Sofia
Sobrang nag-enjoy sila ng kaniyang kaibigang si Loisa sa Boracay trip nila. Hindi na kataka-taka kung bakit isa ang Boracay sa sikat na tourist destination sa bansa. Palaging maraming turista ang dumadayo sa magandang islang ito. In-enjoy nila ng kaibigan ang pananatili sa islang ito. Boracay island is a picturesque getaway.
It's a beautiful paradise. The sand is powder soft, and the water is crystal blue. Mamamangha ka talaga sa ganda ng paraiso. Saka dapat lang na sulitin nila ng kaniyang kaibigan ang bakasyon nila sa isla. Malaki rin ang kaniyang binayaran para sa trip na ito. Pero sulit naman ang kaniyang pera. Babalik-balikan niya ang islang ito.
The best trip ever. Hindi na siya nagtaka kung bakit ito ang paboritong puntahan ng mga banyagang turista. Marami talaga ang napapahanga sa ganda ng isla. Gusto niyang manirahan sa mga ganitong lugar. Malayo sa ingay ng kalsada. Payapa. Sobrang relaxing ang lugar. Mawawala talaga ang stress kapag tinitingnan ang magagandang tanawin.
Kahit na may fear of heights siya, sinubukan niyang i-conquer ang fear na iyon sa pamamagitan ng pagki-cliff diving. Hindi tulad niya, ang kaibigan niyang si Loisa ay walang fear of heights. Malakas ang loob nito kumpara sa kaniya.
She's so adventurous. Gusto nito na laging may thrill. They tried snorkeling, kayaking, and paddle boarding. First time niya rin nasubukan ang zipline. Nag-parasail din sila ng kaniyang kaibigan. They also learned freediving. Sinulit talaga nila ang Boracay trip nila. Dahil minsan lang ito. And it's also good for her mental health.
This trip was for her to forget all her worries and sadness from her recent heartbreak. Para naman pansamantalang makapag-relax siya. Para magkaroon siya ng clear mind. Lahat naman ng tao ay kailangan ding mag-relax. Kailangan ding ipahinga ang utak kapag may time.
She's so stressed these past few days. As much as she wants to protect her inner peace, somebody ruined it. And she's so annoyed with that evil wicked.
Katrina really gets under her skin lately. She's flaunting her relationship with her ex boyfriend on social media. At sinisiraan pa siya nito sa ibang tao.
She's a two-faced b*tch! She's spreading false rumors about her. Na kesyo siya raw ang may kasalanan kung bakit sila nag-break ni Gerald. Masyado itong nagmamalinis na wala raw itong kinalaman sa breakup nila ni Gerald. Pinapaniwala nito ang ibang tao na hindi siya nito trinaydor. Na naging mag-on daw ang mga ito nang maghiwalay sila ni Gerald. Na friend lang daw nito si Gerald noong kasintahan niya pa ito.
Oo nga. Friends lang sila. Friends with benefits.
Ang balita nga niya ay doon na nakatira sa bahay ni Gerald ang babae. Hindi na ito umuuwi ng bahay nito. Doon na ito natutulog. Paniguradong gamit na gamit na ng lalaking iyon ang babae.
Si Gerald pa ba? Kunwaring matino pero nasa loob ang kulo.
Disgusting! They're disgusting!
Baka nga mabuntis nito ng wala sa oras ang babaeng iyon. Sabagay, kung mangyari man iyon ay tiyak na hindi magsisisi ang babaeng iyon. May kaya naman kasi ang kaniyang dating nobyo.
Paniguradong ginagastusan nito ang babae. Materialistic pa naman si Katrina. May kumalat na tsismis ilang buwan pa lang ang nakalilipas na may sugar daddy itong isang politician. Hindi niya alam kung totoo ba ang balitang kumalat months ago tungkol sa kaniyang kaibigan. Ngunit napansin niya na halos nabibili ni Katrina ang mga gusto nito at pino-post nito iyon sa social media. Baka nga totoo ang balitang kumalat kamakailan lang. Marahil ay pinagsasabay nito si Gerald at ang iba pa nitong boy toy. Hindi niya lubos maisip na magiging ganoon ang kaniyang dating kaibigan. Kung kani-kaninong lalaki na lang ito nakikipagtalik.
Matagal ng may crush si Katrina sa kaniyang dating nobyo. Noong nililigawan pa lang siya noon ni Gerald ay napapansin niya na iyon. Ngunit hindi umaamin sa kaniya ang dating kaibigan. Hanggang sa nakahanap na nga ito ng pagkakataon na masulot ang dating nobyo nang mag-aral na siya sa Maynila.
Ayaw niya na sanang isipin ang mga ito. Ngunit naiinis siya sa inaakto ng kaniyang dating kaibigan. Ito na nga ang may kasalanan, ito pa ang may ganang siraan siya sa iba. Wala naman siyang balak na makipagbalikan sa kaniyang ex. Kung iyon ang kinakatakot nito. Hindi pa siya nahihibang.
Mamaya ay bibisitahin nila ng kaibigan ang handicraft stores at clothing shops line. Gusto niyang bumili ng mga souvenirs mula sa isla. Ibibigay niya iyon sa kaniyang lolo't lola.
"Thank you talaga, Sofi. Saka kay tita. Sobrang nag-enjoy ako sa Boracay trip natin," wika ni Loisa habang naglalakad sila sa beach para maghanap ng mabibiling souvenir items sa isla. "Saka mukhang nahanap ko na ang forever ko dito."
Natatawa siya sa kaniyang kaibigan.
"Basta ikaw. Malakas ka sa 'kin, e," nakangiting tugon niya sa kaniyang kaibigan.
Kahapon ay may nakilala silang mga gwapong foreigner. Mestiso ang mga ito at malakas ang dating. Magkakaibigan ang mga ito at nagba-backpacking sa bansa.
Ang isa sa mga ito ay mukhang type na type ang kaniyang kaibigan dahil kinuha nito ang i********: account ng kaniyang kaibigan. Ang isa naman sa mga kaibigan nito ay kinuha rin ang kaniyang social media account.
Hindi naman siya interesado sa lalaking nakilala niya ngunit ibinigay niya pa rin ang kaniyang social media account sa lalaki. Mukha namang mabait ang Irish guy na nakilala niya. He immediately followed her on i********:. Nag-follow back naman siya. Wala namang mawawala sa kaniya kung i-follow siya ng lalaki. Mukha namang hindi ito mang-i-scam sa kaniya. Saka wala namang ma-i-scam sa kaniya.
Ang kaniyang kaibigang si Loisa ay kilig na kilig sa foreign guy na nakilala nila. Because her friend met a drop-dead gorgeous Irish man while they're partying last night.
Riley ang pangalan ng naturang lalaki. Para kay Loisa ito ang pinakaguwapo sa magkakaibigan. Nagkaka-chat na ang kaniyang kaibigan at ang lalaki. Mukhang gusto lamang nito ng panandaliang relasyon. Karamihan naman ay ganoon. Hindi seryoso. They just a summer fling. Short romance. Hindi naman kasi magtatagal ang lalaki sa bansa.
One month lang itong magbabakasyon sa Pilipinas kasama ang tatlong kaibigan nito na pawang mga Irish nationality.
Bukambibig nga ng kaniyang kaibigan ang Riley na iyon.
"He's so hot, Sofi. Grabe. Nakakatunaw ang mga tingin niya."
"Ang guwapo-guwapo talaga ni Riley! My Gosh!"
Kanina pa siya naririndi sa mga pinagsasasabi ng kaniyang kaibigan. Eh, mukha namang gusto lang ng lalaki na makipag-flirt sa kaniyang kaibigan.
He probably thought that he could sleep with her friend. 'Yung mga tipo kasi nito ay parang wild. Mahilig pa sa partying. Like all hot guys does.
Napaismid siya sa isiping iyon lang ang gusto ng Riley na iyon sa kaniyang kaibigan.
Men are all the same.
They just want to get laid. Anong akala niya sa kaibigan madaling utuin? Kahit na kinikilig ang kaniyang kaibigan sa lalaki. Hindi ito bibigay sa gusto ng lalaki. Matinong babae ang kaniyang kaibigan. Hinding-hindi niya hahayaang mabiktima ang kaniyang kaibigan ng mga ganoong klaseng lalaki.
Nang makabalik sila ng hotel ay ka-chat pa rin ng kaniyang kaibigan si Riley. He's very flirty towards her friend. Kilig na kilig naman ang loka. Pinabasa sa kaniya ng kaniyang kaibigan ang mga mensahe ng lalaki kay Loisa.
"Oh My God, Sofi. Sikat na singer pala si Riley sa Ireland. I just Googled him," kinikilig na wika ni Loisa sa kaniya.
Riley did mention to them last night that he is a singer. They didn't expect that they will meet a freaking international pop star here in Boracay island. Pero ang sabi ng lalaki ay hindi naman daw ito gaanong sikat sa Ireland. Naniwala naman sila sa sinabi nito.
But they just found out now that he already has a name in the music industry. Sikat rin ito maging sa Latin America. Marami itong Latin fans. Popular ito sa mga babae. Lalo na sa mga teenage girls.
Kaya naman interesadong-interesado ang kaniyang kaibigan na mas lalong makilala si Riley.
She's lowkey fangirling right now. Her friend, Lois, has a huge obsession with pop-rock musicians. She's also a huge fangirl of many famous pop band right now. Hindi kumpleto ang kaniyang araw kapag hindi siya nakakapakinig ng mga paborito niyang kanta. Mga pop at meron ding acoustic songs sa kaniyang playlist. May dinownload din siyang app kung saan kumakanta siya at nirerecord niya ang kaniyang boses. Mahilig kasi talaga siyang kumanta. Part na talaga ng kaniyang buhay iyon. Mas lalong nahahasa ang kaniyang boses sa pakanta-kanta niya. Lagi din silang nag-ja-jamming ni Loisa kapag napunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan.
They both love going to their favorite bands/artist concerts. Hindi sila nagpapahuli kapag nabalitaan nilang may concert ang kanilang favorite artist, mapa-local man o international. Pinag-iipunan talaga nila ng kaniyang kaibigan iyon. Tinitipid niya ang kaniyang sarili para lang makaipon. Hindi siya nagmemeryenda noon sa school para lang makatipid siya at maipangdagdag sa iniipon niyang pera para sa concert ng kaniyang mga idolong singer. That's one of their guilty-pleasure. They just freaking love music. Stress-reliever nila iyon.
Lois is also a freaking talented lady. She can sing, dance, and act. Pang-theater talaga ang talento nito. Kaya naman proud na proud siya sa kaniyang best friend.
Her friend is a whole package. Maganda, matalino, at talented. Plus, she has an amazing personality. Kaya naman masuwerte ang lalaking makakapagpaibig sa kaniyang kaibigan.
"Sa tingin mo, Sofi, bakit kaya siya nagka-interes sa 'kin? Sa dinami-daming magagandang babae sa Boracay, sa 'kin pa siya nagkainteres," wika ng kaniyang kaibigan.
"Maganda ka naman kasi, Lois. Wala ka lang tiwala sa sarili mo," tugon niya.
Ngumiti lang ang kaniyang kaibigan. Kapag kasi sinasabihan niyang maganda ito, hindi naman naniniwala ang kaniyang kaibigan. Ewan niya ba kay Loisa.
Maganda naman talaga ang kaniyang kaibigan. Hawig nga nito ang artistang si Coleen Garcia. Maliit lang din na babae ang kaibigan. She has a caramel skin tone. She's sexy too. Kaya siguro nabighani nito ang Irish singer na nagbabakasyon ngayon dito sa Boracay.
Riley is ten years older to her friend. He's already twenty-eight years old. Ngunit hindi naman halata sa itsura ng lalaki. Dahil baby face ito at kapansin-pansin ang kakisigan.
Mukhang tinamaan na ni kupido ang kaniyang kaibigan.
"Sofi, gusto niya akong makita mamaya. He's also staying in this hotel."
Kumunot ang kaniyang noo.
"You mean...pupunta ka sa hotel room niya?" tumaas ang kaniyang kilay.
Napailing ito.
"Hindi," mariin nitong tanggi. "Doon ulit sa kung saan natin sila nakita kagabi."
He just want to party with her friend again tonight. Hindi niya masasamahan ang kaniyang kaibigan mamayang gabi. Gustuhin man niya, kaso masakit ang kaniyang puson. Gusto niyang makapagpahinga. Ilang araw na lang ay babalik na sila ng Maynila. Dahil one-week lang naman ang staycation nila sa Boracay island.
Nagpaalam na ang kaniyang kaibigan sa kaniya.
"Aalis na 'ko, Sofi. Don't worry 'bout me. Magpahinga ka lang dito," wika ng kaniyang kaibigan.
"Okay. Have fun," matamlay niyang tugon.
Todo porma ang kaniyang kaibigan. Humiram ito sa kaniya ng damit na sexy crop top at mini denim skirt. Nakasuot din ito ng high heels sandals. Hindi niya ito masasamahan sa beach club kaya naman pinayuhan niya ang kaibigan na huwag masyadong uminom ng alak dahil hindi naman talaga ito lasenggera. Kung nandito ang mga magulang nito ngayon ay talagang mayayari ang kaniyang kaibigan. Paniguradong magtataas ng kilay ang mommy nito sa hitsura ng kaniyang kaibigan ngayon. Pak na pak ang make up nito at sexy outfit. Marahil ay gustong magpa-impress ng kaniyang kaibigan sa lalaking iyon. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang nagkakaganito ang kaniyang kaibigan sa isang lalaki. Medyo suplada ang kaniyang kaibigan noong sila'y mga high school pa lamang.
Marami namang nagkaka-crush sa kaibigan ngunit natatakot ang mga itong i-approach si Loisa. May isang lalaking naglakas ng loob noon ngunit ni-reject lang ito ng kaniyang kaibigan. Ngayon lang talaga ito nagkaroon ng interes sa isang lalaki. Si Riley kasi talaga ang mga tipo ng kaibigan.
She's so interested with Riley. Ayaw niya namang maging kontrabida kaya hindi niya pinigilan ang kaibigan na makipagkita sa lalaki. She did a research about Riley. And she found out his disgusting history.
He hooked up a lot with his fangirls in the past. Isa pa lamang ang naging seryosong relasyon nito. But then it was rumored that he cheated on his long-time girlfriend while his on tour. Hindi siya fan ng lalaking nagtataksil sa girlfriend. His past cheating rumors bugged her.
"Oh My God! What a nasty man!"
Hindi man sa kaniya interesado ang lalaki, gusto niyang sa matinong lalaki mapupunta ang kaniyang kaibigan. Kahit pa sikat ang lalaking iyon. Kahit pa marami itong pera. At kahit pa gwapo ito.
Cheating is cheating. And it's disgusting as hell. People shouldn't normalize cheating behavior no matter what their status in life. Mahirap magmahal ng isang tao na sasaktan ka lang sa bandang huli. Nobody would want to experience that.
Mas lalo siyang nag-alala para sa kaibigan. What if he just want to toy with her friend's feelings?
Ayaw niyang masaktan nito ang damdamin ng kaniyang kaibigan. Ayaw niyang pagdaanan ng kaniyang kaibigan ang kaniyang pinagdaanan sa kaniyang first boyfriend. She care a lot about her friend. Because her friend cares a lot for her too. And she never left her side. Hindi ito tulad ng iba na pinaplastik lang siya.
Sinabi niya ang kaniyang nalaman sa kaniyang kaibigang si Loisa. But she just shrugged. She didn't care about his past relationship. Kaya naman wala na siyang nagawa dahil gustong-gusto nito ang lalaki. Sana lang ay seryoso ang lalaki sa kaniyang kaibigan.
Sino bang mag-aakala na ang isang sikat na Irish pop star ay magkakaroon ng interes sa kaniyang matalik na kaibigan na isang simpleng babae lamang. Malayung-malayo ang estado ng buhay ng dalawa. He's so unattainable. Falling in love with someone so unattainable will just cause her tremendous pain.