Tahimik sa loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang kalsada. Ang malamig na hangin mula sa aircon ay tila bumabalot sa buong espasyo, pero sa kabila ng katahimikan, may kung anong init sa puso ni Reina. Ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganitong gaan—yung may direksyon siyang tinatahak. May silbi ang bawat segundo. May patutunguhan. Nilingon niya ang labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga nadadaanan nilang taniman, gusali, at mga taong abala sa kani-kanilang buhay. Bumuntong-hininga siya. Sa wakas… makakauwi na rin siya. Sa isip niya, maraming nakasabit pa ring alaala. Ang tiyahin niyang walang ibang ginawa kundi apihin siya. Si Lisa na hanggang ngayon ay hindi niya maintindihan kung bakit may galit sa kanya. Pero sa mga sandaling ito, pinilit niyang kalimutan muna ang lahat. Masy

