Matapos makagat ng bampira si Miguel ay pareho silang natumba at sa May lumabas na markang pula sa kamay ni Miguel samantalang ang bampira ay nanghihina.
Bampira: Ikaw ang Perdigo kaya May lason ang iyong dugo.
(Biglang dumating si Mon)
Mon: Miguel ayos ka lang ba ? Teka sino yang kasama mo?
Bampira: Isang tao ! sa wakas mababawi ko na ang lakas ko.
sinugod si Mon at umaktong itong kakagatin ang leeg nito ngunit tumayo si Miguel at pinigilan ang bampira Nakakagulat ang lakas at bilis na kanyang pinakita at makikita rin na ang kanyang mata ay naging kulay pula samantalang si Mon ay naihi sa kanyang pantalon.
Miguel: Wag mong lalapitan ang kaibigan ko.(pinakita nito ang kanyang mga pangil)
Dahil nanghihina ay nagdesisyon ang bampira natumakbo na lamang palayo at nang makalayo ito ay nawalan muli ng malay si Miguel.
Paggising nito ay nasa ospital na siya at binabantayan ni Mon.
Mon: bro wala yung kapatid mo nagpunta lang siya sa police station inaasikaso lang nya yung paghahanap sa pagkawala ng lolo mo. Miguel nasa ospital if nauuhaw ka sa dugo please wag ako ang kainin mo
Miguel: Kainin?
Mon: hindi mo ba natatandaan naging bampira ka kagabi.
Miguel: (inalala ang mga pangyayari) Oo naalala ko na pero hindi ko na maramdaman yung nararamdaman ko kahapon parang hindi na ko kasing lakas ng kagabi.
Mon: Nako baka kailangan mo lang ilabas sabihin mo nga Rrrrrr.
Miguel: Rrrrrr wala naman nangyayari!
Mon:Rorrrrr!
Miguel: Tama na nga.
Mon:oh sige magpapalit lang ako ng pantalon dyan ka muna.
Miguel: Bakit?
Mon:Di mo ba naamoy naihian ako ng aso
Miguel: Aso?
Mon: basta magpapalit na lang ako!
Nang umalis si Mon ay sinugatan ni Miguel ang sarili nya. dumating si Hannah at binulong kay Miguel ang totoong nangyari sa lolo nya at nang marinig ito ni Miguel ay dali dali siyang bumalik sa bahay at kinuha ang isang kwintas na sinabi sa kanya ng kanyang lolo na dapat niyang suotin sa panahon na pangangailangan. Muling bumulong sa kanya si Hannah at sinabing May sumusunod sa kanya kaya pumunta siya sa kusina at kumuha nang kutsilyo nasugatan niya ang sumusunod sa kanya ngunit di niya alam na ang sumusunod sa kanya ay Si Mon at ang kasintahan nitong si Syle.
Miguel: Mon pasensya na di ko alam na ikaw pala yan.
(Natumba si Mon at tumagas ang dugo nito)
Syle: Mon andito ko wag kang magalala (hinawakan ang sugat ni Mon at ilang segundo lang ay gumaling na ito)
Miguel: Pano mo nagawa yun?
Syle: bata palang ako nang madiskubre ko tong kakayahan ko sinabihan lang ako ni papa na wag tong ipakita sa iba.
Mon: Salamat Syle, at ikaw naman Miguel papatayin mo ba ako?
Miguel: Sorry akala ko kasi kung sino na!
Mon: bat kaba umalis sa ospital ?
Miguel: Dahil ko na kung sino kung kumuha sa lolo ko.
Mon: Sino?
Miguel: Hindi sino kundi mga Aswang....
Ipagpapatuloy.........
Hope you like it guys....