Sofia Kanina pa niya ka-chat ang kaniyang mga kaibigan para ibalita sa mga ito na ma-mi-meet niya na ang boyfriend ng kaniyang ina. Ang kaniyang future stepfather. Pati na rin ang anak nito. Na-te-tense siya dahil hindi niya alam kung ano ang ugali ng boyfriend ng kaniyang ina. Siyempre kahit pa sabihin ng kaniyang ina na mabuting tao ang lalaki, gusto niya pa ring personal niyang malaman iyon. Lalo na kung magiging mabait ba ito sa kaniya. At kung anu-ano pa. Inaatake na naman siya ng mga negative thoughts. Kaya humihingi siya ng payo sa mga kaibigan. Nadz: Mag-relax ka lang, gurl. Huwag masiyadong nega, friend. Loisa: Oo nga, Sofi. Huwag kang kabahan. Sigurado namang hindi ka kakainin ng mga 'yon. Nadz: Siya nga pala, ilang taon na raw ang anak nito? Ilang taon na nga ba? Hindi ma

