Sofia "Anak, magpapadala ako ng pera sa bank account mo. Pang-bayad mo sa tuition fee mo." "Mommy, matagal pa naman po ang susunod na semester. Saka po huwag niyo na pong problemahin 'yung pang-tuition fee ko. Ako na pong bahala." "Anong ikaw na ang bahala? Anak, si Albert na ang magpapaaral sa 'yo. Nag-resign na ako sa trabaho ko dahil sa kagustuhan ng tito Albert mo." "Alam ko po, mommy. Pero gusto ko pong sa sarili kong bulsa manggaling iyong pang-tuition ko." "Ano ka ba, anak? Ano'ng pinagsasasabi mo riyan? Nag-aaral ka sa prime school sa Manila. Huwag mong sabihing may ibang magpapaaral sa 'yo? Anak, hindi kita pinalaking ganiyan." Napabuntong-hininga siya. Kung anu-ano na lang naiisip ng kaniyang ina. Mabuti pang sabihin niya na lang ang totoo na nagtatrabaho siya sa isang kil

