1 week. 1 week ago, pero ang laki ng naging epekto sa akin matapos bumisita ni Jaemie sa hospital. I don't know pero weird din ang mga taong nasa paligid ko lalo na ang pinsan ko. Lately na rin ako nakakaramdam ng kakaiba sa mga kinikilos nila towards me. Pero still, hindi ko pa rin matukoy kung ano ba talaga. Ramdam kong may tinatago sila sa akin. Ramdam kong may kakaiba talaga na ‘di dapat baliwalain. Kaya heto, para akong baliw kakaisip kung ano talaga kasi may mali! Lalo na sa pinagsasabi niya. Lalo na sa mga sinasabi ni Jaemie sa akin last time. She is creeping me out! Big time! "Are you really okay? Tatawag na ba ako sa mental institution dahil lately ka ng ganiyan, Breanna?" Inarapan ko si Mads sa narinig ko sa kaniya. Lagi na lang siyang may side comments sa ginagawa ko

