Adrienne Princess Sofia Valverde Ito ang pangalan ng babaeng iyon. Ang babaeng hindi niya makalimutan hanggang ngayon. Ang babaeng buong akala niya ay hindi niya na makikita pa kahit kelan. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng naka-one night stand niya, ang babaeng gumugulo sa kaniyang isipan simula nang nangyaring iyon ay anak ng girlfriend ng kaniyang ama. This can't be happening. Why? It really bothers him. Sa dinami-dami naman ng babae ay bakit ito pa? Ito pa ang anak ng kaniyang magiging stepmother. He doesn't really like his future stepmother. Ngunit kelangan niyang magpakatao sa harapan nito at sa harapan ng kaniyang ama. Matagal-tagal din silang hindi nagkikita ng kaniyang ama. Nang magkita naman sila kagabi ay parang wala lang. Hindi niya naramdaman na na-miss siya nito. M

