Bago pa tuluyang kainin ng dalim ay nakita ko pa si Dianne na kinakaladkad ng babaeng kailanman ay ‘di ko aakalaing magiging dahilan kung bakit nangyari ‘to sa buhay ko. Ang babaeng dahilan ba’t nasira ang pamilyang binubuo namin. Ang dahilan ba’t nagkahiwalay ang pamilya namin ni Dianne. Ang dahilan bakit humantong ang lahat ng ito sa amin. Ang babaeng hindi ko mapapatawad kailanman. Hinding-hindi! Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa galit na aking nararamdaman. "P-Patayin kita s-sa mu-muling pag-k-kikita n-natin. Papatayin kita. Sinisigurado kong mamatay ka sa kamay ko dahil sa mga ginawa mo sa amin. Pinapangako ko." Pangakong binitawan ko. Naramdaman ko na lang na may yumuyogyog sa akin. May naririnig akong boses ng mga taong pamilyar sa akin. "Brea! ‘Wag ka namang ganiyan

