Sofia Dahil sa masamang lagay ng panahon, napurnada ang bakasyon sana nila ng kaniyang ina. Kasama ang boyfriend nito at ang iba pa nilang kaanak sa Coron. Kung hindi sana masama ang lagay ng panahon ay matutuloy ang kanilang Palawan vacation. Excited pa naman sana siya na makapag travel sa Coron. May classmate siya na taga Palawan at malapit lang daw sa lugar nito ang Coron. Dalawang araw lang naman sana siya roon at kailangan niya ring bumalik ng Maynila dahil may pasok siya sa eskuwelahan. Nandito siya sa Batangas ngayon kasama ang kaniyang buong pamilya. Nandito rin ngayon ang nobyo ng kaniyang ina. Bago pa man ipakilala ng personal ng kaniyang ina ang boyfriend nito sa kanilang angkan, excited na ang kaniyang mga tita't tito at mga pinsan niya. May mga narinig pa nga siya sa mga

