Sofia Huminga siya ng malalim. Lumabas siya ng kaniyang kuwarto para dalhan ng meryenda ang kaniyang pinsan. Dinagdagan niya na rin iyon para kay Adrienne. May isang oras mahigit na rin ang dalawa sa pool. Dahil nagpapaturo si Luna kay Adrienne kung paano ba ang tamang paglangoy. Nagdala siya ng meryenda para sa dalawa. Dalawang sandwich at dalawang baso ng juice. Inilagay niya iyon sa tray. Hindi niya na inabala pa si Manang Jing dahil abala ito sa paglilinis. Si Shelly naman ay wala sa mansiyon. May sakit daw ito. May mga kaibigan naman si Shelly sa Maynila. Doon ito tumutuloy ngayon. Pinagbakasyon muna ito ni Adrienne. "Magmeryenda muna kayo," aniya. "Wow. Nag-abala ka pa, couz. Thank you," nakangiting wika ni Luna. "Thanks, Sofia. Why don't you join us? I'll teach you how to swim

