regular employee na sa Sushi House. Wala pa rin ang kanilang HR Staff kaya si Ms. Lia muna ang nag-orient sa kaniya. Busy kasi ang kanilang manager kaya ipinasa nito ang pag-o-orient kay Ms. Lia. Sushi House is an authentic Japanese restaurant. May iba't ibang branch din

