Sofia Dalawang araw na ang nakalilipas mula nang umalis ang kaniyang ina at ang kaniyang tito Albert ng bansa. Nasa Malaysia ang mga ito ngayon dahil may inaasikaso ang kaniyang tito Albert tungkol sa mga negosyo nito. Mamaya naman ay aalis na ang mga ito sa Malaysia at pupunta naman ang mga ito sa Beijing. May dalawang hotel kasi na nalugi ang kaniyang tito Albert doon sa Beijing. Malungkot daw ito ayon sa kaniyang ina. Pero pinapalakas ng kaniyang ina ang loob ng kaniyang tito Albert. Ganoon naman talaga sa negosyo. Hindi naman magiging successful businessman ang kaniyang tito Albert kung hindi ito nag-te-take ng risk para sa ikauunlad ng negosyo nito. Saka hindi naman palaging pasko pagdating sa negosyo. Dahil maraming nagsulputang competitors ngayon. Naniniwala siya sa kakayahan ng

