Sofia
Habang nagpa-piano siya ay kinakanta niya ang isa sa mga paborito niyang kanta ngayon. She heard of this amazing song recently. And it got stucked in her head. Na-lss siya sa kantang ito. She loves the song. Nakaka-relate siya sa kantang ito. Damang-dama niya ang bawat lyrics ng kanta.
She was singing "Reckless" by Madison Beer. The song hit her so hard. Relate na relate siya sa lyrics ng kanta. Bata pa lamang siya ay marunong na siyang tumugtog ng iba't ibang musical instruments. Tulad ng: piano, gitara, violin, flute, at ukelele. Inaaral niya rin ang pagda-drums ngayon. Biro nga sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan na puwede na siyang sumali sa banda.
She loves music. But she's not a professional singer. Hindi naman pang-Whitney Houston ang kaniyang boses. Pero maraming tao ang naniniwala na malayo ang kaniyang mararating dahil sa kaniyang talento. Kung susubukan niya ang mundo ng showbiz. Ngunit wala siyang planong pasukin ang mundo ng showbiz. She's afraid of having tons of haters. It's depressing.
Her family is full of talented people. Ang mga tito't tita niya ay magagaling kumanta. Kayang-kaya ng mga itong bumirit. At saka pinsan lang naman niya ang sikat na si Ayumi Candice Nishida Miller. Valverde ang apelyido ng ina ni Ayumi. And she's also a Valverde.
Nakikita niya na noon si Ayumi sa mga family gatherings. Nahihiya lang siyang i-approach ito. Because she's unreachable. Malayo na ang narating ng career nito. Noon pa man ay alam niyang malayo ang mararating ng kaniyang pinsan. Even when she became a household name, she remained humble. Saka hindi nito nakakalimutang tumulong sa mga taong nangangailangan. She raised well by her parents. Wala itong nakaaway sa showbiz. Kahit pa maraming naiinggit dito noon pa man. They tried to destroy her. Ngunit hindi nagtagumpay ang mga taong iyon.
She works so hard in her entire career. Hindi ito dumedepende sa ibang tao para lamang magtagumpay sa buhay. Bago pa man nito makilala si Darren Miller ay successful na ito. Kabi-kabila ang mga endorsements.
"Sofi, bakit hindi mo rin subukan ang pag-aartista tulad ng pinsan mo? She's everywhere now." wika sa kaniya ni Loisa. Habang nasa klase sila. Ang kaibigan niyang si Loisa ay fangirl ng kaniyang pinsan. Idol nito ang grupo na kinabibilangan ng kaniyang pinsan na si Ayumi. She's a certified Pinkies.
"Ayoko. Hindi ako kasing confident ni ate Ayumi. Saka hindi ako kasing talented niya. Marami pa akong kakaining bigas."
"Ang galing talaga ni Ayumi. Siya talaga ang bias ko. Siguradong malayo ang mararating niya sa industry. They're the next girl group to watch out for."
Sikat na sikat na talaga ang Pink Magic sa buong Asya. Kabi-kabila ang endorsements ng mga ito sa loob at labas ng bansa. Her cousin deserves her success now. Hindi naman naging madali para sa kaniyang pinsan ang lahat bago nito narating ang tuktok. She also had a rough life in her hometown. Napilitan itong huminto sa pag-aaral. Saka galing ito sa broken family. Hindi naging madali rito ang paninirahan sa bansa dahil ipinanganak at lumaki ito sa Japan kung saan nabuhay ito ng marangya.
But look at her cousin now. Sumikat ito dahil sa talento nito at pagsusumikap nitong maabot ang mga pangarap nito sa buhay. Noong sumikat ito bilang isa sa mga miyembro ng Pink Magic, maraming humanga sa taglay nitong ganda at talento. Pinaghirapan nito ang tagumpay nito. She loves doing her passion. Pero kaakibat ng kasikatan ang pagkakaroon ng mga haters. Ngunit hindi naman mapagpatol ang kaniyang pinsan sa mga online trolls. Mas lalo itong nagkaroon ng maraming bashers ng pumutok ang issue na nililigawan ito ng off screen partner nitong si Darren Miller na kalaunan ay napangasawa nito.
She's happily married now to the A-list celebrity of the country. The top Filipino-Australian actor. The Heartthrob Billionaire Superstar, Darren Miller. They deserve each other. Darren deserves a woman like Ayumi after being cheated by his longtime girlfriend in the past. She also hated that wicked woman. Her cousin is way better than Georgina.
Hindi man perpekto ang relasyon ng dalawa. They went through ups and downs. But still, their love to each other prevails. Namamayagpag pa rin ang career ni Darren Miller. He's currently shooting an indie film abroad. Hindi na siya magtataka kung talented din ang anak ng mga ito na endorser na rin ng iba't ibang kilalang produkto sa bansa. Ilang beses niya ng nakita sa commercial ang panganay ng mga ito. Kung papasukin din ng kaniyang pamangkin ang entertainment industry ay natitiyak niyang malayo rin ang mararating nito tulad ng mga magulang nito.
Siya naman ay nag-voice lesson at dance lesson noong bata pa siya. Kaya naman kahit papaano ay may talent siyang maipagmamalaki.
Her mother gave her everything. Hangga't maaari ay gusto nitong ma-hone niya ang kaniyang talento. She also wanted to be multi-talented. Marami rin itong pangarap para sa kaniya kaya naman nagtitiis ito sa ibang bansa. Napakasipag ng kaniyang ina at napakabait. Kaya naman gustong-gusto ito ng amo nitong isang Singaporean.
Mahigit isang dekada ng nagtatrabaho ang kaniyang ina sa pamilya Chen. Kilala ang pamilya Chen sa larangan ng negosyo na edible oil refiner. Bukod du'n ay may iba pang family business ang mga Chen. They're very wealthy. They're an old money scion. Maimpluwensiya ang pamilya Chen sa bansang Singapore.
Kung minsan pa nga ay isinasama ang kaniyang ina ng amo nitong babae sa mga business meeting at business trip. Nakilala na rin niya si Madam Chen at ang asawa nito. Dalawa lamang ang anak ng amo ng kaniyang ina. Mga successful na ang mga ito sa buhay. Parehas ding independent ang mga ito. Lalo na ang panganay na anak ni Madam Chen na ngayon ay kilalang-kilala sa fashion industry sa Singapore at maging sa ibang bansa.
Matalino ang kaniyang ina kahit high school lang ang natapos nito. Hindi ito nakatungtong ng kolehiyo dahil mahirap lamang ang buhay ng kaniyang ina noon. Kaya naman nagsumikap ito na makapangibang bansa para mabigyan siya ng magandang edukasyon. Ang maibigay sa kaniya ang kaniyang mga pangangailangan sa araw-araw.
Ang gusto ng kaniyang ina ay makapagtapos siya sa sikat na university sa Maynila. Kaya naman pinag-enroll siya nito sa Ateneo de Manila University.
Noong una ay ayaw niyang mag-aral sa Maynila dahil malalayo siya kay Gerald. 'Yon ang pinaka dahilan kung bakit nag-da-dalawang-isip siya noon na makapag-aral sa Maynila. Ayaw niya ng long distance relationship. Hindi kasi sila madalas makakapagkita ng kaniyang dating nobyo.
Ngunit iyon ang choice ng kaniyang ina para sa kaniya. Ang mag-aral sa Maynila. Sariling choice niya naman ang kinuha niyang kurso na Psychology. Iyon talaga ang gusto niyang kunin noon pa man. Mukha kasing interesting ang course na iyon. At hindi nga siya nagkamali. She love her course.
Maraming naging sakripisyo ang kaniyang ina para sa kaniya. Para mabigyan siya ng maginhawang buhay. Kaya naman sinusuklian niya ito. Hindi siya nagpapasaway sa pag-aaral. Kahit na may boyfriend siya noon ay hindi niya pinapabayaan ang kaniyang pag-aaral. Naging motivation niya pa nga ang kaniyang dating nobyo.
Lagi siyang pinapaalalahanan noon ng kaniyang ina na huwag gagawa ng mga bagay na pagsisisihan niya sa bandang huli. Nakikinig naman siya sa mga payo nito sa kaniya.
Ayaw pa nga sana ng kaniyang ina noon na magkaroon siya ng boyfriend dahil masyado pa raw siyang bata. At natatakot ang kaniyang ina na baka maaga siyang mabuntis. Hindi naman iyon nangyari dahil nakinig siya sa kaniyang ina.
Ngunit kapag nalaman ng kaniyang ina ang nangyari sa kaniya noong isang gabi, tiyak niyang hindi nito magugustuhan iyon.
Baka masampal siya nito ng wala sa oras sa sobrang pagkabigla. She's her mother's only princess. She's a very protective mother to her. Kaya ito nagsasakripisyo sa ibang bansa ay para sa kaniya. Kaya naman ayaw niyang bigyan ito ng sakit sa ulo. Ayaw niyang mag-alala ito. Gusto niyang palaging payapa ang isipan nito. Kapag nga nagkaksakit siya ay hindi na niya ipinapaalam sa kaniyang ina na maysakit siya para hindi ito mag-alala sa kaniya.
Hindi pa rin alam ng kaniyang ina na hiwalay na sila ni Gerald. Ayaw niya munang ipaalam dito. Baka sugurin nito ng wala sa oras ang lalaking iyon 'pag nagkataon.
Ipinagpatuloy niya na ang pagkanta.
Hindi niya na napigilang lumuha. Katulad ng lyrics sa kanta, nakatabi pa rin sa kaniyang drawer ang mga love letter na mula sa kaniyang dating nobyo. Nakaipit ito sa kaniyang lumang diary notebook. Binigay nito iyon sa kaniya noong mga high school pa lang sila. Mahilig siya nitong bigyan ng love letter noon. Itinago niya naman iyon hanggang ngayon.
You'll forever be my one and only princess. I love you so much, Sofia. You're my everything.
Ngunit kailangan niya ng punitin iyon at itapon sa basurahan. Dahil tuluyan na silang naghiwalay ni Gerald. Marahas niyang pinahid ang luhang bumagsak sa kaniyang mukha. Malalampasan niya rin ang lahat. Alam niyang unti-unti rin siyang makaka-move on sa mga nangyari. Although, she lost a lover and a friend, she still have a loving family and genuine friends. May mga totoong tao pa rin na nagmamahal sa kaniya.
Bigla niya tuloy naalala ang kaniyang pinsan na nagpakamatay noong may pinagdadaanan ito sa relasyon nito noon sa girlfriend nito. Her cousin became depressed over his breakup with his then girlfriend. Kaya naman nagpakamatay ito. Hindi niya pa rin matanggap ang nangyari sa kaniyang pinsan. Kung sana ay nasa tabi siya nito noong mga panahong nahihirapan ito.
Hindi man lang ito nag-reach out sa kaniya noong mga panahong na-depressed ito. Sana ay kahit papaano natulungan niya ang kaniyang pinsan. Handa naman siyang pakinggan ito. Sana ay nailabas nito sa kaniya ang mga nararamdaman nitong sama ng loob para kahit papaano ay gumaan ang nararamdaman nito. Nagkaroon sana ito ng different views sa sitwasyon. Na hindi kailanman solusyon ang kitilin ang sariling buhay.
She loves her cousin. Magkababata sila nito. Halos sisihin niya noon ang ex girlfriend nito dahil sa sinapit ng kaniyang pinsan. Nabalitaan niya kasing may affair ang babae sa best friend ng kaniyang pinsan kaya ganoon na lang ang lungkot na naramdaman ng kaniyang pinsan.
He ended his life because he can't take it anymore. And their whole family was devastated. They're still grieving. Kahit siya ay hindi pa rin matanggap ang nangyari sa kaniyang pinsan.
"Sofi, I finally found my soulmate," nakangiting wika ng kaniyang pinsan na si Luke.
"Talaga, Lucas? Seryoso?" nakangiting tugon niya habang nagduduyan sila sa ilalim ng puno ng mangga.
Lucas ang tawag niya sa pinsan dahil mas kilala ito sa kanilang lugar sa pangalang iyon. Tumango ito sa kaniya. Malawak pa rin ang pagkakangiti nito.
Ipinakita nito ang larawan ng nobya nito sa kaniya. Ang sweet ng mga ito sa mga larawan na naka-post sa personal i********: ng kaniyang pinsan.
Matangkad ang babae. Halos magkasingtangkad na ito at ang kaniyang pinsan na malaking bulas. Kaunti na lang ay 6 footer na ang kaniyang pinsan. Matatangkad kasi ang lahi nila. Pero hindi niya namana ang tangkad ng mga ito dahil 5 ft 5 lang siya. Pero at least mas matangkad siya sa average height ng mga Pinay. At sa iba niyang classmates.
"Ang ganda, 'noh? Ako na ang pinakamasuwerteng lalaki sa buong mundo. I have the prettiest girlfriend on earth."
Masaya siya para sa pinsan. Nakikita niya namang masaya ito sa first girlfriend nito. Ang nobya nito ay mahilig sumali sa mga beauty pageant. May future nga ang babae na maging isang beauty queen balang-araw. She has a beautiful smile. Kayumanggi ang kulay ng balat nito. She's so pretty in person. Naipakilala na ng pinsan ang girlfriend nito sa kaniya. She also has a great personality. Her cousin fell head over heels in love with her.
They were a beautiful couple back then. Gwapo ang kaniyang pinsan at maraming babaeng nagka-crush dito sa kanilang lugar at eskuwelahan. Ganoon din ang nobya nito.
They're literally couple goals. Palaging isinasama ng kaniyang pinsan ang girlfriend nito tuwing may okasyon ang kanilang pamilya. Close rin ang babae sa kaniyang lolo't lola. Magaling makisama ang babae sa mga tao. Naging close rin siya noon sa girlfriend ng kaniyang pinsan. Pinapayuhan niya rin ito kapag may problema ito sa kaniyang pinsan na sobrang possessive at seloso. Mas bata ito ng tatlong taon sa kaniyang pinsan. Ngunit mas mukha pa itong dalagang-dalaga sa kaniya. Malaking bulas kasi ang babae. At maganda ang hubog ng katawan nito. Neneng-nene nga siyang tingnan noon kapag katabi ito. Magkaedad lang naman sila ng kaniyang pinsang si Lucas.
Ngunit nagbago ang tingin niya sa babae nang lokohin nito ang kaniyang pinsan. At ito rin ang dahilan ng pagpapakamatay nito. Kaya naman kahit lumuha pa ito ng dugo sa harapan niya ay hindi niya ito kayang patawarin. Muntik niya pa nga itong masampal sa harapan ng pamilya ng kaniyang pinsan. Hindi niya matanggap na matapos ang lahat-lahat ng sakripisyo ng kaniyang pinsan, nagawa itong lokohin ng babae. She doesn't deserve him.
Because she loss a cousin, best friend, and a family to her. Huli na para magsisi ang babae sa ginawa nito sa kaniyang pinsan. Galit ang kaniyang pamilya sa babae. Ngunit nagpakita pa rin ito sa burol ng kaniyang pinsan. Ramdam niya ang pagsisisi ng babae. Sinayang nito ang kaniyang pinsan.
Walang tigil itong umiyak at humingi ng tawad sa kaniyang tito't tita. Kung sana ay maibabalik ng mga luha nito ang kaniyang pinsan. Mapapatawad niya ito ng ganu'n kadali.
Sana ay inisip muna nito ang consequences ng ginawa nitong panloloko sa kaniyang pinsan. Hindi naman nagkulang ang kaniyang pinsan sa relasyon ng mga ito.
Her cousin was very in love with his ex girlfriend. He's a great boyfriend to her. Masuwerte pa nga ang babaeng iyon dahil sobrang loyal ng kaniyang pinsan at sobrang mapagmahal nito. Lubha itong naapektuhan sa paghihiwalay nila ng dati nitong nobya. Kung sana ay may nagawa siya para matulungan ang pinsan.
Nagyon ay pinagdaraanan niya rin ang pinagdaanan ng kaniyang pinsan. Hinihiling niya sa kaniyang panalangin na gabayan siya nito. Siguradong hindi rin natutuwa ang kaniyang pinsan sa pinapakita niyang kahinaan.
He's like a big brother to her. Kapag may problema sila noon ni Gerald ay ito ang kaniyang takbuhan. Nasasabi niya ang saloobin niya rito.
Sobrang close nila ng kaniyang pinsan. Ngunit wala siyang kamalay-malay na may mabigat na pinagdadaanan na pala ito. Wala man lang itong binabanggit sa kaniya na kung anuman. Kapag tinatanong niya ito kung okay lang ba ito, ang palagi lang nitong sinasabi sa kaniya ay okay lang ito at wala raw siyang dapat ipag-alala. Kaya naman nakampante siya.
Hanggang sa mabalitaan niya na lamang na wala na ito. Nasa Maynila siya noong mga panahong iyon. Marami ang nangungulila sa pagkawala ng kaniyang pinsan. Ngunit nananatiling buhay pa rin ang ala-ala nito sa kaniyang puso't isipan.
Heartbreak is hard and painful. But she's in the process of moving on right now. She won't let her emotions gets the best of her this time. So she decided to have some time alone with herself. Nagpunta siya sa mall para mamili ng mga bagong damit. Siguradong magugulat ang kaniyang best friend na si Loisa kapag nakita nito ang kaniyang transformation.
Itinabi niya na ang kaniyang mga lumang damit na old-fashion style. Hindi niya na ito isusuot kaya naisipan niya na lamang na ipamigay ito. Kesa naman itapon niya iyon.
She wants to spend her remaining vacation days away from the city. She planned a trip to Boracay for a week. Susulitin niya habang bakasyon pa niya sa eskuwelahan.
It's a very much needed vacation. Gusto niyang magkaroon ng oras para sa kaniyang sarili. Naisip niyang isama ang kaniyang kaibigan na si Loisa para may makausap naman siya roon. Ililibre niya na lang ito para sumama ito. Alam niyang hindi ito makakatanggi sa kaniya. Mahilig kasi sa libre ang kaniyang kaibigan. Saka okay lang din naman sa kaniya ang ilibre ito. Dahil noong high school pa sila ay nalilibre rin naman siya ng kaniyang kaibigan.
Malaki naman ang binibigay sa kaniya ng kaniyang ina na allowance buwan-buwan. Sobra-sobra ito kaya naman malaki ang kaniyang naiipon. Gusto rin ng kaniyang ina na mag-enjoy siya at huwag niya raw problemahin ang pera na pinaghihirapan niya sa ibang bansa. Dahil malakas pa naman daw ito at kayang-kaya pang magtrabaho. Madalas din siyang padalhan lately ng kaniyang ina ng mga designer bags. Ang sabi nito ay bigay daw ng amo nito iyon. Ngunit mukhang mga bago pa ang mga iyon at parang hindi pa nagagamit.
Nagpapasalamat siya kay Lord dahil sa mabuting pamilya napunta ang kaniyang ina. Sobrang thankful siya dahil mabait ang trato sa kaniyang ina ng pamilya Chen. Noong una ay worried siya na baka maltratuhin ang kaniyang ina ng banyaga. Dahil madalas ganoon ang nakikita niya sa telebisyon. Kadalasang laman ng mga balita ang sinasapit ng mga DH sa kamay ng mga amo nila. Mabuti na lang marami pa ring tao ang may puso at hindi nagmamaltrato ng kasambahay.