SABAY na naibaba ang strecher na kinahihigaan nina Anton at Second. Sabay na nilalabanan ang kamatayan. Sabay na nasa bingit ng pagkawala sa mundo. Nag-iiyakan. Puno ng takot at paghihinagpis. Hikbi. Singhot. Lungkot. Pangungulila. Pagkalito. Awa. Hindi na alam ng magkakapatid na Castillion ang dapat na maramdaman kasama si Gale habang nakikisabay sila sa pagtakbo ng mga nurse at doctor papunta sa emergency room. Humihikbi si Gale habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Anton. Naaawa siya sa tinamo nito, kanina hindi niya alam kung saang parte ng katawan nito ang hahawakan niya dahil puro iyon sugat at paso. Nakakaawa ang mga ito. Nagtagis ang mga bagang niya ng maalala ang nangyari kanina ng sumugod sila sa bahay ni Galero. Galit na galit noon si Second at lahat ng humugarang ay walang

