Bago pa sumikat ang araw ay bihis na bihis na ako dahil pupunta kaming Batangas. Ilang araw muna ako doon at doon din kasi magaganap iyong proposal ni Alyana para kay Den, which is name ng girlfriend niya. Kaya kailangan kong paghandaan talaga ng mabuti lahat. Hindi lang dahil sa perang makukuha ko kundi para sa happiness ni Alyana na client ko na tinuring na rin ako bilang isa sa kaibigan niya. She is super cool. Noong umpisa akala mo strict siya pero maloka palang tao. Bully rin nga paminsan-minsan pero limitado naman, hindi dumarating sa point na nakakasakit siya ng damdamin ng iba. Mabait naman kasi talaga siyang tao, halata naman din kasi sa kaniya. "Honey? Ang aga mo ata?" Biglang tanong ni mommy na kakalabas lang ng kwarto nila ni daddy. Mukha naubusla sila ng tubig dahil ma

