Chapter 14

2386 Words
Sofia Ang kaniyang kaibigang si Kaori ay humahataw na sa dance floor. Wala itong pakialam kahit na marami ng mga matang nakatingin sa bawat pag-indak nito. Samantalang siya ay nanatiling nakaupo sa kanilang table. Sumisimsim ng alak na in-order nila kanina. May mga lalaking nagpapapansin sa kaniyang kaibigan habang humahataw ito sa pagsasayaw. Pinapansin naman nito ang mg lalaking lumalapit dito. Hindi siya sanay sa ganitong lugar. Pangalawang beses niya pa lang nakapunta rito. This bar is so memorable to her. Ito kasi ang bar kung saan nakilala niya ang isang gwapong estrangherong lalaki na niyaya niyang makipag-one night stand sa kaniya. Out of her desperation to move on after a very painful breakup, she played with fire. Palagi pa ring sumasagi sa kaniyang isipan ang guwapong lalaking iyon. Mahirap makalimutan ang lalaki dahil parte na ito ng kaniyang ala-ala. Her very first wild night was with that beautiful stranger. Paano niya ba makakalimutan ang mala-Greek God na hitsura ng lalaki? Para itong isang Hollywood actor sa kaguwapuhan nito. He was too much too handle. He's unreal. He's perfection. He's somewhat reminded her of one of her celebrity crush back in the days. 'Yung facial features talaga nito at perpektong katawan ay maihahalintulad niya sa celebrity crush niya noon. The moment she saw him...OMG major HOTTIE ALERT! He's unbelievably hot. And up close his muscles seemed even more powerful. She admired his broad shoulder and back. Maybe he's a freaking model. He looked older than her, but not by all that much. He's like a twenty something guy. May hawig din ito sa lead vocalist ng isang international band. Kung isa itong artista ay natitiyak niyang pagkakaguluhan na ito ng mga kababaihan. Paniguradong i-wo-worship ito ng mga fangirls nito dahil sa angking kaguwapuhan nito. At tiyak na katakot-takot na hate comments ang matatanggap niya kung sakali dahil sa nangyari sa kanila ng lalaki. Paniguradong ha-hunting-in siya ng mga fangirls nito kung sakaling isa nga itong international celebrity na nagbabakasyon lang sa Pilipinas. There's no way he'd even want to go near her. Let alone hook up with her if she's not desperate enough that night she met him. But he didn't humiliate her actions towards him. Nagkaroon pa nga ito ng concern sa kaniya na hindi niya inaasahan sa lalaki. Bigla siyang namula dahil naalala niya na naman ang lalaking iyon. Ang lalaking isang gabi niya lang nakasama pero hindi niya makalimutan. That one crazy wild night of her life. Bakit kasi hindi niya makalimutan ang nangyari sa kanila ng lalaking iyon? Kung tutuusin ay dapat wala lang iyon sa kaniya dahil nagawa niya lang naman ang bagay na iyon dala ng kalasingan at desperasyon. That was supposed to be a one-time thing, just to get her ex boyfriend out of her head that night. Kung hindi siguro siya lasing at sawi sa pag-ibig nang mga oras na iyon, hindi niya iyon magagawa sa lalaking hindi niya kilala. She didn't like the idea of casual, no-strings-attached-s*x. Something about it just felt so wrong. Iyon ang pananaw niya noon. Noon kapag may nababalitaan siyang kakilala na nakikipag-one-night stand sa ibang lalaki, kahit guwapo pa o makapal ang bulsa ay hinuhusgahan niya na. Na malandi ang mga ito. Na hindi na inisip ng mga ito ang dignidad ng mga ito. At wala itong mga respeto sa mga sarili para gawin ang bagay na iyon. She was so against it. She's way too uptight to be getting laid. But that changed the moment her heart broke. Pero ngayon, nagbago ang ihip ng hangin. She bet no one had ever said no to him, not in his entire life. And why would they? Hinayaan niya ang sarili na kalimutan ang kasalukuyan. It was him that only matters that night. There's no denying the effect he was having on her. That night...his moan was everything to her. His soft kissable lips against hers. Napahawak siya sa kaniyang labi na nilagyan niya ng petroleum jelly dahil nagpapalit-balat. His touch, his...Ugh...My God! He could affect her so much with just one glance. She shakes her head. When did she lust for a man? Kailan pa iyon nangyari? Kahit sa ex niyang si Gerald ay hindi siya nagkaroon ng ganoong pagnanasa. Maybe because that hot stranger was so gorgeous. She can't even take her eyes off him when he was on top of her. Mas lalong nag-init ang kaniyang nararamdaman noong gabing iyon dahil sa malalakas na ungol na pinakakawalan nito. He enjoyed being inside her that night. Paulit-ulit nitong sinabi sa kaniya noong gabing iyon na napakaganda niya. He's looking at her like she's the most beautiful girl he had ever seen in his life. His eyes never left hers. He made her feel like she's worth more than gold and diamonds. Like she's so precious. "My heart hurts seeing you crying," masuyong sinapo nito ang kaniyang mukha habang nasa ibabaw pa rin ang lalaki. "But sh*t happens. It was nice meeting you though. Probably one of the best night of my life." Oh My God. Her heart can't comprehend this. She held back her tears. Ganoon na lang ang kaniyang naramdaman dahil sa mga sinabi nito. Sa kabila ng masakit na ginawa sa kaniya ng kaniyang ex, dumating naman ang lalaking ito para pawiin ang sakit na nararamdaman niya ngayon. He came in the perfect timing. It's probably the best night of her life because of this man. Tinatanong niya sa kaniyang sarili kung nasaan na kaya ang lalaking iyon. May pag-asa pa kayang magkita silang muli? Nagpalinga-linga siya sa paligid dahil nagbabakasakali siyang nandito ang lalaki. Ngunit bigo siyang masilayang muli ang gwapong mukha nito. Ano ba, Sofia? Huwag ka ng umasa! Hindi mo na siya makikita! Kastigo niya sa kaniyang sarili. Nahihibang na siya para isipin pang magtatagpo muli sila ng lalaking iyon. Ang lalaking nagparamdam sa kaniya ng langit nang gabing maging isa sila. Kahit na lasing na lasing siya nang gabing iyon ay sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang nangyari sa kanila. Kung paano nito pinaramdam sa kaniya na dapat ay kinakalimutan niya na ang lalaking nagtaksil sa kaniya. At dumurog sa kaniyang puso. Matapos ang pangyayaring iyon, nabawasan ang mabigat na dinaramdam niya dahil sa ginawa sa kaniya ng kaniyang ex boyfriend. Sa ngayon ay masasabi niya ng medyo okay na siya. Unlike noong fresh pa ang hiwalayan nila ni Gerald. Lagi siyang puyat noon dahil hindi siya makatulog. Lagi siyang malungkot at na-de-depress. Napabayaan niya ang kaniyang sarili. Binabalot siya ng insecurities. Tinatanong niya kung ano ba ang kulang sa kaniya. Nakaramdam siya ng pagka-insecure kay Katrina. She asked herself if she's not worthy of love. Na s*x na ba ang basehan ngayon para hindi iwanan ng kasintahan. If that's the standard and requirement in a relationship now, ayaw niya ng magkaroon ng boyfriend. Ganoon na ba kababaw ang mga lalaki ngayon? That they would throw everything, especially the relationship that lasted for SEVEN F*CKING YEARS just to have s*x. To satisfy their needs. It's funny to think that men would promise you the world in the early days of the relationship. But sooner or later they'd end up crashing your world. They're freaking heartless! Pero ngayon ay hindi na siya masyadong nag-iisip tungkol sa nangyari. Unti-unti namang naghilom ang sugatan niyang puso. Malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang malalapit na kaibigan. Hindi nang-iwan ang mga ito noong panahong kailangan niya ng masasandalan. They truly care for her. Balewala na sa kaniya ang mga paninira sa kaniya ng kaniyang dating kaibigan na si Katrina. Hindi na rin siya nasasaktan kahit pa inagaw nito sa kaniya ang kaniyang first boyfriend at kauna-unahang lalaking kaniyang minahal. Hindi niya alam kung anong nagawa niya kay Katrina dahil lagi itong nag-ra-rant sa social media account nito ayon sa kaniyang mga kaibigan na nasa Batangas. May matinding inggit daw ang babae sa kaniya kaya ito nagkakagano'n. She can't control what her ex best friend would say to other people. Pero isa lang ang masasabi niya. She's a genuine person. Totoo siyang tao. Hindi siya mapagpanggap sa harapan ng iba. Hindi tulad ng kaniyang dating kaibigan. She's always tagging along with her circle of friends. Palibhasa kumakapit lang ito sa mga taong mapapakinabangan nito. Mahilig itong magpalibre sa kanila. Kapag lalabas silang magkakaibigan ay sumasama ito. Lagi nitong isinisingit ang sarili sa kanilang grupo. Kahit na tahasan namang sinasabi ng ilan niyang kaibigan na ayaw nila kay Katrina. Pero dahil sa childhood best friend niya ito ay hinahayaan na lang ng kaniyang ibang kaibigan ang pagsama-sama nito sa kanila. Hindi siya aware noon na magaling din itong mang-agaw ng boyfriend ng iba. She's fake as hell. Nawala na ang respeto niya sa kaniyang kaibigan dahil sa ginawa nito. Inagawan na nga siya ng boyfriend, kung ano-ano pang paninira ang sasabihin nito sa social media para ipahiya siya. Palasimba nga ito pero ibang-iba naman ang ugali nito 'pag nasa labas ng simbahan. Hindi talaga lahat ng religious na tao ay maganda ang pag-uugali. Hindi naman niya nilalahat ng taong relihiyoso. Pero ganoon si Katrina. Napakatsismosa nito. Tulad ng mga kapitbahay niyang chismosa na walang magawa sa buhay kung 'di pansinin ang kilos niya. Lalo na 'yung matandang malaki ang mata sa tapat ng bahay nila sa Batangas. Mabuti na nga lang nasa Maynila na siya, dahil kapag araw-araw niyang nakikita ang mga tsismosa niyang kapitbahay ay nawawala siya sa mood. Tsinitsismis ng mga ito ang kaniyang ina na nanahimik sa ibang bansa. Matindi talaga ang inggit ng ilang kapitbahay nila sa kanilang pamilya. Siguro ay dahil sa nakakaangat ang kanilang buhay kumpara sa ibang nakatira roon. Pero may iba rin na iyon na talaga ang libangan sa buong maghapon. Kung minsan ay ayaw niya ng umuwi sa Batangas dahil sa mga taong iyon. Kaso nandoon ang lolo't lola niya at palagi niyang na-mi-miss ang mga ito kaya hindi pwedeng hindi niya dadalawin. Ang sabi sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan na nasa probinsya ay may feelings pa rin sa kaniya ang kaniyang ex kaya naman hindi nito magawang mahalin ng buo si Katrina. Noong una ay ayaw niyang paniwalaan ang sinabi ng kaniyang mga kaibigan. Hanggang sa nag-text sa kaniya si Gerald noong nakaraang araw. Ibang number ang gamit nito dahil blocked na ang original number nito sa kaniyang phone. He said that he changed for the better. Na siya pa rin ang laman ng puso't isipan nito. But she's not a fool to believe him anymore. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nito binibitawan si Katrina ayon sa kaniyang mga kaibigan na nasa Batangas. Hindi na siya nag-reply sa mga text message nito. Ang tanging hiling niya na lang ngayon ay tantanan na siya nito. Kahit na nagsisisi na ito sa kasalanang nagawa nito sa kaniya, ayaw niya ng makipagbalikan sa lalaki. Hindi na nito maibabalik ang dati niyang pagmamahal para sa lalaki. Nasaktan na siya nito sa pagtataksil na ginawa nito sa kaniya. She need someone that is honest with her. Not someone who lied to her just to bang her best friend. He didn't even think about how it would hurt her when he's sleeping with her own best friend. He left her heart deeply wounded. Basta na lang nitong itinapon ang kanilang relasyon na umabot ng mahigit pitong taon dahil sa lust. Special day pa man din ang araw na iyon sa kaniya dahil monthsary nilang dalawa 'yon. Pero hindi man lang nito inisip ang consequences ng mga ginawa nito. Bago pa man niya masaksihan sa akto na nagtataksil ang kaniyang dating nobyo, kakaiba na ang kinikilos nito. Nahahalata niyang nagsisinungaling ito sa kaniya. Sa kung saan ito pupunta at sino ang kasama nito. 'Yun pala ay may kataksilan itong ginagawa habang nakatalikod siya. The day they supposed to celebrate their monthsary but he ended up getting laid with another woman. He broke her heart on that special day. Hindi nito alam kung gaano nito dinurog ang kaniyang puso nang mga sandaling iyon. She went through a painful time in her life. Bigla na lamang tumulo ang kaniyang luha nang maalala ang araw na iyon. Iyon na rin ang araw na naghiwalay sila ni Gerald. Inabala niya na lang ang kaniyang sarili sa pag-inom ng alak. Kesa balikan ang kaniyang mga ala-ala sa kaniyang dating nobyo. Sa wakas ay pinuntahan na rin siya ng kaniyang kaibigan sa kanilang pwesto. Kanina pa ito nakikipagsayaw sa mga lalaki na naroroon sa bar. "Tara, Sofi. Let's dance," anyaya sa kaniya ng kaniyang kaibigan. "Ha? Ayoko, gurl," tanggi niya sa kaniyang kaibigan. "Halika na. Ipapakilala kita sa mga boys," anito sa kaniya. Hinihila siya nito sa kaniyang kinauupuan. Namumula na ang mukha ng kaniyang kaibigan dahil naparami na ito ng inom ng alak. Makulit talaga ang kaniyang kaibigan kapag nalalasing kaya naman hindi na siya nag-inarte pa. May mga gwapo itong nakilala sa bar na iyon. "Hi," nakangiting bati sa kaniya ng isang lalaki. Matangkad ito na sa tantiya niya ay nasa 6 ft ang taas. May kulay ang buhok nito kaya naman nagmukha itong emo. Medyo matangos ang ilong nito. May pagkarakista ang porma nito ngayong gabi. "Hello," tugon niya at maliit na ngumiti sa lalaki. Nagpakilala sa kaniya ang lalaki. Ang pangalan nito ay Calum. Isa rin itong college student sa pinapasukan niya. Habang kausap niya si Calum, si Kaori naman ay kausap ang kaibigan nito. Habang tumutugtog ang kanta ng international singer na si Blackbear na Hot Girl Bummer ay sumasabay ang mga party goers sa kanta. Hindi siya interesado sa lalaki kahit na nagpakita ito ng interes sa kaniya. Gwapo naman ito at mukhang mabait, ngunit ayaw niyang humantong sila sa hindi dapat dahil parehas silang nakainom. Ayaw niyang maulit ang kagagahang ginawa niya sa isang gwapong estranghero noon. Tama na ang nangyari para matuto siya na mali ang nagawa niya. She shouldn't give herself to a man she doesn't even know. She did once but she would never do it the second time around. Alam na niya ang kaniyang pagkakamali at natuto na siya. She should give herself to the man she would marry in the future. Malaking pagkakamali ang kaniyang nagawa. Kaya naman natatakot siyang may makaalam na iba. Natatakot siyang husgahan ng ibang tao dahil sa nagawa niya. Kahit pa nakatulong iyon para kahit papaano ay makapaghiganti siya sa panloloko ng kaniyang dating nobyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD