NAGISING ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Kumunot ang noo ko ng maramdamang wala si Second sa tabi ko. Agad na nilukob ng kaba ang sistema ko dahil baka napa'no na siya. Mabilis akong bumangon para hanapin siya, ni hindi ko nagawang ayusin ang sarili ko dahil sa kaba. Alam kong safe dito pero maraming mga posibilidad na mapahamak siya. Hinanap ko siya sa buong kabahayan at kapag hindi siya nakikita sa bawat sulok nito ay mas lalong nadadagdagan ang kaba ko. Lumabas ako ng bahay at sinubukang libutin hanggang sa likod pero wala pa rin siya. Hinihingal na ako dahil sa lakad takbong ginawa ko. Huli kong binaybay na daan ay patungo sa dalampasigan. Thank god! Nausal ko ng sa wakas ay makita ko siya sa tabing dagat. Naglalaro siya sa buhangin. Napangiti ako habang pinag

