Chapter 13

2386 Words
Sofia Why do men cheat? Why they are unfaithful to their girlfriends? Grrr...Why do men like that exist on earth? They change girlfriends as often as they change their underwear. Ugh. Once they are a cheater and a f*ckboy, they always will be one. Bulong niya sa kaniyang isipan. Naiinis siya sa pinapanuod niyang movie ngayon. Why famous people can get away with everything they did wrong? Hindi naman niya nilalahat ng sikat na tao sa mundo. Ngunit kadalasan ay ganoon nga ang nangyayari. Tulad na lang ng mga sikat na celebrity ngayon. Ang movie na pinapanuod niya ay tungkol sa toxic relationship ng dalawang sikat na celebrity. And it involves a lot of cheating, lies, betrayal, and stuff. Matapos niyang manuod ng movie ay naisipan niyang i-chat ang kaniyang kaibigang si Loisa. Nasa Batangas na ito ngayon. Sobrang memorable ng Boracay trip nila ng kaniyang kaibigan. Pero mas memorable ito para sa kaibigan dahil nakilala nito si Riley. Nagkakausap pa rin ang kaibigan at ang lalaki. Her friend missed him that much. They also find out that Riley is also the lead singer of an Irish pop-punk band that was formed three years ago. But he seems to be having a break right now from touring with his band. Siguro ay nag-hiatus ang naturang grupo na kinabibilangan ni Riley. Ganoon naman kadalasan ang mga international band. Kailangan ding mag-hiatus for some reason. It's either personal or according to their management. The band was not quite popular outside their home country. But it's slowly getting attention overseas because they produce banger songs. Saka dedicated ang naturang grupo sa kanilang passion. They don't just create music for fame or for money. But they creates music to inspire people and help them carry on when life gets tough. She's not a fan of Riley after what she found out about him. She knows that groupie is a thing for famous idols or bands. But the number of girls he had slept with in the past wasn't okay. What if one day he finally found the girl whom he wants to spend his life with? It would be an issue between them. Magiging komplikado ang lahat dahil sa nakaraan nito. Just because he's famous, doesn't mean he's an angel. Ngunit wala naman siyang magagawa kung gusto talaga ito ng kaniyang kaibigan. She tried to convince her about the truth about Riley. Ayaw niya kasing masaktan ito sa bandang huli. Nasasabi lang ng kaniyang kaibigan na balewala lang ang nakaraan nito. Dahil nakaraan na naman ang lahat ng iyon. But...she knew her friend very well. Paniguradong affected din ito sa nakaraan ni Riley. Ganoon pa rin ba ang tingin ng kaniyang kaibigan kapag nalaman nito ang mga dark secrets ni Riley behind closed door? The exquisite pain of wanting someone so unattainable is what every ordinary human being feels when they fell in love with their famous idols. Mahirap abutin. Malayo sa katotohanan na mangyari. Kung siya man ang nasa posisyon ng kaniyang kaibigan, she would eventually let go of her feelings with Riley. Alam niyang siya lang din ang masasaktan kapag mas lumalim ang kaniyang nararamdaman sa isang lalaking mahirap abutin. Sa lalaking pinapangarap ng maraming kababaihan. Saka mahirap i-handle ang mga fangirls nito. They would throw hate at her for no reason. They would sent dm to her constantly and threatened her to leave her man. Iniisip niya pa lang ang pwedeng mangyari ay sumasakit na ang kaniyang ulo. Kaya never siyang naghangad ng isang lalaking mahirap abutin. She has so many celebrity crushes. Pero hanggang doon lang talaga. She would never throw herself to them. She's hoping that her friend's obsession with that guy will eventually end. Sana ay totoong matauhan na ito. And she would stop communicating with Riley. Because that guy just love hooking up with random girls he met. Oo hinusgahan niya na agad ang lalaki. Dahil may mga proof naman na totoo ang nabasa niya tungkol kay Riley. She wasn't a fan of him. She doesn't like men who used their fame and looks to hookup with any girls they want. They're taking advantage of those innocent young girls obsession to them. Dumating na ang kaniyang kaibigan at kaklase na si Kaori mula sa Japan. Nagbakasyon ito ng two-weeks doon. Gusto siya nitong makita kaya naman pupuntahan niya ito sa sarili nitong condo mamaya. Half-Japanese ang kaniyang kaibigang si Kaori. Nasa Japan ang mga magulang at mga kapatid nito. Isa si Kaori sa mga pinaka-close niya sa mga kaklase niya ngayong college. Sa Cavite lumaki ang kaniyang kaibigan. Sa lolo't lola nito sa mother side. Malapit din ito sa lolo't lola niya na katulad niya. Malapit siya kay Kaori dahil may similarities sila ng ugali. And they like the same music, artist, and stuff. She's a big celebrity worshiper too. Lalo na ng mga international celebrities. She's pretty talented too. She can sing, dance, and act. Parang wala itong hindi kayang gawin. Matalino rin ito at aktibo sa klase. Ngunit katulad niya, kaka-break lang din nito sa long-time boyfriend nito na isang Fil-Aussie. Tatlong taon din ang itinagal ng relasyon nito sa boyfriend nito. They were high school sweethearts. Katulad ni Kaori, ang ex-boyfriend din nito ay talented. May banda ito na nabuo noong high school. Unti-unti ng sumisikat ang bandang kinabibilangan ng ex boyfriend ni Kaori. Nagsimula ang mga ito sa pag-a-upload ng covers sa internet. Ngayon ay tumutugtog na ang mga ito sa iba't ibang bar sa Maynila. Sa tingin niya ay malayo ang mararating ng banda. Dahil dedicated ang mga ito sa kanilang passion for music. Hindi imposibleng makilala ang grupo sa ibang bansa. They're very hard-working and all of them share the same passion. Binubuo ang banda ng apat na kalalakihan. Magkakaibigan ang mga ito noong high school pa. Unti-unti ng dumadami ang fanbase ng banda at iyon din ang naging dahilan kung bakit naging kumplikado ang relasyon ni Kaori sa boyfriend nitong si Benjhie o mas kilala bilang Benj. Nabalitaan kasi ni Kaori na nakikipag-flirt ito sa mga fangirls ng banda. 'Yung iba kasing supporters ng banda ay patay na patay kay Benjhie. They find him very attractive. Kasi nga half. Saka guwapo naman talaga ito dahil nakita niya na ito sa personal nang ipakilala ito sa kaniya ni Kaori. Kaori found out that Benj slept with one of his fangirls. Siguro nga bukod sa babae ay may iba pa itong naikama. Nag-dm kay Kaori ang fangirl na iyon at nag-send din ng proof na may nangyari sa kanilang dalawa ni Benj. Hindi makapaniwala ang kaibigan na magagawa ng ex nitong magtaksil gayong tumagal ang relasyon ng mga ito ng tatlong taon. At sa loob naman ng tatlong taon ay naging loyal ang ex boyfriend nito. Saka hindi rin aakalain ng kaibigan na magagawa iyon ni Benj. Ibang-ibang Benj na ito kumpara noong magkasintahan pa lamang silang dalawa ni Kaori. Kaori bring out the best in him. She's his number one supporter all throughout. Mahiyain at tahimik si Benj sa personal. Hindi ito ganoon ka-confident noon kahit pa talented naman ito. Pero medyo tumaas na ang confidence level nito nang magsimula na itong mag-perform kasama ang banda nito sa iba't ibang bar sa Maynila. He's a slut in bed according to her friend. He's a hormonal teenager who loves making out with his ex girlfriend. And he let his fame get into his head. Paano pa kaya kung mas kilala na ang banda nito sa buong bansa? Hindi pa man kilala ang banda sa bawat sulok ng Pilipinas ay nag-iba na ang ugali ng lalaki. He became arrogant and a freaking manwh*re. Ginagamit nito ang tinatamasa nitong kasikatan kuno para lamang sa s*x. Parang single ito kapag kaharap ang mga fangirls nito. He also denied being in a relationship with her friend in front of his fans. Nakuhanan ng video ang sinabi nito sa isang live gig ng banda. Siyempre i-de-deny nitong may girlfriend na ito sa harap ng mga babaeng fans nito. Para naman hindi magdalawang-isip ang mga fangirls nito na makipag-flirt sa lalaki. Iyon ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Kaya naman sad girl pa rin ang kaniyang kaibigan dahil sa nangyari. Mas pinili ng kaniyang kaibigan ma magbakasyon sa Japan para makita ang pamilya nito. Bago mag-sembreak ay nakipaghiwalay na si Kaori sa long-time boyfriend nitong si Benj. Dahil naging unfaithful ang ex nito. Kahit papaano ay nagkaroon ng peace of mind ang kaibigan nang magbakasyon ito sa Japan kasama ang pamilya nito. Pero tulad niya, nandoon pa rin 'yung sakit nang nakaraan sa puso nito. Nagtungo na siya sa condo ng kaniyang kaibigang si Kaori. Isinuot niya ang bagong bili niyang damit na crop top blouse na kulay beige at mini-denim shorts. Nadatnan niyang abalang naglilinis ng condo nito ang kaniyang kaibigan. Kaya naman naupo na lang muna siya sa couch at nagbasa ng bagong magazine na nakapatong sa ilalim ng center table. Tamang-tama dahil interesado talaga siyang basahin ang nilalaman ng magazine na hawak niya. "Sandali lang Sofi, ah," wika ng kaniyang kaibigan. "Okay lang. Wala rin naman akong gagawin sa condo ko," nakangiting tugon niya. Medyo may kalakihan ang condo ni Kaori. Malapit lang din ito sa university na pinapasukan nila. Kalilipat lang nito rito. Dahil umalis na siya sa apartment na tinutuluyan ng kaniyang ex boyfriend. Nakipag-live in kasi ito sa dati nitong nobyo na si Benj. They also adopted a dog together. And the dog is freaking cute. Natutulog ito ngayon sa kwarto ng kaniyang kaibigan. Sa loob ng isang taong nakasama nito ang dati nitong nobyo sa iisang bubong, mas nakilala ni Kaori ang ugali ng lalaki. Madalas ang mga itong nag-aaway dahil sa partying lifestyle ni Benj. Halos gabi-gabi itong laman ng mga nightclub kasama ang mga kabanda nito kahit na walang gig ang banda nito. Minsan pa nga ay sinusundan ito ni Kaori. Para masigurong hindi nambababae ang ex nito. Pati password nito sa social media ay alam ng kaniyang kaibigan dahil nawalan ito ng tiwala sa lalaki. Naglilihim kasi ito kay Kaori kaya naging paranoid ang kaniyang kaibigan. Naghihinala ito sa mga kinikilos ng ex nito. Dahil napapadalas ang night out nito kasama ang mga kabanda nitong naging masamang impluwensiya na kay Benj. Pero ngayon ay wala na talagang planong makipagbalikan ang kaniyang kaibigan sa ex nito. Kahit na hanggang ngayon ay sinusuyo pa rin ito ng lalaki. Maganda naman si Kaori kaya alam niyang hindi malabong makahanap agad ito ng bagong boyfriend. Hindi niya lang sigurado kung papasok na agad ito sa panibagong relasyon. Si Benj ang pangalawang naging boyfriend ng kaniyang kaibigan. Pero ang relasyon nito kay Benj ang naging seryoso hanggang sa nagsama ang mga ito sa iisang bubong. Binigyan siya ng mga pasalubong ni Kaori galing Japan. Hindi talaga siya nito nakakalimutang bigyan ng pasalubong sa tuwing umuuwi ito ng Japan. Kinagabihan ay niyaya siya ng kaibigan na magpunta ng bar. Hindi naman niya tinanggihan ang alok ng kaniyang kaibigan. Simula nang mag-break ang kaniyang kaibigan at ang ex boyfriend nito, nahilig ng mag-bar ang kaniyang kaibigan. "Okay na ba 'tong suot ko, gurl?" tanong ng kaniyang kaibigan habang nakaharap ito sa full body mirror sa loob ng kwarto nito. "Oo naman. Pak na pak," tugon niya sa kaibigan habang pinagmamasdan ito. "Talaga?" nakangiting tanong ng kaniyang kaibigan habang sinusuklay ang mahaba nitong buhok na itim na itim. She gave her a two thumbs up. Kaori's getting all glammed up and ready to rock the night with her see through black long sleeves. Her makeup skills is very good. Mahilig kasi itong mag-make up. Inayusan din siya nito kanina lang. Marami itong makeup set. Ang iba ay binili pa nito mula sa ibang bansa. Her friend wants to look sexy, flirty, and want to feel good about herself. Ayaw nitong maging miserable matapos ang breakup nito sa ex boyfriend nito. Kaya naman madalas itong mag-clubbing bago ito nagpunta ng Japan. Natuto na rin itong mag-inom ng dahil doon. Dati ay hindi ito nag-iinom kahit sumasama ito sa gig ng ex boyfriend nito. Nakasuot ito ng bra na kulay itim sa loob. Hindi naman kalakihan ang dibdib nito kaya hindi naman mahalay tingnan. Sa baba naman ay kulay pink na high waist skirt. Nakasuot naman ito ng red high heels. Kung tutuusin ay hindi na kailangan ng kaibigan na magsuot ng high heels dahil matangkad naman ito. 5'9 ang height nito. Parehas kasing matangkad ang mga magulang ni Kaori. Bagay na bagay na mag-model ang kaniyang kaibigan dahil sa height nito. Singkit ang mga mata nito na namana nito sa Japanese daddy nito. Makinis at maputi ang balat nito. May maliit na nunal ito sa gilid ng kaliwang mata nito. She find it beautiful. Alaga rin nito ang katawan nito kaya naman na-maintain nito ang sexy figure nito. Size 25 lang ang baywang nito. Samantalang siya naman ay size 27 na ang baywang dahil nadagdagan siya ng timbang. Simula nang nag-stress eating siya. Mahilig itong mag-work out at may strict diet na sinusunod sa pagkain. Businessman ang daddy nito. May supermarket ang pamilya nito sa Japan. Matagaumpay ang negosyo ng pamilya ng kaniyang kaibigan. Kaya naman nakakaangat ang buhay ng mga ito. Nabibili ni Kaori ang kung anu mang gustuhin nito. She could go anywhere she wants. Ang akala ng iba ay suplada si Kaori. But she's not. She's the nicest person she'd ever met in school. Hindi ito maarte at hindi namimili ng kakaibiganin. Matured din itong mag-isip. May sense itong kausap, at magaling magbigay ng advice kapag may problema siya. Kay Kaori kasi siya humihingi nga advice bukod kay Loisa na matagal niya ng kaibigan. Lalo na noong nag-i-struggle siya sa negative thinking. Dahil chronic worrier siya. Saka may kaibigan din siyang nag-invite sa kaniya sa Christian church para um-attend ng Sunday service, si Freya. Sobrang committed ng kaniyang kaibigan sa relihiyon nito at sa church na kinabibilangan nito. Magandang impluwensiya sa kaniya si Freya. Thankful siya na nakilala niya ang kaniyang kaibigan. She's very simple. Hindi ito galing sa mayamang pamilya. But she's contented in her life. Kahit na marami ng struggle itong napagdaanan sa buhay. Naging matatag pa rin ito sa pananampalataya nito sa Poong Maykapal. Masasabi niyang mas naging matatag na ang kaniyang pananampalataya ngayon kesa noon. Si Freya at Kaori ang closest friend niya ngayong college.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD