KCON
CHAPTER 3
❤❤❤
Hapon pa naman ang KCON pero hindi ako mapakali kasi WALA AKONG MAGANDANG DAMIT!
Baka makita ako ni Sejun na mukang ewan nanaman. Kaya inabot na ako ng tanghali dito sa kwarto kakahanap ng damit nagpatulong na nga ako kay Myra
"Ano okay na ba to?"tanong ko sa kanya nag video call kasi kami para matulungan niya ako
"Ano ka ba naman besh, aattend ka lang naman don ang dami daming tao d kana mapapansin ng Oppa.."bored na sabi niya
"Kainis to porket maganda ka kahit naka t-shirt at jeans ka lang ginaganyan mo na ako"maktol ko sa kanya kasi legit na maganda talaga si Myra ang dami nga niya manliligaw pero ayaw lang niya..
Tapos ako lagi kinukulit na hanapan ko siya ng jowa.. Baliw lang
"Hindi naman girl.. ahh alam ko na try mo mag all red para pang head turner ang ganap mo don"biro niya sakin
Kaya sinimangutan ko lang siya.
"Ay sige sige serious na ako"sabi niya at parang nag isip
"hmm.. dala mo ba yung croptop ko na brown?"tanong niya sakin
Lagi kasi akong nanghihiram ng damit sa kanya, kasi nga fashionista ang babaeng yan kaso naknakan ng pagka conservative laging naka pantalon
"Oo nandito"sagot ko ng makita ko siya sa damitan ko
"good, tapos d ba may black tattered pants ka?"tanong niya ulet
Ayun seryoso na siya
"Dalawa lang kaya pantalon ko"
totooo, mas inuuna ko kasi mga kapatid ko saka d naman ako materialistic na tao basta nagagamit pa okay sakin
"Oo na besh nagtatanong lang ako, tapos mag rubber shoes ka"
"Ano pa?"atat na tanong ko
"Yung totoo besh sa asta mo parang may importanteng tao kang immeet don"
kinabahan ako sa sinabi niya
"Ah eh syempre dapat kahit ngayon lang gumanda ako mameet ko na sila for the first time"pagpapaliwanag ko
Totoo yun pero syempre dahil na din makikita ko ulet si Sejun Oppa charr bebe
"hmm sabagay..nga pala anong oras na ahh.. baka gusto mo ng maligo at mag aayos ka pa"
"Ayy oo nga baka malate pa ako girl.. bbye na ah videocall ulet tayo after ko mag ayos para malaman kung pasado na ako o hindi"biro ko sa kanya
"Loka"
---
Naligo na ako kaya pagkatapos umalis muna ako para makakain kasi baka magutom naman ako don saka habang medyo pinapatuyo ko buhok ko. Ang tagal pa naman neto matuyo ang haba haba naman kasi
"Magpagupit kaya ako?"
"Ayy wag na sayang ilang taon ko ding iningatan to"
Nung medyo satisfied na ako sa ayos ko at ready to go na tinawagan ko na ulet si Myra
"Ateeee, wow ang ganda naman ng ate ko"sabi ni RM
siya kasi ang sumagot ng tawag
"Hello bro, kamusta?"
"my date ka ba ate?"tanong niya sakin
"Wala no"sagot ko naman
"E bat ang ganda mo?" natawa na lang ako bilang sagot
"Hello Besh, naks naman ang ganda mooo"
"Totoo?"tanong ko
"abat d ka naniniwal sakin Ate?"malungkot na tanong ni RR
"hindi naman sa ganon e kasi syempre bias ka Ate mo ko no"
"Realtalk Ate, you look pretty.. yii may date ka no?"tukso sakin ng kapatid ko
"May event na ppuntahan yan.. at nandon ang pangarap niya kaya dapat mag pa impress"sabi ni Myra
"Talagaaa.. good yun ate saka mukang nag eenjoy ka talaga dyan ah"
"Oo naman pero miss ko na kayooo"
"Ay siya sige later na ang chika baka malate ka, kwentuhan mo na lang kami mamaya ahh saka yung Jowa ko wag mo kalimutan"sabi ni Myra at pinatay na
Tumingin muna ako sa salamin ..
Simple lang naman ang suot ko yun nga naka brown croptop at tattered jeans typical na Kpop look..
Nung kukuha ako ng panyo nakita ko yung cap na pinahiram sakin ni Sejun
"hindi ko pala naisaule sa kanya to.. kakahiya" kaya kinuha ko siya at isinuot ko
Naka light make up din ako.. marunong naman ako mag make up kahit papano.
"Okay.. SUNNY LEZZ GO"sabi ko sa sarili ko at saka umalis
----
I arrived on time kasi d pa naman nagsisimula bale mga nakapila pa lang sa labas at nagchichikahan ang karamihan dito, kaya nakipila na din ako.
Pagkapasok ko sa loob grabe ang laki ng venue at ang daming tao tapos pumunta muna ako don sa mga booths.
Ang daming pwedeng bilihin lalo na mga merch tumingin ako ng BTS na pwede kong iuwe kay Myra nako pakamatay pa naman yun sa BTS. Kung ako sa SB19 siya naman sa BTS pero mas hype yun sakin kasi talagang nagawa ng paraan yun maka attend ng concert.
super love niya ang BTS pero d naman niya hate ang SB19 actually gusto niya din naman sila pero loyal daw kasi talaga siya sa Bangtan at ako naman loyal lang sa SB19.
"Wow may pa Oppa dito legit na korean"sabi ko sa sarili ko
May dumaan kasi na mga lalaking korean sa harap ko kaya nagulat ako.
Naglibot libot pa ako tapos tamang selfie then nagpapapicture ako pag may kalook alike na korean artist uso kasi yun kahit saan kaya nga ang swerte swerte nung mga biniyayaan na may kahawig na kpop idols feeling mo ang ganda ganda mo pag ganon kasi ang daming magpapapicture.
At nalaman ko na medyo sa gitnang part daw mag iintermission ang SB19 narinig ko dun sa 2 staff na nag uusap mukang Aurums din.
First time ko sa ganitong event kaya medyo tanga at d alam ang magaganap pero base sa research ko KCON is madaming nag pperform iba ibang guest tapos minsan nag gguest din sila ng mga korean groups ang alam ko napasama na dati ang sistar sa list dati, sabi din nung friend ko nung college.
Pero ngayon ang alam ko ang highlight ng event is SB19 akala ko nga nung una concert nila pero hindi.. keri na din atleast makikita ko sila mag perform kaya super happy na din ako. Korean Convention pala siya so may mga contest din like dance cover saka cosplay..
"Ang gagaganda nung mga damit nila kuhang kuha sa mga iccover nilang idols.. excted na akooo"para akong ewan na kinakausap ang sarili ko dito
hayy nakakainsecure din minsan lalona pag wala ka namang ipagmamalaki
"Uhmm.... excuse po"sabi sakin nung dalawang hmmm mga high school siguro to kasi ang babata pa nila e
"Yes?" sagot ko
"pwede po magpapicture?"tanong nung babaeng naka pink na skirt
"Ah cge"sabi ko at hiningi yung phone nila tas pareho na lang sila napakamot ng ulo
"Ate I mean pwede po magpapicture kasama kayo?"sabi namn nung naka blue skirt
Oh d ba matchy matchy sila
"hala sakin?"tanong ko
Talagang nagulat ako
Tas sabay silang tumango
"Ang ganda niyo po kasi ate"sabi ulet nung naka pink na skirt
medyo na tameme ako kaya hindi agad ako naka sagot
"Sige na po pleasee"
"Hehe sige sige"sabi ko na lang
"Hala thank you poooo"
Tapos may ilang lumapit at nagpapicture din.
So ano? instant artista ako?pero feeling ko naman ang panget panget ko kasi.. ewan basta feeling ko lang
"THANK YOU POOOO"sabi ilang lahat tapos umalis na
"Ayy ate may kasama po ba kayo?"tanong nung naka pink na skirt bumalik pala sila
"Ah eh wala"sagot ko
"Gusto niyo po sama na po kayo samin?"
"Uy gusto ko yan"
"Yun sige poo"sabi nila at naglibot libot kami tas konting chika nung nagstart na ang contest kaya medyo focus na kami sa event.
tamang sigaw sa mga nag pperform ang gagaling nilang lahat
"Joy, wendy punta muna ako sa restroom"paalam ko sa kanilang dalawa
Ang cute nung mga names nila nooo mga names ng Red Velvet, parang gusto ko na lang tuloy istan lahat ng kpop groups parang ang saya saya.
Naghanapa ko ng restroom na medyo konti lang tao kasi naiintimidate talaga ako sa kanila lalo kanina na meet ko yung Hyuna Ph sa kabilang cr shet ang pretty AS IN.. buti na lang KPOP FAN si Myra kaya medyo naimpluwensyahan ako at may mga kilala ako.
So ayun nga at dahil nasa cr si Hyuna Ph sandamakmak ang tao don kaya ngayon hahanap muna ako ng tagong cr.
Medyo napadpad ako sa dulo pero keri lang konti lang ang tao kaya pumasok na agad ako at inayos ang sarili ko
----
Inayos ko muna yung sombrero ni Sejun sa ulo ko bago ako lumabas.
"pwede po magpapicture?"gulat ako ng may magsalita
"Uy Sejuuuuun"bulong ko nung makilala ko yung nagsalita
ANG GWAPOOO
Naka gray na longsleeve na polo siya tas black pants then with matching cap.. CAP lang pano kung may makapansin sa kanya jusmiyo talaga ang lalaking to
Tapos may pagsandal pa sa pader, parang model ang datingan
GRABEEEE
"Pwede po magpapicture"ulit niya
"wait"
"Pwede po magpapicture"ibang tono na
"Nandon ka?" gulat na sabi ko kasi ginaya niya yung boses ni Joy nung tinanong ako kung pwede magpa picture
Tinawanan lang niya ako
Bigla tuloy ako nahiya baka sabihin nito masyado akong assuming kasi pumayag ako magpapicture kahit d naman ako artista
Tumungo at tumingin na lang ako sa sapatos ko.. nahihiya talaga ako
"Uy"sabi niya pero d pa din ako lumingon pinaglalaruan ko lang yung sapatos ko
"hey"sabi niya at natameme ako ng hawakan niya baba at itinaas para makapag eye to eye kami
"you look beautiful..sobra"sabi niya with matching ngiti labas braces
Kahit d ko sabihin alam ko na sobrang pula ko naa
AAAAAAAHHHHH sigaw ng puso at isip koooo
Shet yung sincerity nandon at grabe ang lapit namin sa isat isa kitang kita ko yung sexy niyang nunal sa may taas ng labi
Hindi ko alam pero feeling ko ang tagal tagal namin sa ganong scene kaya nag change topic ako
"B-bakit nandito ka at naggagala?"tanong ko para mawala yung kilig na nararamdaman koo
"Maaga kasi kaming nakarating dito then mamaya pa naman kami mag pperform so gumala muna kami dito"
"Hindi ba kayo takot makilala at pagkaguluhan?"
"maingat naman kami, saka gusto namin makita ang mga aurums"
ANG SWEET naman
"Pero kahit na.."sabi ko pa din kasi nag aalala lang ako para sa safety nila
"don't worry matagal na naming ginagawa to"
Gulat ako sa sinabi niya
"T-talaga?"
Tumango siya bilang sagot
"Ang sweet naman"d ko napigilang sabihin
"Aurums ang dahilan kung bakit kami nasa ganitong sitwasyon and we are happy to have them.. you in my life"
PANO KUMALMAA
Hindi ko na alam ang gagawin ko ng may mapansin ako na bunch of people na padaan dito
Anong gagawin ko baka makita nila si Sejun
Nakatalikod naman si Sejun pero pag daan nila makikita nila side view ee syempre kahit side view madaling makilala ang SB19..
Kaya nung malapit na sila dumaan medyo mas lumapit pa ako kay Sejun
"Ayan ohh pawis na pawis ka.. d ba sabi ko sayo wag kang magpapatuyo ng pawis?" adlib na sabi ko kay Sejun at kunware pinupunaasan ko yung kanang pisnge niya, sinadya kong takpan yung half face niya na pwedeng makita nung mga dadaan
Mamaya na ako mag iisip ng susunod ang mahalaga d siya makita
Nung lumagpas na sila may sumigaw ng "Walang forever! Maghihiwalay din kayo" kaya natawa ako at tatanggalin ko na sana yung kamay ko pero hinawakan niya
"...."
"May padaan"sabi niya
kaya hinintay ko na may dumaan
"Wala naman ata"sabi ko
"malapit na"sabi niya at may naramdaman nga ako na palapit na
"Nandito ka lang pala Sejun tara.."napatigil yung nagsasalita
Kaya lumingon na ako sa likod ko
"Josh..Justin"mahinang sabi ko kasi legit na sila yung nasa harap ko
Naka white polo sila pareho
"Ayiii ayan b--"hindi na natapos ni Justin ung sasabihin niya kasi tumakbo palapit si Sejun sa kanya at tinakpan ang bibig
Nag kulitan yung dalawa kaya lumapit sakin si Josh
"Hi I'm Josh" pakilala niya with charismatic look at pa shake hands
"H-Hi"sagot ko at inabot ang kamay niya
"Ops tama na yan, sabi ni Sejun at hinila si Josh
Ayaw niya ba na makilala ko silaaaa
"Hi I'm Justin"cute na pakilala naman niya
"H-hello"
"Ang ganda mo..po"sabi ni Justin kaya nagulat ako
Napakamot na lang ako sa ba batok
"Ah. alis na kami Sunny mag aayos pa kami"sabi ni Sejun at hinila yung dalawa palayo
"Nice to meet you Sunny"sigaw ni Justin
Hala ang kulit niya..
Tapos nung d ko na sila makita bumalik na ako sa pwesto ko kanina
"Oh ate bat ang tagal mo po?"tanong ni Joy
"oo nga po ate sayang d mo po napanuod yung nag dance cover ng SB19 ang galing din po nila"sabi naman ni wendy
"May nakilala lang ako dun sa may restroom"sagot ko
"Sayang po ate hehe tapos na dance cover ang tagal nyo po kasi e"
"Magaling ba sila?"tanong ko sa dalawa
"opo lahat sila"sagot nila
"Ahh. ay malapit na mag perform SB19"sabi nila
"T-talaga"
---
Nung natapos na yung cosplay dun na pumasok ang SB19 para mag perform.. simple lang yung outfit nila naka white longsleeve tas black pants pero grabe ang stage presence nila.
Paglabas pa lang nila ang lakas na ng iritan at mas lalong lumakas nung nagsimula na silang kumanta
Parang naging concert nila kasi may pa fanchant pa kami
Kaya nilabas ko na yung banner at lightstick koo
"Waaaah ang saya"sigaw ko
"GO SEJUUUUUUUUUUUUUUUUN"mas malakas na sigaw pa ang ginawa ko wala akong paki kasi halos lahat naman kami nasigaw
Palakasan pa nga e
"Ate ang gwapo ni JOSHHh"sabi ni Wendyy
"UUWE NA KITA KEEEEEEEEEEEEEEEEN"sigaw naman ni Joy
"STELL I LAB YOUUUUU"sigaw nung nasa likodan namin
"JUSTIIIIIIIIIIIIIIIN"sigaw pa nito
Lahat kami na nandito iba iba ang pangalan na sinisigaw
YEAH WE GONNA GO UP
JOSH CU-LLEN
NA SE-JUN
S-TELL-VES-TER
KEU-NA
JU-SEU-TIN
S-B-19!
"WE GO UP"sigaw ng lahat pagkatapos nila mag perform
Tapos isa isa silang nagpakilala then tamang pasalamat sa Aurums at sa mga nag invite sa kanila para mag guest
kahit tapos na mag perform ang dami pa ding sumisigaw kaya ako nakisigaw na din
"HOY PO SEJUUUUUUUUUUUUUUN"sigaw ko
Saktong pagsigaw ko medyo tumahimik ang crowd kaya rinig na rinig boses ko napatingin tuloy sila sa side namin.
ANG LOKA MO TALAGA SUNNY
Napatungo na lang ako kunware di ako hehe
Tinuro pala ako ng mga katabi ko kaya wala nakita na ako ng lahat kaya unti unti akong tumingin sa kanila at nag half smile
Tinawanan lang ako ni Sejun
"At dahil ikaw ang may pinaka malakas na cheer..."habang sinasabi niya yun bumaba siya sa stage at NAGLAKAD PA LAPIT DITO!
"..."wala ako masabe siguro ang laki laki ng mata ko banaman
"yii ate!"sabi nung dalawa sa tabi ko
Pag kadating niya sa pwesto namin kinuha niya kamay ko at dinala sa stage.. inalalayan niya ako paakyat
"Ikaw nga ang may pinakamalakas mag cheer"bulong niya nung nasa hagdan na kami
Sinalubong kami ni Stell at Justin
"Pwede ba naman malaman ang pangalan mo?"tanong sakin ni Stell
EMEGED NA MEET KO NA SILAAA
"..."d pa din ako makapag salita
"wait kinakabahan ata si ateng ganda"biro ni Josh
"Uy parang kilala ko siya e"sabi naman ni Justin kaya napatingin agad ako sa kanya
Tumawa lang sya ganon na din si Josh
"Siya ata yung..."pabitin na sabi ni Justin
KABADO AKO MY GOSH
"future ko?"singit ni Ken
WAAIT SI KEN? OH MY G!
Tas nag iritan ang lahat
"AHHHHHH"
"KEEEEEEN AKO FUTURE MOOOO'
"YIIIIII"
"ANG SWERTE MO NAMAN ATE GURL"
"SANA ALL"
Pinapanuod ko kung pano mag wala ang crowd
Tapos nagkulitan na sina Josh at Ken
Naramdaman ko na lang na may humawak sa likod ko..
Si Sejun pala tapos nginitian niya ako
"Hoy wag sa stage maglandian"bulong ni Justin na pumagitna samin ni Sejun
San banda kami naglalandian?
Si Ken kaya makiriiii.. yi future ko daw siya
Actually wala sa choices ko na magsasabi ng ganon si Ken maybe si justin or josh pwede din si Sejun pero siya hindi kasi parang ang natatandaan ko sa mga interviews niya..hmm ay ewan joke lang naman un para pakiligin ang crowd
"So as a prize tara na mag groupie!"sabi ni Josh
Nagwala ulet yung crowd
Tas nagpicture na kami bali ang pwesto is si Stell, Josh, Ken, Ako, Justin, Sejun
Kaya mas naging wild ang aurums kasi magkatabi kami ni Ken
"Teka pababa na si Ate d pa din natin alam name niya"putol ni Stell
"Anong name mo miss?"si Ken na nag tanong
Nilingon ko si Sejun nakatingin lang siya sakin habang akbay akbay siya ni Justin
huminga muna ako ng malalim bago sumagot
"S-sunny"halos pa bulong ko
"Yun may pangalan na si Ateng ganda"sabi ni Stell
"Nice to meet you Ms. Sunny"sabi ni Ken at inabot niya yung kamay niya sakin
Aabotin ko na sana ng gumitna si Sejun at siya na ang nakipag shake hands
"Okay, pano naman ang ibang Aurums?"sabi nito
"Baka magselos sila"dagdag ni Justin
"Cge para d magselos ang ibang Aaurums tara at magpicture" sabay labas ng phone ni Ken
"Tama may dala kaming monopad"sabi ni Josh
Pababa na ako ng stage kasi masyado na akong naexpose jusme baka mamaya may manabunot na sakin lalo na KEN STAN
"Salamat sa time Ms. Sunny"sabi ni Stell at ihahatid ako pababa
"Hindi ako na"biglang sulpot ni Sejun
"Hindi ako na"sabi ni Justin na nakatingin kay Sejun
Buti medyo nasa gilid na kami kaya d gaano rinig
"Huy anyare sainyo"sabi ni Stell medyo nag iba kasi ang awra nung dalawa
"Cge ako na lang kaya ko naman"sabi ko dun sa tatlo at yumuko para magbbye"tiningnan ko muna si Sejun bago ako bumaba.
Bumaba na ako at bumalik dun sa dalawa
"YIIII ATE ANG SWERTE MOOO"
"HOW TO BE YOU PO?"
Pati ung mga nasa likod at katabi namin un ang sabi.. akala ko nga may mang aaway.
After ng groupie ng buong Fam dun na natapos ang performance nila tas nag tuloy ang contest at madami pang guest na nagpakita ng talent sa stage
Hindi na namin natapos nila Joy ang event kasi tinatawagan na sila ng parents nila medyo gabi na din kasi kaya umuwe na kami bale nag picture kami ng madami tas nagpalitan ng social media account tapos nag bbye sa isat isa
"Bbye ate sa susunod meet tayo sa concert po nila ahh"sabi ni Wendy
"Cge ba basta balitaan niyo lang ako"sagot ko naman
Magkakaiba kami ng way kaya inihatid ko na muna sila sa sakayan nila bago ako sumakay para makauwe sa resort. Pagdating ko kumain muna ako sa labas para mamaya magpapahinga na lang ako
"Hay kapagod. Pero worth it!"sabi ko sa sarili ko
Kakatapos ko lang magbihis nung tumunog ung phone ko
"oh Myra, uy may chika akooo ang saya pumunta sa event. Dapat pala nasama ako sa event pag napunta ka"sabi ko kaagad sa kanya
"Muka ngang nag enjoy ka besh"sagot niya
"Bakit halata ba sa boses ko?"masayang sabi ko sa kanya
"Hindi besh.. kitang kita ko girl! naka live kaya kayo kanina"sabi nito
"Oh"gulat na sabi ko
"Oo at alam mo ba na trending kana ngayon? #AngmaswertengAurum"
"hala d nga?"sabi ko
"totoo, ang ganda mo naman kasi girl pang artista ang look"
"biro ka pa dyan"sabi ko
"Alam mo Besh mag private ka muna sa lahat ng social account mo lalo na sa Fb.. hide mo lahat ng pictures mo kasi hahalungkatin yan lahat ng Aurums for sure"
"ay wait hindi ako handa"
"Loka naayos ko na yung sss mo.. pagkakita ko pa lang sayo sa live binuksan ko na yung sss mo buti at yun pa din password mo"
"Thank you"
"Yung iba mo nalang account ayusin mo, tapos wag ka na lang magbasa ng mga comments okay? kasi alam mo kahit gaano ka pa kaganda at kabait kung insecure ang tao may mga negative na lalabas pa din tungkol sayo.. gets mo?"
"opo, makikinig ako sa expert"sagot ko
Based on her experience kasi yun
"Ayoko lang na masaktan ka"seryosong sabi ni Myra
"oo gagawin ko yang sinabi mo, saka may 2 days pa ako dito kaya wag ka mag alala"
"palagi na lang muna kitang tatawagan wag muna tayo mag video call at iwasan mo na din muna kahit messenger mo okay?"
"Yes mam"biro ko
"Mag rrelax muna ako dito ng bongga para pagbalik ko stress free na"
"Good yan sige bbye na tapos na ang coffee break"
"Pang night shift ka pala"tanong ko ayaw niya kasi ng ganyang schedule kaya ako ang palaging nag nnightshift saming dalawa
"Ganito kita kamahal"pagkasabi niya nun pinatay na niya
---
So siya ang kumuha ng schedule ko for this week? napaka sweet naman ni Myraaa
Iniisip ko kung gaano ako ka thankful kay Myra ng tumunog ulet yung phone.. nakahiga na kasi ako sa kama kaya narinig ko kaagad phone ko na nakapatong lang naman sa table
Hindi ko na tiningnan yung caller alam ko naman na si Myra lang to siya lang naman natawag sakin
"Akala ko ba tapos na coffee break mo?"bungad na sabi ko sa tumawag
Hindi agad sumagot yung nasa kabilang linya
"Uhmm..hindi naman ako nag coffee break?"
Napabalikwas ako sa kama ko
"aw!"
nahulog ako sa kama
"okay ka lang? nagulat ata kita"sabi ni Sejun
"hindi naman" sagot ko habang umayos ng upo sa kama
"hindi mo na tinapos yung event.."sabi niya
"hinatid ko pa kasi yung dalawa kong nakilala"
"ang bait naman. Balik manila na pala kami ngayon"
"Ngayon talaga?"
"Oo kasi may schedule pa kami sa manila"
"Ah"
"Ikaw ba hanggang kelan ka dyan"
"2 days pa"
"Nga pala okay ka lang ba?"
"Oo?"
"haha bat patanong din ang sagot?"
"hindi ko kasi alam kung para san ung tanong mo"
"Ahh.. kasi yung kay Ken kanina, mukang nag react ang aurums kaya medyo.."
"ahh oo alam ko na nasabihan na din ako ng friend ko kaya iwas muna ako sa mga social media"
"Good.. HOY AALIS NA TAYO" may sumigaw sa background niya
"Si Justin?"tanong ko bigla
"Oo..OY TAMA NA LANDE TARA NA" sigaw ulet sa background
"bbye na"
"cge"
Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat kay Lord sa sobrang daming blessings na binigay niya sakin today. Grabe ka G
Nung araw na yun natulog ako ng masayang masaya.
---
Medyo tanghali na ako nagising kaya naligo lang ako tapos kumain na ako.. doon na talaga ako kumakain sa favorite resto ko at mukang mamimiss ko yan pag uwe ko sa manila.
"excuse me mam"sabi sakin nung waiter
"yes?"
"may nagpapabigay po"
"huh?"
"roses? kanino galing?"
"wala pong sinabi, sige po alis na ako"
"ah cge thank you"
Kanino galing to? napaka sweet naman niya.. wait baka namn hindi to sakin paasahin lang ako neto
After ko kumain pumunta muna ulet ako room ko kasi naiwan ko yung phone ko baka natawag na naman si Myra
ayyy nag txt si Sejun
'Goodmorning, kain na' sabi niya sa txt
replyan ko ba?
ay wag na late na anong oras na ohh
pero nakakahiya naman d replayan sabihin nun snob ako
Nag iisip ako kung anong magandang sabihin sa kanya ng bigla siyang tumwag
"Hi?"nahihiya kong sabi
"Hi.. kakagising mo lang?"tanong niya
"Oo e"
"kaya pala d ka nagreply, kumain kana?"
"yup kakatapos lang.. bat ka napatawag wala ba kayong ginagawa?"
"kakatapos lang ng rehearsal namin"
"wow naman, pahinga kana muna"
"bakit may gagawin ka ba? istorbo ba ako?"
"nako baka nga ako ang istorbo"nahihiya kong sabi kaya sabay jaming tumawa
'Sus tanghaleng tapaa--
Parang si Justin yung sumigaw pero d ko na narinig yung sunod na sinabi niya
"Si Justin yun? ang daldal niya talaga no"
"Oo sobra.. lalo pag kasama si Josh"
"Lahat naman kayo makulit"sabi ko
"HAhahaha"
Tapos nag usap lang kami saglit then bumalik na ulet siya sa practice nila, kaya ako gumala nalang muna sa resort.. I enjoy the view and feeling fresh.. para pagbalik ko d na ako stress
Tapos gabi na ako bumalik kaya kumain muna ako
"Mam delivery po"
"Uy wala sa order ko yan"sabi ko sa waiter
"iba po ang nag order para sainyo"
"nanaman? sino?"
"wala pong nakalagay"
"ha? ayoko"sabi ko
"Ay d po pwede baka po mawalan ako ng trabaho"sagot niya
"anong connect ng d ko pagtanggap niyan sa trabaho mo?"tanong ko sa waiter
"Cge na po mam tanggapin nyo na po"parang nagmamakaawa na sabi niya kaya tinanggap ko na kawawa naman pag natanggal nga sya.
Nag enjoy na lang ako sa pag kain ko, tapos bumalik na muna ako sa room ko para tumawag at kamustahin sina Myra.
---
Pagbalik ko sa room may nakita akong roses
"kahapon meron din ah"
Kaya tumawag ako sa information desk para magtanong kung kanino galing yung bulaklak pero tulad ng sinabi nung waiter ganon din sagot nila sakin..
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatakot kasi.. mag isa lang kaya ako dito sa Cebu what if my mang kidnap na lang sakin at ibenta ako sa malayo.. pano na mga kapatid ko?
Naputol yung imagination ko nung may tumawag.
EMEGED SI SEJUN
"hello"pabebe kong sabi
"Hi, kamusta?"
"Okay naman kaso medyo worried"sabi ko
hmm sa kanya ko na lang sasabihin ung about sa nagpapadala ng roses sakin kasi d pwede kay Myra at baka sumugod yun dito kasama ng mga kapatid ko, mga paranoid din yung mga yun
"bakit worried? about ba yan sa bash?"yung tono niya prang concern talaga
"Bash? hindi ah d naman ako nag oonline"sagot ko
"So san ka nag wworry?"
"Bale.. this morning paggising ko may nag deliver sakin ng roses tapos nung kumain ako kanina may binigay sakin yung waiter sabi may nagpapabigay daw then ngayon pagbalik ko sa room ko may roses ulet.. alam mo yun medyo creepy kasi d ko kilala kung sino nag bibigay saka nahihiya ako"mahabang explain ko sa kanya
pati yung convo namin nung waiter kanina sinabi ko na. Banaman natatakot na kasi talaga ako kaya sinabi ko na lahat sa kanya
tumahimik sa kabilang linya
"Errr.. nasabi ko lang sayo kasi wala akong mapag sabihan d kasi pwede sa friend ko at mag aalala talaga yun"paliwanag ko ulet
"That's me"straight na sabe niya
"H-Huh?"biglang tanong ko
"Ako yun"
"HA?"gulat na gulat na sabi ko
"HAHAHA.. ay sorry"pigil pigil na sabi niya, tawa kasi ng tawa
Para tuloy akong tanga na d makapaniwala sa sinabi niya
"Sorry ako yung nagpapabigay nun"apologetic na sabi niya
"...b-bakit?"tanong ko
"Pa thank you ko na sayo kasi isa ka sa naging friend ko nung nandyan kami sa Cebu"sabi niya
"Ahh"
medyo naguguluhan ako..
"And also I really like..."putol na sabi niya
Inintay ko talaga yung kasunod nun kasi asang asa na ako sa sasabihin niya NAG AASSUME AKO NA Y-O-U YUNG IDUDUGTONG NIYA!
".. you're accompany, I enjoyed"pagbubuo niya sa sentence
AY HOMOPIA NA NAMAN AKO
"ahh lalo naman ako.. as Aurum super saya ko na nagkaron ako ng chance na makilala ka"sabi ko sa kanya
At duon nagsimula ang lahat
CHAROOOOOT
Dun nagsimula yung friendship namin
FRIENDSHIP LANG GUYS
After nung sa Cebu hanggang ngayon na nasa manila na ako.. mga 1 month na since my cebu vacation and the encounter with him..
Nag uusap pa din kami pero hindi naman araw araw.. pag may mga vacant hrs lang siya saka pag may gusto siyang sabihin sakin and then vice versa naman sakin kasi di ba I'm a workaholic person.
May mga time din na binabalitaan niya ako about sa mga events na pwede nilang puntahan na malapit sakin kaya lang hindi ako makapunta kasi wala akong time then d siya pasok sa rd ko..
Sayang nga e one time mga isang kanto lang yung apart namin d ko pa siya nakita.. samantalang yung ibang officemate ko nakita sila even Myra nakita niya.. Samantalang ako ni anino d ko nakita.
Mahirap din kasi maging secretary ng boss namin..minsan mas busy pa ako sa kanya kaya hirap talaga ako sa time management.
Pero naiintindihan naman niya kasi busy person din naman siya.
We're good friends nakakapag open na din siya sakin tapos super daldal pala talaga ni Sejun.. parang si Myra lang
And they our friendship are still secret kahit kay Myra..
"Hoy Beshhh katxt mo na naman yang bago mong friend no?"
"Hehe"
"Tsk.. nagseselos na talaga ako sa friend mong yan na wala namang muka"
"Grabe naman sa walang muka Myra"sabi ko
"Aba'y totoo naman.. ilang buwan mo nang sinasabi yung about sa kanya pero hanggang ngayon d ko pa din na meet.. baka naman imaginary friend mo lang yan ah"
"Ano ko baliw?"
"Oo baliw na sa SB19"sabi niya
"pareho lang tayo ikaw nga baliw sa BTS"
"Hayyys oo na pareho na tayong baliw.. pero kelan mo ba papakilala sakin yang friend mo? jowable ba?"
"Ewan ko sayo.. malapit mo na mameet yun makikipag kita na ako sa kanya"
"TALAGAAAAA.. sama mo ko ahhh lalaki ba yan? may friend pa ba siya?"
"Loka.. basta malapit na kami magkita ulet"
❤❤❤