Sofia Inayos niya na ang kaniyang gamit matapos niyang maligo. Nilagay niya sa dadalhin niyang shoulder bag ang kaniyang mga personal na gamit. Pati ang kaniyang hygiene kit. Isang araw lang naman sila sa Batangas. Pagdating ng gabi ay uuwi na rin naman sila ng Maynila. Hindi naman siya pupuwedeng um-absent ng um-absent sa school. Kahit pa mahirap mag-focus dahil sa pagkawala ng kaniyang ina. Alam niyang hindi matutuwa ang kaniyang ina na nasa langit na kung hindi niya ipagpapatuloy ang kaniyang pag-aaral. Tiyak na magagalit ito sa kaniya kapag inihinto niya ang kaniyang pag-aaral. Lagi nitong pinapaalala sa kaniya ang kahalagahan ng pag-aaral. Ang kahalagahan ng makatapos sa kolehiyo. Dahil salat sa buhay ang kaniyang ina noon kaya naman hindi ito nakapag-aral sa kolehiyo. Kaya ang mga p

