HINDI na naman maampat ang mga luha ko habang tinatanaw ang papalayong speed boat na dala ng mga Castillion. Hinayaan kong dalhin nila si Second dahil sa ganitong sitwasyon mas safe nga naman siya sa poder ng mga ito. Nakadungaw lang ako sa asul na dagat habang hinahayaang mapalayo sa lalaking pumukaw sa damdamin na matagal ko ng pinatay dahil sa mga pinagdaanan ko. Napapailing ako habang patuloy sa paghikbi. Nagiging iyakin ako nitong mga nagdaang araw dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Kung sakaling mang buhay si Lorette ay kailangan kong mamili sa kanila ni Second. At ngayon ay pipiliin ko si Second sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng sarili ako. Yakap yakap ko ang sarili ko habang nakaupo sa puting buhangin dito sa tabing dagat. Ayokong malayo kay Second sa totoo lang dahil kapag ma

