I’m just driving to the airport habang nagbabangayan sina Maddie at Marga kung bakit biglaan ang pag-alis ng isa. ‘Di ko nga alam kung kami ba talaga ni Mads ang mag-best friend talaga o sila. Dinaig pa ako ni Marga sa reaction niya eh. Pang-oscar award na. ‘Di kasi siya maka-move-on sa biglaang bonding namin. Kaninang paggising lang namin doon lang namin sinabi sa kaniya kung kailan talaga aalis si Maddie at ‘yan ang resulta. "Ano ba, Marga? Paulit-ulit na lang?" Inis na tanong ni Maddie sa katabi. Driver po nila ako at sila iyong nasa likod dahil ‘di ako makaangal dahil mainit ang ulo ni Marga. Hinayaan ko na rin kaysa ma-late pa kami dahil sa pag-iinarte ng isa. Ewan ko ba sa kanilang dalawa. "Aba ikaw pa ‘tong naiinis! Ikaw kaya ang may kasalanan bakit ako ganito! Akala ko

