Sofia Nagsimula na siyang ilagay sa kaniyang dadalhing pink duffel bag ang kaniyang must-have basic beach essentials tulad ng: sunscreen, charger ng cellphone, sunscreen, sunglasses, shorts, tank tops, shorts, underwear, shampoo, conditioner, toothbrush, soap, flipflops, and stuff. Hindi siya magsusuot ng swimsuit sa beach. Ayaw niya ng masyadong sexy ang kaniyang susuotin dahil makikita ng kaniyang lolo't lola. Baka sawayin siya. Masiyadong tradisyonal ang kaniyang grandparents. Lalo na ang kaniyang lola. Nakakahiya kung sa harapan ng karamihan ay sasawayin siya nito na magdamit. Masiyadong nakakahiya iyon. Kaya naman nagdesisyon siyang rashguard na lang ang kaniyang susuotin na binili niya lang sa online shop. May discount nga iyong nabili niyang rashguard. Inisip niya kung may nakali

