Adrienne
Hindi niya gaanong nasulit ang kaniyang bakasyon sa Pilipinas dahil hindi niya masyadong nalibot ang iba't ibang sikat na tourist spot sa bansa. Ngunit na-enjoy niya naman ang kaniyang bakasyon sa Boracay.
Napakaganda ng isla ng Boracay. It's probably one of the best beaches in the world. Masarap mag-relax sa lugar. Napakaganda ng tanawin. Perfect na lugar ito sa mga taong nai-stress sa buhay at gusto ng pansamantalang pahinga sa mga bagay na nakaka-stress. It's probably one of the best trip in his life. Dahil sa sobrang ganda ng naging experience niya sa isla. Kasama niya ang kaibigan na si Alastair. They did a lot of fun stuff like parasailing, island hopping, etc.
His friend Alastair was also vacationing in the country. Gusto lang nitong magbakasyon sa bansa. But as usual, he'd hooked up with a lot of random hot chicks in the country. Mga nakilala lang nito habang nagbabakasyon sa bansa. Matinik talaga ang lalaking iyon pagdating sa chicks. His friend was currently staying in Makati.
Mentally prepared na rin siya sa pagpasok niya ngayon sa university. His course is Business Management in Ateneo De Manila University. Nakapag breakfast na siya. Nakaligo na. He's so ready on his first day at school here in Manila. Dadalhin niya ang kaniyang sasakyan.
Medyo nakakaramdam siya ng kaunting kaba dahil isa siyang banyaga sa bansa. Hindi niya alam kung magiging friendly at welcoming ba sa kaniya ang kaniyang mga kaklase.
Habang nasa klase siya ay naka-receive siya ng text message mula sa kaniyang kaibigan na si Alastair.
Alastair: Yo, dude. Habang nagla-lunch ako kanina dito sa may Glorietta, may lumapit sa 'kin na talent manager. Kung gusto ko raw bang i-try ang pagmo-modelo dito sa Pilipinas. Nagdadalawang-isip pa ako kung iga-grab ko ang opportunity. He said that I can be a commercial model here. Mukha raw kasi akong half. What do you think, bro?
Nag-reply naman agad siya sa kaniyang kaibigan. Kapag tinanggap nito ang alok na pagmo-modelo sa bansa. May rason na ito para mag-stay ng matagal sa Pilipinas.
Adrienne: Kung ako sa 'yo. Tatanggapin ko ang alok na 'yan. Bihira lang ang ma-offer-an ng ganiyang opportunity. You should give it a shot, dude. Now you have the reason to stay longer in the Philippines. Lol.
Siya nga ay hindi kailanman na-offer-an ng ganoong opportunity.
Alastair: Okay. I'll ask mom. Tatanungin ko kung legit ba ang offer sa 'kin na 'yon. Mamaya scammer lang pala 'yung lumapit sa 'kin. Mahirap na.
Nasa bansa rin ngayon ang ina ng kaniyang kaibigan. Natawa siya sa sinabi ng kaniyang kaibigan. Sigurista talaga ito kahit kelan. Hindi ito madaling mabiktima. Pero sa tingin niya naman ay mukhang hindi ito niloloko ng nakausap nitong talent manager. May mga nakilala rin kasi siyang mga modelo habang nagbabakasyon siya dito sa Pilipinas. At karamihan ay mga half Pinoy. Siya ay malabong makuha bilang modelo dahil mas litaw sa kaniya ang dugong banyaga. Unlike his friend, Alastair.
Unang tingin pa lang dito ay mukha talaga itong half Asian/Pinoy. Saka madaling makapag-adjust ang kaniyang kaibigan sa ibang kultura. He's an extrovert. Palakaibigan ito. He's one of the nicest man he ever met in his life. He's very down-to-earth. He's outgoing. He's super chill. Funny. Prankster. And the list goes on. He's blessed to have a friend like him. Na hindi siya iniwan noong mga panahong may pinagdadaanan siya sa kaniyang love life.
May pag-asang sumikat ang kaniyang kaibigan kung tatanggapin nito ang alok dito na magmodelo sa bansa. Hindi niya pinangarap ang naturang career. He's camera shy. And wasn't outgoing like his friend, Alastair. He's quiet and reserved. He doesn't socialize much.
Nag-i-stay siya ngayon sa kaniyang condo sa Quezon City malapit sa eskuwelahan na pinapasukan niya ngayon. Kahapon ay tumawag muli ang kaniyang ama. He wasn't excited to see his dad. Na malapit ng dumating sa bansa kasama ang girlfriend nito. Na magiging stepmom niya in the future. Kapag naiisip niya iyon ay nagbabago ang timpla ng kaniyang mukha.
Suddenly, he's not in the mood because of that thought. Panira talaga ng mood iyon. Hindi niya muna dapat isipin ang future. Ngunit hindi niya maiwasang hindi isipin dahil sa magaling niyang ama. His dad is not getting any younger. Bakit pa nito naisip na mag-asawang muli gayong lagi namang failed ang marriage nito? Kung nabubuhay pa ang kaniyang lolo't lola, tiyak na tututol ang mga ito sa plano ng kaniyang ama.
Matapos ang unang araw niya sa eskuwelahan ay nagpunta siya ng mall para bumili ng mga damit. Hindi naman kasi ganoon karami ang mga dinala niyang damit at gamit. Saka kaunti rin ang kagamitan niya roon sa condo. May pagka minimimalist ang kaniyang condo dahil kung ano lang ang kailangan niya ang naroon. Pero kailangan niya pang bumili ng ibang gamit sa kitchen. Sanay naman siya sa kusina kaya siya na ang nagluluto ng kaniyang pagkain. Pupuntahan siya mamaya ng kaniyang kaibigan na si Alastair sa kaniyang condo.
Kagabi ay lumabas siya kasama ang kaniyang kaibigan sa The Palace Pool Club sa may BGC. They had fun last night. But he didn't hook up with any girls there. Ang kaniyang kaibigan naman na si Alastair ay nakipag-flirt sa mga good looking models na naroroon kagabi. Alastair hooked up with two gorgeous model last night. Kahit kailan naman ay hindi pa rin nagbabago ang kaniyang kaibigan. He loves the nightlife and gorgeous women.
Hindi siya masyadong uminom ng alak. Tamang chill lang siya kagabi. May mga babaeng lumalapit sa kaniya kagabi at nakipagkilala. They also asked for his number. Ibinigay niya naman iyon. Wala sana siyang intensyon na ibigay ang kaniyang number. Ngunit ayaw niya namang magmukhang suplado sa mga babaeng lumapit sa kaniya kagabi. Ngunit wala siyang intensiyon na makipag-flirt sa mga ito.
Kahit saan siya magpunta ay palagi siyang pinagtitinginan. Siguro dahil sa matangkad siya at banyaga kaya agaw-atensiyon siya sa mga tao. Kapag naglalakad siya sa mall ay may mga grupo ng babae na napapahinto at animo'y kilig na kilig nang makita siya. And it's so funny. Hindi niya naranasan ang ganoon sa Amerika. Hindi siya sanay sa atensiyon na ibinibigay ng mga locals sa kaniya. But they're very friendly to him. They were the nicest people on earth. They were very accomodating. Nag-a-adjust lang siya ngayon sa traffic at sa mainit na klima. But it's okay. Masasanay din siya.
Nag-e-enjoy naman siya dito sa bansa. He will get used to it as time goes by. Hindi naman siya maarte. He's simple. Naalala niya ang mga sinabi noon ni Ellen sa kaniya. Na mag-doble ingat daw siya kapag nakarating na ng bansa. She left a racist comments na hindi niya nagustuhan. Kahit kailan ay hindi na magbabago ang ugali ni Ellen. And he can't stand being with her 24/7. Mabuti na nga lang at hindi siya nito sinusundan sa bansa dahil busy ito sa modelling career nito. Gagawin niya ang lahat maging top model lang. Kahit pa may matapakan itong tao. Wala itong kasundo na kapwa nito modelo. Nakatrabaho na nito si Gracie pero hindi nito nakasundo si Ellen. Naiinggit kasi ito sa mga kapwa nito modelo na nakakatanggap ng maraming project. Tulad ng commercial, print ads, tv appearance, etc. Ayaw nito na nahihigitan ito ng mga kapwa nito modelo. Gusto nito na mas nakakalamang ito pagdating sa mga natatanggap na opportunity.
She's very toxic towards her colleagues. No wonder marami itong nakakaaway. Because nobody can stand her toxicity. Mas malayo pa ang mararating nito kung babaguhin lang nito ang toxic na ugali nito.
Noong nabalitaan nitong engaged na ang kaniyang dating kasintahan saka lamang ito tumigil sa pang-ba-bash dito. Bigla na lamang nagbago ang ihip ng hangin at bumait ito sa kaniyang dating kasintahan.
"Maybe I should stop throwing hateful comments about her."
Iyon ang sabi sa kaniya ni Ellen noong malaman nitong engaged na ito. Masaya ito para sa dati niyang nobya.