Adrienne "Dad, I told you. I have some important things to do," wika niya sa kaniyang daddy habang kausap ito sa telepono. Nasa isang 5 star hotel ito kasama ang babae nito. Kahit pa wala naman talaga siyang gagawin ngayong araw. Wala silang practice ng basketball ngayong Sabado. "Son, I'll introduce you to Soraya's family. You can't say no!" matigas na wika ng kaniyang ama. Kumunot ang kaniyang noo. As usual, ganoon pa rin ang kaniyang ama. Gusto nitong ito lagi ang nasusunod. Dominante ang kaniyang ama. Ganoon din ito pagdating sa negosyo. Saka maikli lang ang pasensiya nito. "Dad---" "Adrienne! How can you refuse your dad's request?! You should go. No matter what happen!" Kumuyom ang kaniyang kamao. Huminga siya ng malalim para ikalma ang kaniyang sarili. "Okay, I'll be there, D

