Napasandal ako agad sa pinto ng maisara ko iyon. Napahagulgol na lang ako dahil sa nangyari kani-kanina lang. Ang sakit lang na harap-harapang nasasampal sa mukha mo ang mga katotohanang nababaliwala mo. Na nawawala sa isip mo. Katotohanang pilit kong winawaglit sa aking isipan. Nadala ako, nadala ako na akala ko totoo na ang lahat. Nakalimutan ko na for a show lang ang meron sa amin minsan kaya nasasaktan ako ng ganito. Bakit ganito kasakit? So what kung wala akong alam? So what kung pili lang ang alam ko sa kaniya? So, what? I am just her fake girlfriend. Fake fiancée too. So bakit ganito na lang akong umasta? Bakit daig ko pa ang pagiging totoong girlfriend na niloko ng taong mahal niya? Bakit ganito na lang ako? Ang sakit! "Brea. Open this door." Mahinang katok ni Maddie sa pin

