Habang kumakain sila ng agahan, tahimik lang si Reina habang sinusubo ang kanin. Alam niyang may sasabihin na namang hindi maganda ang tiyahin niyang si Sonya. Hindi siya nagkamali. "Reina, gusto ko lang ipaalala sa’yo na huwag mong agawin ang nobyo ni Lisa." Napatingin si Reina kay Tita Sonya, sabay lingon kay Lisa na kunwari’y abala sa pagkain pero halatang nag-aabang sa reaksyon niya. Napahinto si Reina, pinigilan ang sarili na mapairap. "Tita, bakit ko naman gagawin 'yon? Wala akong pakialam kay Clyde." "Talaga lang, ha?" sabat ni Lisa, itinaas ang kilay. "Eh bakit kagabi, hinatid ka niya rito? Hindi pa siya umalis agad, ha!" Napabuntong-hininga si Reina. "Lisa, hindi ko alam kung anong trip mo, pero kung gusto mong ipamigay ang nobyo mo, hindi ako ang tatanggap." "Ang ibig mong

