"Di namin alam paano sasabihin ‘to sa inyo kasi masyadong magulo ang mundong ginagalawan nila dati, hanggang ngayon din naman. Hindi rin namin alam kung paano sabihin na hindi kayo gagawa ng ikakagulo lalo ng mga nangyayari ngayon." Pagsisimula ni Dana. "Pero ‘di niyo pa sinasagot tanong namin. Totoo ba?" tanong ulit ng ginang kina Dana at Arci. Sasagot pa sana si Dana ng biglang lumabas ang doctor sa operating room. Nabaling ang atensyon nila sa doctor instead kina Dana at Arci. "Doc., kamusta na ho ang anak namin?" "I'm sorry to say, pero may nakita kaming problema sa utak niya. I'm afraid na siyang dahilan para ma coma ang pasyente ng ilang buwan. Pero nakadepende lang din naman iyon sa pasyente. Ang magagawa niyo lang ay magdasal para sa kaniya." Malungkot na sagot nito

