Sofia "If my words will just affect another person, I choose not to say it." Ito ang naging sagot sa kaniya ni Adrienne nang tanungin niya ito kung nagalit ba ito at pinagsalitaan ng masama ang ex girlfriend nito mula nang malaman nito na pinagtaksilan ito ng dati nitong kasintahan. Sa deep conversation niya kagabi kay Adrienne, nalaman niyang matured ito mag-isip. And he's the type of guy that women would fall hard for his one true love. Hindi niya lubos na akalain na magagawa itong pagtaksilan ng ex girlfriend nito. Nagawa pa itong lokohin ng ex nito at ipinagpalit sa isang American singer na hindi naman kaguwapuhan. Lamang na lamang si Adrienne ng maraming paligo sa lalaking iyon. Hindi niya rin gusto ang mga kanta nito kahit napapakinggan niya na ito noon sa iba't ibang radio stati

