Chapter 27

1471 Words
Sofia Simula na ng klase nila ngayon. Tapos na rin ang kanilang sembreak. Kahapon lang ay galing siya sa condo ng kaniyang kaibigang si Nadia. She spent time with her. Medyo napu-frustrate kasi ang kaniyang kaibigan. Maaga siyang naligo  ngayon para pumasok sa eskuwelahan. Ang kaniyang subject ngayong semester ay walo. 22 units lahat ang kaniyang subject ngayong semester. Kailangan niyang mag-aral ng mabuti. Hindi puwedeng bumagsak. Saka kahit naman hindi siya katalinuhan ay responsableng estudyante naman siya. Hindi siya 'yung estudyante na nagpapabaya sa pag-aaaral. Para sa kinabukasan niya rin naman iyon. Hindi para sa ibang tao. Hindi naman siya pine-pressure ng kaniyang ina na magkaroon ng matataas  na marka. Hindi siya nito pine-pressure sa pag-aaral. Huwag daw siyang ma-stress.  Dapat ay chill lang daw siya. Kung ang iba nga raw ay nakaka-graduate ng chill lang. Kaya huwag daw siyang ma-pressure at baka magkasakit pa raw siya kapag masyado niyang ini-stress ang sarili. Ang mahalaga ay makapagtapos daw siya at maabot ang kaniyang mga pangarap. Ang magkaroon ng trabaho 'pagka naka-graduate. Basta ngayong semester ay gagawin niya ang kaniyang best. Last semester kasi ay na-stress siya ng slight. Iba talaga kapag buhay college medyo nakaka-overwhelm. Ngunit alam niyang lahat ng paghihirap niya ngayon ay may magandang bunga. Kapag first week naman ng kanilang klase ay medyo maluwag pa. Parang bitin siya sa kaniyang bakasyon. Ang bilis kasi talaga ng panahon. Bakit kaya kapag nag-e-enjoy pa siya sa bakasyon nila ay saka naman bumibilis ang oras? Pasukan na naman. Pero ayos lang iyon. Second-year college na naman siya. Kaunting push na lang at makakapagsuot na rin siya ng itim na toga. Magiging proud na rin sa kaniya ang kaniyang ina. Speaking of her mom, ang sabi nito sa kaniya kahapon ay pinagbabakasyon ito ng amo nitong Singaporean ng maaga-aga dahil nga sa na-ho-homesick na ito. Medyo mahaba-habang bakasyon. Gayon na lang ang tuwa ng kaniyang ina kahapon. Her mom deserves a long break. Mabait naman kasi ang pamilya ng pinagtatrabahuhan nito kaya nabibigyan ito ng mahaba-habang bakasyon. Mga two years ago 'yung huling bakasyon ng kaniyang mommy na medyo mahaba-haba. Kaya naman nag-enjoy ng husto ang kaniyang ina. Kung saan-saan sila nag-travel ng kaniyang ina kasama ang kaniyang buong pamilya. Pati na rin ang kaniyang mga pinsan na mahilig mag-travel. Kinukulit siya ng kaniyang ina sa kung ano ang mga gusto niyang pasalubong mula dito. Kahit pa sabi niya sa kaniyang ina na kahit chocolate  na lang, pinipilit siya nitong sabihin kung ano ang gusto niya. Dahil 'yung mga pinsan niya ay may kani-kaniyang request na. Siya na anak nito ay wala. Kaya  naman napaisip siya kung ano bang gusto niya talaga na ipabili sa kaniyang ina. Kahit hindi naman talaga siya mahilig mag-request sa kaniyang ina ng mga materyal na bagay. "Sige na nga, mommy. Ahm...Elizabeth Arden perfume po. 'Yung green tea scent, mommy," tugon niya sa kaniyang ina nang tanungin siya nito kung ano ba talaga ang gusto niyang pasalubong mula rito. "Iyon lang, 'nak? Ano pa? Mag-isip ka pa ng gusto mo. Ang mga pinsan mo nga ang daming request sa 'kin, eh. Kaya huwag kang magpapahuli sa mga pinsan mo." Ang mga pinsan niya talaga. Napailing na lang siya.  Tinamaan talaga ng magagaling. Mahilig talagang mag-request ng kung anu-ano ang mga ito sa kaniyang ina. Ayaw niya na sanang gumastos ng malaki ang kaniyang ina. Kaso ini-spoiled siya nito palagi. Ang katwiran nito ay nag-iiisang anak lang siya nito. Ang prinsesa ng kaniyang buhay. Kaya ang gusto nito ay masunod ang kaniyang luho. Walang pakialam ang kaniyang ina kahit gumastos ito ng malaki maibigay lang ang kaniyang mga luho. Para mapasaya lang siya. Ngunit hindi naman siya 'yung taong sumasaya lang kapag nakukuha niya ang mga materyal na bagay na gusto niya. Lumaki siya na simple lamang. Na-a-appreciate niya ang mga maliliit na bagay. Hindi nakabase ang kaniyang kasiyahan sa mga materyal na bagay  na natatanggap niya. Ang mahalaga sa kaniya ay nasa maayos na kalagayan ang kaniyang mga mahal sa buhay. Na healthy ang mga ito. Doon ay masaya na siya. Sapat ng nasa mabuting kalagayan ang kaniyang mga mahal sa buhay. Lalo na ang kaniyang ina na nagsasakripisyo sa malayong lugar maibigay lang ang kanilang mga pangangailangan. "Mommy, okay na 'ko sa pabangong 'yun. Pero sige na nga mommy, watch na lang po. Last na 'yun, mommy. Wala na po akong request." "Anak talaga. Huwag kang mag-alala, maraming pera si mommy. May bonus akong natanggap sa amo ko. Kaya kahit anong gustuhin mo bibilhin ko." Kapag naka-graduate siya ay nagbabalak din siyang mangibang bansa. Ngunit magtatrabaho muna siya rito sa bansa. Gusto niya kasing malibot ang iba't ibang bansa at ma-experience ang iba't ibang kultura. Life is short ika nga nila. Maikli lang ang buhay kaya dapat ay in-enjoy ito. Mag-iipon siya para maisakatuparan ang pangarap niyang  malibot ang buong mundo. Ang sabi sa kaniya ng kaniyang lola ay dapat daw nag-Tourism siya para kapag naka-graduate raw siya ay maging Flight Attendant siya tulad ng kaniyang pinsan na kasing edad niya. Anak iyon ng kuya ng kaniyang ina. Hindi siya close sa pinsan niyang iyon. Nag-aaral ito ngayon sa isang state university doon sa kanilang probinsiya. Ewan niya ba sa pinsan niyang iyon, matindi ang inggit sa kaniya ng pinsan. She's so insecure towards  her. Malamig ang pakikitungo nito sa kaniya. Kahit noong mga bata pa sila ay lahat ng bagay na meron siya ay kinaiinggitan nito. Hindi ito marunong makuntento sa kung ano'ng meron ito. Noon ngang nagkaroon siya ng nobyo ay kung anu-ano ang naririnig niya na sinasabi nito sa ibang tao tungkol sa kaniya. Na kesyo maaga raw siyang mabubuntis at siya raw ang unang mag-aasawa sa kanilang mag-pipinsan.  Ang dahilan lamang ay dahil lang sa nagkaroon siya ng boyfriend noong high school pa lang siya. Samantalang dito ay walang nanliligaw dahil masama ang ugali nito. Paano naman ito magkakaroon kung napaka sama ng ugali nito? Kung binabago nito ang ugali nito, tiyak na magkakaroon ito ng boyfriend. At hindi na maiinggit sa kaniya. Kaya tuloy hanggang ngayon ay wala itong boyfriend kahit pa maganda naman ito at matangkad na babae.  Manang-mana talaga ito sa ina nitong inggitera. Sobra ang inggit nito sa kapwa. Marami itong nakakaaway na taga sa kanilang lugar. Mahilig ang ina nitong tsumismis kahit napakaaga pa. Ang almusal nito ay tsismis agad sa kapitbahay. Hindi rin close ang babae sa kaniyang ina. Dahil naiinggit din ang ginang sa kaniyang ina. Ito nga ang laging pinagmumulan ng tsismis sa kanilang compound. Wala na nga itong trabaho, puro tsismis pa ang inaatupag. Magaling lang itong manira ng ibang tao. Hindi  niya nga ito pinapansin tulad ng kaniyang pinsan na masama ang ugali tulad ng ina nito. Mag-ina talaga ang dalawang iyon. Like mother, like daughter. Pero kahit ganoon ang ugali ng mga ito, hindi pa rin ito pinagdadamutan ng kaniyang ina. Kahit na alam ng kaniyang ina na marami itong sinasabi na hindi maganda sa kaniyang ina. Mapagpatawad naman ang kaniyang ina at hindi nito pinepersonal ang mga taong walang sinasabing maganda rito. Her mom is beautiful inside out. Noong kabataan nito ay marami talagang nanliligaw dito. Lagi itong kinukuhang muse sa eskuwelahan. Bagay na bagay talaga ang kaniyang ina at ama. Dahil parehas maganda at gwapo. May magandang ugali rin ang mga ito. Walang naging kaaway ang kaniyang ama noong nabubuhay pa ito. Marami itong kaibigan sa  kanilang lugar. And he's very selfless. Hanggang ngayon ay maganda pa rin ang kaniyang ina. May maganda kasi itong personality. Hindi ito nantatapak ng ibang tao kaya naman binibiyaan ito ni Lord ng maraming blessings. Wala itong inggit sa katawan hindi tulad ng kaniyang tiyahin na punong-puno ng insecurities sa katawan na namana ng anak nito. They envy her mom just because she's working abroad. Hindi nila alam na malaki ang sakripisyo ng kaniyang ina. Tinitiis nito ang lahat ng hirap at pangungulila para lang sa pamilya nito. She was very determined to give her family a good life. Kaya  naman mahal na mahal ito ng kaniyang yumaong ama. Parehas na masipag ang kaniyang  mga magulang. And they really love each other. Kung nabubuhay pa ang kaniyang ama ay tiyak siyang proud na proud ito ngayon sa kaniyang ina. No one can replace her father in her heart. At natitiyak siyang ganoon din sa kaniyang ina. She's the best father she could ever had. Nakakalungkot lang na maaga itong nawala sa kanilang buhay. Naririnig niya nga ang pang-uudyok ng ilang kaibigan ng kaniyang ina na mag-asawa raw muli ito. Ngunit kung maaari ay ayaw niya. Siguro nga selfish siya. But she's just thinking about her late dad. Matutuwa kaya ito kapag nag-asawang muli ang kaniyang ina? Matutuwa kaya ito kapag nagkaroon ang kaniyang ina ng panibagong pamilya? Siya man ay umaasang hindi papalitan ng kaniyang ina ang kaniyang ama sa puso nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD