Ilang araw na ang nakalipas matapos kong malaman ang kondisyon ni Dianne at ng makabalik na rin ako sa bahay. Kinukulit din ako nina Dana na bisitahin man lang sila roon lalo na ang bata. ‘Di na kasi natuloy ang pag-alis niya sa bansa dahil nga sa biglaang nangyari noong nakaraang araw. I'm still shocked! Sino ba namang hindi? Hindi sa hindi ko siya tanggap pero may kulang. Parang mayroon pa akong hindi nalalaman na mas mabigat pa sa nalaman ko. Parang may nag-uudyok sa akin na kulang pa lahat. Hindi pa sapat ang sinabi nila kung bakit humantong sa ganoon si Dianne. Ramdam ko na parang involve talaga ako kaya ganoon na lang sila sa akin. Nag-iingat sila sa mga sinasabi nila sa akin kasi baka may gawin ako or what kaya ayaw nilang sabihin sa akin agad. Wala rin akong kinakausap ultimo m

