Sofia
Naalimpungatan siya kaya naman napabangon siya sa kama. Nausisaan niya na wala pa rin ang kaniyang kaibigan sa kanilang hotel room na inookupa. Ang sabi nito sa kaniya ay hindi naman daw ito magtatagal pero bakit wala pa rin ito hanggang ngayon. Hindi ba nito alam kung anong oras na?
Hindi pa rin bumabalik sa kanilang hotel room ang kaniyang kaibigan. It's already four am. Kaya naman nag-text na siya sa kaniyang kaibigan. Wala siyang pantawag sa kaibigan kaya naman nag-text na lang siya rito dahil nag-aalala na siya kay Loisa. Baka naman lasing na lasing na ito at samantalahin ng lalaking iyon ang kalasingan ng kaniyang kaibigan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag-reply ang kaniyang kaibigan. Na huwag daw siyang mag-alala dahil hindi pa naman daw ito lasing at kakuwentuhan lang nito si Riley.
Bumalik na siyang muli sa pagtulog dahil okay naman ang kaniyang kaibigan. Napanatag lang ang kaniyang loob nang mag-reply ito sa kaniya.
Alas-nueve na ng umaga siya nagising. Hinagilap agad ng mga mata niya ang kaniyang kaibigan sa kaniyang tabi. Ngunit wala ito sa kaniyang tabi. Hindi ito natulog sa kanilang hotel room. Kaya naman alalang-alala siya kung napano na ang kaniyang kaibigan. Nag-text agad siya rito. Tinanong niya kung saan ito nagpaumaga. Ngunit hindi pa rin ito nag-re-reply. Kaya naman nagpa-panic na siya.
"Ano na ba kasing nangyari sa babaeng iyon?" tanong niya sa kaniyang sarili.
Inabot na ng tanghali bago ito nag-reply sa kaniya. Ang sabi lang nito ay kasama raw nito si Riley. Magdamag nitong kasama ang lalaki? At wala raw siyang dapat ipag-alala? Ngunit hindi pa rin napapanatag ang kaniyang loob.
Did they just...Oh, no. Huwag naman sana.
Ayaw niyang isipin na nakipag-one night stand ito kay Riley. Hindi naman siguro bibigay kaagad ang kaniyang kaibigan kahit pa sikat at gwapo ang lalaking iyon. Naguguluhan siya sa kinikilos ng kaniyang kaibigan. He's still a stranger to her.
Ngunit malakas ang kutob niyang ganoon na nga ang nangyari. Malilintikan sa kaniya ang kaniyang kaibigan. Pero sana ay mali ang kaniyang iniisip. Hindi sana ito nagpadala sa pambobola ng lalaki o kung anuman.
Nang makabalik sa kanilang hotel room ang kaniyang kaibigan ay pasado alas dos na ng hapon. Mukhang puyat na puyat ang kaniyang kaibigan. At halatang pagod na pagod ito kaya naman sumalampak agad ito ng higa sa kama. Hinayaan niya munang makabawi ng tulog ang kaniyang kaibigan. Mamaya ay i-interrogate niya ito. Hindi makakapagtago ng sikreto ang kaniyang kaibigan sa kaniya.
Naglakad-lakad muna siya sa beach kahit matindi ang sikat ng araw. Gusto niyang magkaroon ng caramel skin tone kaya naman sinasadya niyang magbilad sa sikat ng araw. Mas gusto niya ang gano'ng kulay ng balat. Masyado kasi siyang maputi na namana niya sa kulay ng balat ng kaniyang ina na mestisa.
Speaking of her mom, she really miss her already. Gusto niya na itong makita at mayakap. She's longing for her mom.
Gabi na nang magising ang kaniyang kaibigan. Her friend confessed that she really likes Riley. That she fell in love because he's very charismatic and very down to earth despite his success.
"That fast?" tanong niya sa kaniyang kaibigan.
"Yeah. I like him already. He's funny. He's really sweet. Hindi siya boring kasama. Saka walang ka-ere-ere sa katawan. Sobrang humble niya kahit international pop star siya."
Ikinuwento ng kaniyang kaibigan na magdamag daw ang mga itong magkasama kagabi. Mariin naman nitong itinanggi na may nangyari sa mga ito kagabi. She said that they had fun partying last night. Iyon lang daw iyon. Walang nangyari sa dalawa. At mas lalo raw nitong nakilala ang lalaki. Kinantahan pa nga raw ito ng lalaki.
Malungkot ang kaniyang kaibigan dahil bukas ay aalis na sila ng isla. Kaya naman sinulit na ng kaniyang kaibigan ang oras nito para maka-bonding ang lalaki. Na-fall na talaga ang kaniyang kaibigan sa Irish pop star na iyon. Eto na nga ba ang sinasabi niya.
Nag-almusal muna sila ng kaniyang kaibigan. Habang kumakain sila ay napansin niyang napapatulala ang kaniyang kaibigan. Marahil ay ma-mi-miss nito si Riley. Mamaya na kasi ang balik nila ng Maynila.
"Sa tingin mo seryoso siya sa 'yo?" tanong niya sa kaibigan habang inaayos nila ang kani-kaniyang gamit.
Napahinto sa pagtutupi ng damit ang kaniyang kaibigan.
"I think so," tugon ng kaniyang kaibigan.
Mukhang kahit ito ay hindi sigurado sa nararamdaman kung seryoso ba si Riley.
"Pero ayokong mag-expect ng kahit ano. Basta. Mahirap na. He's a famous pop star while I'm just a regular college student girl," malungkot nitong tugon sa kaniya.
"But you'll miss him," wika niya.
"Yeah. Pero alam ko naman na walang patutunguhan 'tong nararamdaman ko para sa kaniya. Pero masaya ako na nakilala ko siya," aniya at ngumiti ito.
Maraming mga larawan ang kaibigan kasama si Riley. In-upload nito ang mga selfies ng mga ito sa personal social media account ng kaibigan. Inulan ng maraming likes at comments ang comment section ng ginagamit na social media account ng kaibigan.
Tiinatanong ng mga kakilala nila kung ano ba ni Loisa ang lalaki. Maraming nagulat sa mga nakakita ng larawan ng dalawa sa social media account ng kaibigan. They seems like a romantic couple in the picture.
lovely_micah: Oh My God. Ang guwapo naman niyan, Lois. Boyfriend mo? Ang sweet niyo naman.
queency_legazpi: Ay iba rin. Wow naman, Lois. Nakabingwit ka ng gwapong afam diyan sa Boracay. Sana sinama mo 'ko.
kel_cute: Ouch. Wala na talaga akong pag-asa.
lovelynadz: So happy for you, bestie. Xoxo
Ilan lamang ito sa mga komento ng ilang kakilala nila noong high school na nag-comment sa post nito sa social media account. Kilig na kilig ang mga kaibigan nila dahil akala ng mga ito ay nakahanap na ng forever si Loisa.
Naka-tag doon ang personal account ni Riley na isang private account. Nasa thousands lang ang followers nito roon dahil naka-private ito. Pero may fan account ito kung saan may millions of followers ito. At verified account din ito ng Irish pop star. He's a singer-songwriter who rose to fame when he won in a singing competition on TV when he was young. Marami na itong naging achievement sa larangan ng musika.
He was loved by his millions of fans from different walks of life. He seemed a good guy. And adored by many teenage girls.
But...he's a superficial a*shole who only sleeps with people. According to some exposing account on social media who exposed him in the past. Maraming nakasulat doon na hindi maganda tungkol sa image ng lalaki. May mga nagsasabi rin na isa itong racist. Ngunit wala namang pruweba para patunayan na racist nga ito. Kung totoo man na racist ito, hindi ito maganda para sa image nito bilang isang pop star. Dahil marami itong fans na iba-iba ang lahi.
Some people can get away with everything because they're just damn famous.
And he loves partying. Laman ito ng iba't ibang sikat na bar gabi-gabi sa sarili nitong bansa.
Hindi naman issue 'yong nightlife nito. 'Yong pagiging party boy nito ay common lang sa isang public figure na hindi pa married. Ngunit dahil nga sa sikat ito, maraming babae ang nagkakandarapang mapansin nito. And because he love his fans...pinagbibigyan niya ang mga ito.
Mabuti naman at natauhan na ang kaniyang kaibigan. Bumalik na rin ito sa realidad. Okay lang naman na mag-fangirl o magkaroon ito ng crush kay Riley, pero ang magkaroon ng feelings para rito, ay tiyak na magiging problema lang ng kaniyang kaibigan.
Sa itsura pa lang kasi ng lalaki ay alam niya ng marami na itong napaiyak na babae. Lapitin ito ng babae. He dated some gorgeous models in the past. Some were beauty queen. Mahilig ito sa magaganda.
Saka kapag nabalitaan ng mga crazy fangirls nito na may dine-date ito ay malamang uulanin ang kaibigan ng mga mean comments. Dating a huge pop star will just give her friend a headache. And besides, hindi naman taga rito ang lalaki. Long distance relationship is hard. Bihira lang ang isang long distance relationship na nagiging successful.
Sa tingin niya ay hindi kakayanin ng kaniyang kaibigan ang mga mean comments na matatanggap nito kung sakali. Her friend is a softie. She's emotional like her. She just don't trust him for her friend. Naranasan niya ng pagtaksilan ng lalaking mahal niya. Ayaw niyang maranasan ng kaniyang matalik na kaibigan ang lokohin ng lalaki na sanay na nakukuha ang kung anu mang gustuhin nito. Marami pa namang lalaki sa mundo.
She just have to open her eye that not all famous guy is an ideal boyfriend. She doesn't want her friend to fall for a wrong guy. Hindi man niya personal na kilala ang lalaki. At nalaman niya lang ang nakaraan nito sa mga nabasa niyang write ups tungkol dito, hindi pa rin okay sa kaniya na ma-in love ang kaibigan sa isang lalaking sanay na nakukuha ang lahat ng gustuhin nito.
Nang makabalik na sila sa Maynila ay malalim pa rin ang iniisip ng kaniyang kaibigan. Nagpaalam ito kay Riley bago sila umalis ng Boracay. And her friend admit that they just kissed and hugged. Hindi siya makapaniwala sa inamin ng kaibigan. Her friend wasn't the type to get cozy and kiss a guy she only known for a short period of time.
She's caught feelings for him. Ang sabi sa kaniya ni Lois ay may plano raw ang lalaki na makipagkita sa kaniyang kaibigan next week. Her friend miss him already. Magka-chat pa rin ang dalawa.
She really despised men who weren't faithful to their girlfriends. They're disgusting as hell! Just like her ex. Si..."the man who shouldn't be name" talaga ang kaniyang naiisip when it comes to that.
To be honest, it's much better to fall in love with fictional men than men in real life. Dahil nasa mga ito ang katangian ng kaniyang pinapangarap na ideal boyfriend.
Sana ay makatagpo ang kaniyang kaibigan ng lalaking faithful. 'Yung marunong makuntento sa isang babae.
At walang history ng pagtataksil sa mga past relationships. 'Yung one-woman man. Sa totoo lang ay nagkaroon na siya ng trust issues sa mga lalaki. Nadadamay tuloy ang lalaking nagugustuhan ng kaniyang kaibigan. Ayaw niya na kasing magbulag-bulagan. At gusto niyang malaman ng kaibigan ang totoong pagkatao ng lalaki para hindi ito masaktan ng husto.
Hindi naman kailangang magmadali ng kaniyang kaibigan dahil natitiyak niyang may nakalaang ideal na lalaki para rito. Maganda naman at matalino ang kaniyang kaibigan. Mahirap kasing magpadalus-dalos pagdating sa isang relasyon.