Sofia Hanggang sa makauwi siya ng kaniyang condo ay iniisip niya pa rin ang lalaking iyon. Prince Adrienne Cassidy. He really looks like a prince. A true to life prince charming. Para rin talagang Hollywood actor ang lalaking iyon. Ang ama nito ay maihahalintulad niya sa kaguwapuhan ng Hollywood actor na si Chris Evans. Dahil sa tangkad nito at sa facial features. Ang mga kababaihan sa loob ng restaurant ng mga oras na iyon ay pasimpleng kinukuhanan ng larawan ang lalaki. Naiinis nga siya sa mga babaeng nahuli niyang kumukuha ng larawan kay Adrienne. Ang ilang babae ay inirapan lang siya nang makita siya ng mga ito na naniningkit ang mga mata. Para bang sinasabi ng mga ito na wala siyang pakialam kung kuhanan man nila ng larawan si Adrienne. "Ang guwapo, girl. Lapitan mo dali kunwar

