bc

LAST SUMMER: String and Stroke

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
arrogant
badboy
heir/heiress
bxg
disappearance
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

I want you! Your body!”

“Then touch me!”

The moment Blaize kissed him, Noahwan lost all sanity, surrendering completely to the heat of the moment.

In the dark, Noahwan dared to hope their passion meant something deeper. But as their breathing slowed, Blaize pulled away, lit a cigarette, and shattered the illusion.

“Don’t mistake this for something it isn’t,” Blaize said, his eyes cold. “You know I have a fiancée. I don't do commitment—we’re just f**k BUDDY!

The words cut through Noahwan like a blade.

She had given her heart, only to realize she was nothing more than a dirty little secret, wanted in the dark, but erased in the light.

chap-preview
Free preview
The Painter's Crucible
Chapter 1 Third Person POV “Miss Valentin, maghanda ka at ikaw ang ipapadala sa Braxen International University,” sabi ni Professor Melchora kay Noahwan nang lapitan siya nito habang abala siya sa pagtatapos ng kanyang sculpture sa loob ng kanilang art classroom. Gulat na napaangat ng tingin si Noahwan sa kanilang professor na nasa kanyang harapan. Binitawan niya ang hawak na tools sa mesa. Napakunot lalo ang kanyang noo kay Elise na nasa kaliwa niya, na bahagyang napapatingin sa kanilang dalawa. Habang kunwaring abala ito sa ginagawa nito, alam niyang nakikinig lang ito sa kanilang usapan ni Prof. Melchora. Muli niyang tiningnan ang guro sa nagtatanong niyang mga mata. “Don’t look at me like that. Hindi ako ang nag-decide niyan. Si Professor Andy. You can ask him yourself,” depensa nito. “He recommended you to me. Naghahanap ng substitute teacher ang sikat na unibersidad na iyon, kaya ikaw na muna ang ipapadala doon since pangarap mong makapasa sa next entry ng mga arts mo.” “Pero, Ma’am, how about my entry sa darating na festival dito sa school?” nag-aalalang tanong ni Noahwan. “Noahwan, the festival can wait. Mas importante ang Braxen University. Alam mo naman na isa sila sa pinakamalaking unibersidad sa buong Pilipinas, at dito sila naghanap sa school natin ng substitute teacher para sa summer classes. Privilege mo rin ’yun kung gusto mong pumasa ang mga ginagawa mong paintings. Saka mas marami kang makikilala doon na puwedeng makatulong sa iyo,” mahabang paliwanag sa kanya ng propesora. Hindi na nakaimik si Noahwan sa sinabi ni Prof. Melchora kaya napasandal siya sa kanyang swivel chair at napahilot sa kanyang sentido. Napalingon siya nang kalabitin siya ni Elise nang umalis na ang kausap ni Noahwan. “Huwag ngayon, Elise,” babala niya sa kaibigan dahil pakiramdam niya ay biglang sumakit ang kanyang ulo sa biglaang desisyon ng kanilang head. “Eto naman, parang nagtatanong lang, eh,” pacute na sabi nito. “Ano ba kasi naisip ni Professor Andy? Bakit ako ang kailangang ipadala sa Braxen? Baka hindi kayanin ng powers ko ’yun, Elise! Alam mo naman, sikat ang school na ’yun at maraming mayayaman ang nag-aaral doon. Mamaya, ma-critic lang ako lalo doon. Saka ayaw ko na at pagod na akong magpasa ng mga entries ko. Wala naman nagkakagusto sa mga gawa ko. Ilang beses na akong na-reject.” “Hoy! Ikaw, babae ka, talaga namang masyadong mahina ang loob mo. Pinagsasabi mo naman diyan,” sagot sa kanya ni Elise na may kasama pang tampal sa braso niya. “Naguguluhan kasi ako,” mahina niyang sagot sa kaibigan. “Hey, don’t worry! Ano bang kinakabahan mo doon? Baka maulit ang nangyari sa ’yo a year ago na pinagtawanan ang gawa mo kasi too common daw. Gano’n ba ’yun?” “Ano pa nga ba?” inis niyang irap kay Elise. “Sus! Then let them prove na mali sila. Saka hindi naman sa Braxen University ’yun nangyari, sa ibang school ’yun, kaya ibahin mo ’yung unibersidad ngayon. It’s your time to shine, ano ka ba! Ako, kung sa akin in-offer iyan, malamang hindi ko tatanggihan ’yan, Noahwan.” “Hays. Ano pa nga ba magagawa ko? Wala naman akong karapatang tumanggi, hindi ba?” inis niyang turan. Natatawang iniwan na lang siya ni Elise sa kanyang upuan. Hindi na umimik si Noahwan hanggang sa mag-uwian na sila. She was a painter and a sculptor. Gustong-gusto niya ang kanyang talento, bagamat minsan ay nararamdaman niyang hindi naman talaga siya ganoon kagaling dito. Pero sa sining niya nadarama na nabubuhay siya at nagkakaroon ng saysay ang kanyang lonely life. Bakit nga ba siya nasa era ng kanyang lonely life? Well, ang kanyang mga magulang ay parehong nasa Japan. Kaya noong elementary days niya ay doon siya nag-aral. However, when her parents separated dahil sa money issues, napilitan siyang umuwi, nag-high school dito sa Pilipinas, at nanirahan sa kanyang Auntie Delia sa Capaz, Tarlac. Bagamat nasa Japan pa rin ang kanyang mommy at daddy, ang kapatid niyang lalaki na si Nicko ay naiwan sa kanyang mommy at nag-aaral pa rin doon. They talk, pero mostly tungkol lang sa mga bagong nangyayari sa buhay-buhay nila ngayon na hindi naman madalas, pero hindi rin naman madalang. Ayaw na rin kasi niyang pag-usapan pa at piliting magkaayos ang mga magulang; sawa na siyang makiusap sa mga ito para magkabalikan lang at mabuo sila. Now, she was living alone at naninirahan sa Quezon City. May sarili siyang unit na hindi man kalakihan, pero condo pa rin ’yun na nabili niya mula sa kanyang mga naipon na pera sa trabaho at padala ng kanyang daddy at mommy noong nag-aaral pa lang siya. Kaya ngayon, gusto niyang makapag-ipon galing sa sarili niyang pera. Nahihiya na kasi siya sa kanyang Auntie Delia na palagi na lamang niyang takbuhan kapag na-short siya. Mabait ito at wala siyang masabi, kaya nga nahirapan siyang magpaalam nang sabihin niyang bubukod na siya at gusto niyang kumita sa sarili naman niyang pagod. Wala naman siyang narinig na masama mula rito, pero alam niyang deep inside ay nalulungkot ito. Wala kasi itong ibang kasama kundi ang asawa lang nito at ang apo na babae. Taga-Tarlac ang mga ito at ang mga anak naman ay halos nasa ibang bansa, kaya kasama lang nito sa bahay ay ang apo nitong 19-anyos na si Mikay. She is 25 now, at heto nga, fresh grad ng kursong BFA, at agad na naghanap ng puwedeng mapasukan. Nakuha siya dito sa isang school bilang freelance teacher; hindi man ganoon kalaki ang sweldo, pero sapat naman para mabuhay siya. Mabuti na nga lang, pagkagraduate niya, may nahanap agad siya na trabaho. Pagod na dumapa siya sa kanyang kama nang makauwi. Pagod siya maghapon at marami siyang inasikaso na mga baguhang estudyante na gusto ng summer classes, mga taong tulad niya ay gustong matuto at madiskubre ang kahalagahan ng arts. Now, her mind has this mix of emotions na hindi niya alam kung kakayanin ba niyang ma-assign sa isang malaking unibersidad. It was another challenge in her life na kailangan niyang harapin. Tama naman si Prof. Melchora, mas malaking school, mas maraming opportunity. Malay ba niyang makuha na niya ang inasam-asam niyang pangarap na hindi na ma-reject ang mga gawa niya? She’s not aiming for big names gaya ng ibang artist. Basta ang gusto niya ay makita naman someday ang mga creations niya sa wall ng mga display at hangaan ng ibang tao. Ito kasi ’yung feeling na masasabi niyang tagumpay ang gawa niya. Tumayo siya at kinuha ang kanyang mga art materials, even her sketchbook. Pinag-aralan niya ang mga laman nito at umupo siya sa kanyang upuan, kaharap ng kanyang vanity mirror. Now, she wanted to start a new creation. Wala pa siyang naisip na inspirasyon, pero sinasabi niya sa sarili niya na hindi siya susuko hangga’t hindi niya makuha ang gusto niya. Bigla tuloy siyang nalungkot nang maalala ang mga previous paintings niya. Ginagalingan pa naman niya, pero every time na nag-submit siya, lagi na lang itong may critic na there’s a lot of hesitation in her work o kaya it was too common, kaya palaging nauuwi sa rejection. Natatakot siyang ma-reject because it hurts her a lot, pero siya si Noahwan Valentin. Wala naman siyang sinusukuan at kaya niyang ma-reject nang paulit-ulit maabot lang ang pangarap niya. Pasalampak siyang umupo sa ibabaw ng kanyang kama at kinuha ang ilan sa kanyang mga kagamitan. Bukas ay weekend at balak niyang maglaba at maglinis ng buong kwarto. Sa Lunes na kasi ang pasok niya sa BIU, o mas tamang sabihing Braxen International University. Wala siyang gaanong ideya tungkol sa paaralan, kaya bukas ng gabi ay balak niyang pag-aralan ang background nito. Alam niyang malaking unibersidad ito at pang-international. Palagi niyang naririnig ang pangalan ng paaralan, pero kailanman ay hindi pumasok sa isip niyang papasok siya rito o mag-a-apply man lang. Gayunpaman, palagi namang hiring ang eskwelahan dahil sa dami ng mga estudyante at sa kulang na bilang ng mga guro. Bukas na lamang niya aaralin ang background nito, kaya sa ngayon ay mag-aayos muna siya. Inabot niya ang kanyang kahon sa ilalim ng kama at binuksan ito upang isa-isahin ang laman. Napakunot ang kanyang noo at natigilan nang makita ang isang larawan. Isa itong larawan last summer na kuha sa pool ng dati nilang isa sa mga kaklase nang magkayayaan silang mag-celebrate ng birthday nito at mag-pool party. Napangiti siya habang naaalala ang mga dati niyang mga kaklase. Kumusta na kaya ang mga ito? Lalo pang napatitig ang kanyang mga mata nang mapansin ang isang matangkad na lalaki sa kanyang likuran. Nakasuot ito ng itim na jacket at bonnet, habang seryoso ang mukha at hindi man lang ngumiti sa camera. Inalala niya kung saan niya ito nakita at kung paano ito nakasama sa litrato, dahil sigurado siyang hindi nila ito kaklase. Pinagmasdan pa niya ito nang ilang minuto bago muling ibinalik ang larawan sa loob ng kahon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.1M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
833.5K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
385.8K
bc

Not just, the Beta

read
362.3K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook