Sofia "Sorry I'm late," wika ng bagong dating na lalaki. Pamilyar ang boses nito. Hindi niya mapigilang mapasimangot dahil isang oras na mahigit itong late. Akala nila ay on the way na ang lalaki nang tawagan ito ng ama nito. Na-adapt na ba nito ang Filipino time? Napaismid siya. Ngayon pa lang ay pinapakita na nito na hindi sila importante ng kaniyang ina. Kaya hindi na nito nirespeto ang oras dahil ayaw nitong makita ang magiging bagong pamilya nito. Baka siguro hindi sila nito kayang tanggapin. Kung anu-anong negatibong bagay ang pumasok sa kaniyang isipan habang hinihintay nila ang lalaki. Samantalang ang kaniyang ina ay walang pake kung late man itong dumating dahil ang focus nito ay ang boyfriend nito. Kanina pa nga nilalanggam ang dalawa. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa

