"AAAAAAHHHHHHHHH!" Rinig kong sigaw ng isang kaibigan namin habang nagtatago ako sa ilalim ng d**o sa gilid ng kwartong na-assign sa akin. Buti na lang ay nakatakas pa ako bago sila bumalik sa kwartong kinalalagyan ko kanina. "Anong nangyari, Ellaine? Bakit ka sumisigaw na lang bigla riyan?" Sigaw naman ng pinsan kong halatang natataranta sa biglaang pagsigaw ng best friend niya. Narinig ko rin ang iilang kalabog at yabag ng mga taong pumasok na rin sa kwartong kilalagyan ko kanina. "Brea is gone!" Sigaw nito ulit sabay sigaw na naman niya. "Oh my gosh! Baka mapano na ‘yong katawan niya." "Naging zombie na ba siya?!" "Oh my gosh! No! I don't want zombie invasion!" Hysterical na saad naman ni Rad. Halatang siyang-siya. Napapailing na lang ako sa aking mga nar

