"Isa,dalawa,tatlo,apat,lima,anim,pito,walo, siyam,sampu Hannah humanda ka na paparating na ako," pagbibilang ni Miguel.
Biglang dumating ang kapatid ni Miguel na si Kenneth.
Kenneth: tara Miguel uwi na tayo!
Miguel:sige po magpapaalam lang po ko kay Hannah.
Kenneth: Sino si Hannah?
Miguel: bago ko pong kalaro. Ayun po siya na sa likod mo.
Kenneth: (lumingon) Miguel walang tao sa likod ko naghihimahinasyon kana naman uwi na nga tayo.
P.O.V :Miguel
"Imahinasyon" ang tawag nila sa mga nakikita ko pero si Lolo Kanto naniniwala
Sa lahat ng mga sinasabi ko. Isang araw hiniling ko na mawala na ang kakayahan ko na makakita ng mga kakaibang nilalang at si Lolo Kanto ang tumulong sa akin May ginawa siyang ritwal sa akin at mula noon di na ko nakakakita ng mga nakakatakot na nilalang maliban na lang pagnasusugatan ako."
(10 taon ang nakalipas )
Habang gumagawa ako ng isang proyekto sa school aksidenteng nasugatan ang kamay ko at nagsimula na kong makaramdam ng kakaiba pero di ko ito pinansin hanggang May naramdaman akong humawak sa balikat ko sa sobrang takot ko ay napahiyaw ako na narinig sa buong silid at nagtinginan ang lahat ng aking kaklase sa akin.
Teacher: Miguel ayos kalang ba ?
Miguel: Yes,mam pwede po ba kong pumunta sa palikuran.
Teacher: Sige
Pagpasok sa banyo ramdam ko na may sumusunod sa akin. "Kung sino ka man di ako natatakot sayo" sambit ko. Biglang nagpakita ang babaeng multo.
Hannah: ako itoh si Hannah
Miguel: anong kailangan mo?
Hannah: kailangan ka ng lolo mo.
Biglang May kumatok ng pinto at dahan-dahan kong itong binuksan at nakita ko si Mon matalik kong kaibigan.
Mon: bro ayos kalang ba?
Miguel: ayos lang ako pero kailangan ko ng tulong mo.
Mon: Anong tulong?
Miguel: Naalala mo yung ginagawa natin nung elementary pag mathematics class na.
Mon: Oo pero E.S.P subject natin ngayon.
Miguel: Oo pero emergency toh.
Mon: ok lights,camera,attention
Miguel: action yon!
Mon: hayaan mo na !
Nagpanggap akong nahihilo at akay-akay ni Mon .
Mon: Mam, si Miguel po masama ang pakiramdam iuuwi ko muna po sa kanila.
Teacher: baka kailangan niyang dalhin sa ospital.
Mon: Nako wag na po Mam, May pagkaalbularyo lolo nito kaya madali tong magagamot.
Teacher:Sige ingatan mo yan.
Nagmadali kaming umuwi sa bahay ko at nakita ko nasira ang pinto ng bahay namin. Tumawag si Mon ng pulis at ako naman ay dumiretso sa kwarto ng lolo ko.
Pagbukas ko nang pinto, nagulat ako sapagkat bumungad sa aking harapan si Hannah at tinuturo ang kama ng lolo. Sabi nya itulak ko raw ang kama na siya ko namang ginawa at namangha ako na May lagusan dito na aking pinasok. medyo madilim ang lugar nayon kaya ginamit ko ang cellphone ko para gamiting flashlight.
Habang nagmamasid doon ay nakita ko ang isang kabaong na pinilit kong buksan at nang mabuksan ko ito nakita ko ang isang lalaking nakahimlay sa gulat ko ay napatak ko ang aking cellphone. Nilimot ko ito at muling tiningnan ang nakahimlay sa kabaong ngunit wala na ito rito. Dahan-dahan akong umaatras hanggang maramdaman kong May tao sa harapan ko at nang lumingon ako ay kinagat ako ng lalaki sa leeg.
Ipagpapatuloy.......