CHAPTER 6
Masakit na sa kanila mismo nagmula ang lahat ng yon..
Kung sabagay, wala naman talagang alam ang mismong company nila about samin ni Paulo.
Ang alam ko mga staffs at manager lang ang nakakalam ng totoo.. pero ang sakit pala ma deny..
Pano pa kaya kung si Paulo mismo ang magsabi sakin nun.
---
Naglabas na ng article ang side nila Sejun at sinasabi na wala daw akong kinalaman sa kanila..ang pagkakaintindi ko ay isang hamak na fan lang ako don sa mga pictures na kumalat.
At ng dahil don.. SOBRANG DAMING NAGALIT SAKIN
AS IN ang dami talaga, ang daming threats. Kung nasaktan ako don sa mga nabasa ko last time mas grabe to..
Pero wala eh, ganon talaga.. minahal ko ang isang sikat na tao kaya ito ang kapalit sa lahat ng iyon.
Pero kaya kong iisang tabi ang lahat at paniwalaan siya..
He said that I should trust him, at ganon ko siya kamahal na kaya kong panghawakan ang mga katagang sinabi niya sakin.
Kaya kong dedmahin ang lahat.. basta para sa kanya
Naiintindihan ko kung bakit nila ako tinanggi.. masyado ng malaki ang issue habang tumatagal mas palaki ito ng palaki at kailangan nila maglabas ng ganon para pakalmahin ang mga netizen.
"Ayos kana ba?"tanong sakin ni Myra
"Oo okay na. nagulat lang ako, ang sabi niyo kasi sakin okay na"
"Sorry talaga besh, mahirap kasing sabihin sayo ang tunay na nagyayare"
"Alam ko naman yun.. pero mas panatag ako kung alam ko.. saka bago naman ako pumasok sa isang relasyon tinanggap ko na din ang mga posibilidad at isa na ito."
"Pero hindi mo inaakala na ganito kalaki ang lahat tama?"
"Oo pero ang sabi naman sakin ni Paulo na magtiwala ako sa kanya"
"Nakausap mo siya?"
"Yun yung huli niyang sinabi sakin"
"Ahh oo naalala ko"
"Pero syempre hindi ko maiiwasang masaktan.."
"At yun nga ang dapat nating iwasan, kailangan natin yan gawan ng paraan"
"Pero pano?"
"hmm.. pwede bang wag ka muna mag phone?"tanong niya sakin
"Pero pano ang trabaho ko?"
"May na provide na kaming keypad phone for you"
"Okay sige susundin ko lahat ng sasabihin mo.. basta maging okay lang ako'
"Good.. at samin muna kayo tumira pansamantala.. kasi hindi safe para sayo na nandito ka dahil kalat na sa social media ang address mo at pwede kang puntahan ng fans ng sb19 anytime..at alam mo naman kung gaano nakakatakot ang tao ngayon"
"Cge kelan tayo aalis?"tanong ko sa kanya
"okay na ang lahat ikaw na lang ang kulang"
"hindi nga?"d ako makapaniwala
"Oo nga.. napagplanuhan na namin to ng mga kapatid mo no"
"cge"
"Pero mamayang gabi pa tayo aalis dahil ang dami pa ding nakabantay sa gate"
"hindi pa din sila umaalis?'
"hindi, kaya dito ka lang wag kang lalabas okay?"
"Ate may nagpadala ng sulat" sabbi ni Jin habang inaabot sakin yung mga sulat
"Hep! mga legit na letters ba yan?"tanong agad ni Myra
"Opo natapon ko na yung iba"
"Sure?"
"Opo nga ang kulet"
"akin na" kinuha ko at inisa isa ko muna
----
Tiningnan ko mabuti yung sulat.. ang bango ng envelope at parang invitation sa isang magarbong kasiyahan.
Dahan dahan ko pa siyang binuksan kasi nakakahinayang kung sisirain ko lang.
Nung una akala ko kay Paulo galing pero nung nabasa kio ang laman .. tumakbo ako sa kwarto ni Jin para hanapin at kunin yung photo album namin.
"Ate baket?"nag aalalang tanong sakin ni Jin
"KUYA SI ATE!" sigaw ni Jin kasi hindi ko siya sinagot at patuloy lang ako sa pagkalikot ng mga gamit niya
Kaya nagmadaling pumunta sina RM at Myra sa kwarto
"Sunny bakit ka umiiyak?"takang tanong ni Myra
"Kanino galing yung sulat? baka naman threat yan"sabi ni RM kaya pumunta si Myra sa kwarto ko para kunin yung sulat
Hindi ko pa din mapigilan ang mga luha ko
Hindi ako naniiwala pero nung nahanap at nakita ko yung mga pictures ko dati..
"Ikaw nga yan Sunny'sabi ni Myra na d makapaniwala
Kinuha nila RM ang sulat
25 years ago, we are all blessed and happy to have you..
And then something happened,
We lost you.
We never stop finding you.. day passed.. months.. years until everyone says that there is no chance to have you again.
They give up..
But I'm not.
For 25 years I'm still waiting and hoping that someday I will see you with my own eyes and hold just like the first time..
Those tiny hands, pointed nose, chinky eyes and sweet lips are the last memory I have with you.
And the first time I hear you cried is the one of the most precious thing in the world.
I missed you so much my Princess..
May naka attach na mga baby pictures ko..
"Ikaw pa din ang ate namin"sabi nilang dalawa at niyakap ako
Hindi ko sila tunay na mga kapatid, hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi..
Pano kung prank lang ito ng mga fans?
"Gusto kong malaman ang totoo'
"Pero pano?"
Kinuha ko yung phone ko at tinawagan yung number na laging nag mmiscall sakin.
Nakailang ring bago mah sumagot, hindi ko na siya inintay na magsalita dahil ako na unang nagtanong
"Ikaw ba ang nagpadala ng sulat?"
"Finally, you called"sagot ng lalaki sa tawag
"who are you? totoo ba lahat ng nandon?"gulong g**o kong tanong
"Relax sis, I will going to answer everything just meet me when I'm comeback.. I'll just text you where and when"tapos bigla ng namatay sa kabilang linya
--
"anong sabi besh?"
"totoo ba lahat ate?"
"makikipagkita ako sa kanya"
"Pero madami pang tao sa labas Sunny delikado"
"Kailangan kong malaman ang totoo"sabi ko at nag simula ng mag ayos
"Pero.. hayy sige sasamahan kita. kayong dalawa gawan nyo ng paraan para makaalis kami ng d mapapansin ng tao sa labas"
"hindi pa naman ngayon.. ang sabi niya pagbalik niya"
"Ay medyo umasa ako besh.."biro ni Myra
Nung araw na yun hindi na ako mapakali hanggang sa makalipat kami sa bahay ni Myra.
D ko na alam kung ano ang uunahin kong isipin..
Si Paulo ba na hanggang ngayon d pa din ako tinatawagan..
Mga taong hanggang ngayon ay galit pa din sakin..na parang araw araw mas nadadagdagan ang porsyento ng mga taong naninira at nanghuhusga sakin.
O ang lalaking yun na ang sabi ay may iba akong pamilya..
---
After a day he texted me na sa isang mall na lang kami mag kita. Pero yung mall naman is exclusive for rich people dahil para sakin para lang talaga sa mayaman dahil sa sobrang mahal kasi ng blihin dito.
Kaya medyo panatag ako na walang makakakita sakin or makakakilala
"malapit na ba tayo?"tanong ni Myra
"Oo sabi nung guard dito daw sa kanan ung restaurant"
"Ang yaman siguro ng kausap mo, dito pa talaga"
"ayun ata siya"sabi ko at tinuro yung lalaki sa may bandang dulo
"hoy ang gwapo Sunny.."kinikilig na bulong ni Myra
"Identity ko ang pinunta natin dito at hindi siya"maktol ko sa kanya
Sa ngayon kasi hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman o kung ano ang dapat kong gawin, para bang ang daming ganap sa buhay ko ngayong taon at lahat ng yon magulo.
Lalo na to..hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo kasi all this time akala ko anak talaga nila ako, wala naman sinabi ang mga magulang namin about dito.
Akala ko isa akong Sunny Alvarez tapos may biglang ganito.
Nung palapit na kami sa kanya may nakabangga si Myra na lalaki
"Sorry"sabi nila pareho, samantalang ako ttingnan ko na sana ulet yung lalaki ng harangan ako nung lalaking nakabangga ni Myra
"Sunny?"sabi nung lalaki sakin kaya napatingin ako sa kanya
"Amm?"sabi ko na lang kasi hindi ko siya makilala
"it's me Jimmy.. heller"
Dun lang nag sink in sakin kung sino siyaaa
"Jimmmyyyy kamusta?"gulat na sabi ko ng makilala ko siya
"Anu ba girl okay na okay ako namiss kita"sabi niya at niyakap niya ako
Pagkayakap niya sakin hinila niya ako paupo sa kabilang mesa kasama si Myra
Nung hinila niya ako tumingin ako kung san ko huli nakita yung lalaki na akala namin is siya yung kausap ko pero wala na siya dun sa pwesto niya..
Kaya baka hindi siya yun
"Kamusta ka na ba? .. nako parang nakinis ang balat mo ahh"puna niya at hinawakan pa yung pisnge ko
"haha, okay naman ako.. ikaw anong bang pinagkakaabalahan mo?"balik tanong ko sa kanya
"well.. kakarating ko lang kanina from Greece dito lang ako dumiretso to eat. Ikaw bat ka nandito?"
"I'm going to meet someone"sabi ko at inikot ang mata sa paligid baka sakaling nandito na ung kausap ko
"Ahh, jowa mo? anyway aalis na ako kasi natawag na ang husband ko"sabi niya at pinakita yung picture ng asawa niya
"husband mo?"tanong ko
"yup 1 year na kaming kasal.. ang gwapo no?"sabi niya sakin
"wow congratss"masayang sabi ko sa kanya"
"cge alis na ako gurl.. see you when I see you"sabi niya at nakipag beso sakin bago umalis
"bakla pala siya?"manghang tanong ni Myra
"Oo friend ko nung college days ko, ang gwapo no?"
"Oo besh, alam mo kanina akala ko lalaki siya.. hindi kasi halata nung nakabangga ko tapos ang manly pa ng outfit niya mukang hot na papable"
"ganon na talaga yun d siya mahilig magsuot ng pang gurl pero pusong babae"
"hayyy muntik na ako ma fall kanina.. na dissappoint ako akala ko foreber ko na yun pala lalaki din poreber niyas"sabi niya at napabuntong hininga
"baliw.. na goyo ka don no"
"Sobra.. nga pala ano na ba sabi nung kausap mo?"
"Hindi na nagreply..mukang wala pa siya dito sa restaurant"
"Baka nga puro couple ang nandito e.. tara muna sa labas"
"Cge nakakahiya tumambay dito"sabi ko at lumabas na kami
Paglabas pa lang namin ng resto nagpaalam na sakin si Myra
"Ay wait mag rest room lang ako nasakit tyan ko"sabi niya
"Cge dito muna ako baka kasi dumating na siya, dito lang ako sa may labas"
"copy besh.. bbye jebs muna ako"sabi niya at tumakbo na paalis
At talagang sinabi niya pa sakin yun.. para talagang baliw
Nag cellphone lang ako kasi iniintay kong tawagan ako or mag txt manalang ung kausap ko kasi kanina pa ako nagttxt pero d naman nasagot.
Medyo malapit lapit kasi ako dun sa pintuan ng resto para if ever na may pumasok makikita ko kaagad
Nagulat na lang ako ng may nagbuhos ng malamig na inumin sakin.
Gulat na gulat ako, kaya napatingin ako sa gumawa.
May 2 babae na nakasuot ng pang mayamang damit muka silang mga sospistikada sa ayos nila pero yung mga mata nila parang may galit...sakin?
"So finally I met Sunny Alvarez the Gold Digger!"sigaw sakin nung isang babae
Kaya nakaagaw agad ng atenttion
Nung sinabi niya agad yun agad akong napaatras para lumayo sa kanila
Ni hindi ko na nga pinansin kung gaano ako kalagkit ngayon
"At san ka pupunta? tatakas ka?"sabi naman nung isang babae na may hawak na cellphone"at hinila ako sa buhok
"ANG KAPAL NG MUKA MO NA I-DRAG ANG NAME NI SEJUN SA SCANDAL TAPOS MAKIKITA KA NAMIN NA NANDITO AT NAKIKIPAG YAKAPAN SA LALAKI? YOU'RE SUCH A w***e!"sigaw niya ulet
"Ilang lalaki pa ba ang kailangan mo para umangat ka ha?!"sigaw niya pa ulet habang ung isang babae ay nag vvideo na
at ako? hndi ko alam pero d ako makasagot at makalaban
Tapos may narinig akong yabag ng stilletos kaya napatingin ako sa direction na pinanggagalingan non pag lingon ko saktong may sumalpal sakin.
Isang malakas na sampal ang sinalubong sakin ng babaeng kadadating lang
Salakas na out of balance ako dahil na din sa malagkit na drinks na sinaboy sakin kanina kaya napaupo ako sa malamig na tiles ng mall.
"YOU'RE SUCH A s**t! MAGKANO BA ANG KAILANGAN MO?!"sabi niya at sinabuyan ako ng pera
"TAKE THAT AT LUBAYAN MO NA SI SEJUN!.. NAPAKA LANDE MO WALA KANG KWENTANG TAO!"dagdag pa niya
"ANG DAPAT SA MGA KATULAD MO NAWAWALA SA MUNDO! PANG PASIRA KAYO SA LIPUNAN"
"WALA KANG KARAPATANG LAPITAN SI SEJUN NG GANON, AKALA MO ANG GANDA MO? MY GOSH! NI WALA KA NGA SA KALINGKINGAN NI SAMMY! ANG PANGET PANGET MO PARA ICLAIM NA BF MO SI SEJUN!"
"HINDI BAGAY ANG ISANG JOHN PAULO NASE SA ISANG GOLD DIGGER NA KATULAD MO!"
"SIGURO SINADYA MO MAGPAPANSIN SA CEBU PARA MAKALAPIT AT MAKAHUTHOT NG PERA KAY SEJUN BAKIT MAGKANO NA BA ANG NABIGAY NIYA SAYO? SIGURO KULANG PA YUN KAYA LUMALANDE KA NA NAMAN"
mukang nag research sila tungkol sakin.. mga avid fan siguro sila ng SB19
"NAPAKA KAPAL NG MUKA MO PARA LUMANDE E ANG HIRAP HIRAP MO LANG NAMAN AKALA MO PAPATULAN KA NI SEJUN?"
"WAG KA NGANG MANGARAP! HINDI KAYO BAGAY! SI SAMMY AT SEJUN ANG BAGAY'
"KUNG GUSTO MONG SUMIKAT.. WELL AYAN SIKAT KANA"sabi nung nag vvideo at lumapit yung isang babae para hilahin ang buhok ko patayo
Hindi pa din ako makaimek kahit ang sakit sakit na ng pagkakahawak niya sa buhok ko
"LISTEN EVERYONE! SHE IS THE GIRL ALL OVER THE INTERNET! THE GIRL WHO CLAIM THAT SHE IS SB19 SEJUN'S GF AND PRETENDING TO BE SAMMY NICOLAS.. AT NGAYON HULING HULI SA AKTO NA NAKIKIPAG YAKAPAN SA ISANG MAYAMANG LALAKI.. NAPAKA b***h DI BA? ANG LANDE SOBRA!"
wala na akong lakas ng loob para ipagtanggol ang sarili ko..
nasan na ba si Myra?
Wala akong magawa kundi ang maiyak
"AT NGAYON IIYAK IYAK KA? PARA ANO PARA MAAWA SILA SAYO?"
"NO. DAPAT LANG YAN SA ISANG GOLD DIGGER NA KATULAD MO"sigaw niya at sinampal ako ng ilang beses habang yung isa naman hawak hawak ang buhok ko
gigil na gigil talaga siya sa buhok ko kasi ayaw niya bitawan
Naramdaman ko lang na medyo gumaan ang hawak niya sa buhok ko kasi narinig ko na ang boses ni Myra
"AT ANONG GINAGAWA NYO SA KAIBIGAN KO?"sigaw nito at hinila din ang buhok nung babaeng sumampal sakin para mabitawan niya yung buhok ko
"SO ANOTHER GOLD DIGGER? WOW"sagot nito pa balik
At nakipag away siya dun sa dalawang babae
"WAG MO NGA HAWAKAN SI SUNNY"sabi ni Myra at nilapitan ako
niyakap niya agad ako
"I"m sorry Sunny medyo nahirapan ako hanapin ang cr ang laki ng lugar na to.. sorry talagaaa"mangiyak ngiyak niyang sabi
"ahhhh"sabi niya kasi hinablot nung babae yung buhok ni Myra
kaya kinaya kong tumayo ako para pigilan siya
"Wag mo siya saktan"sabi ko at hinawakan ang buhok ni Myra para tanggalin ang kamay niya
Pero sinipa ako nung isang babae kaya tumalsik ako sa may pader
"ah"mahinang sabi ko medyo nahilo ako dun ang sakit
Sa sobrang hilo ko hindi na ako nakatayo at hinawakan na lang ang ulo ko hanggang sa may narinig akong pito.. galing siguro sa gurad ng mall
---
Nagising na lang ako sa ospital at may benda ang ulo
"Kamusta ang pakiramdam mo ate?"tanong agad sakin ni Jin nung bumukas ang mga mata ko
"Gusto ko ng umuwe"sabi ko dahil wala kaming pera para magbayad sa hospital bills
"pero ang sabi ng doctor magpahinga ka daw muna.. ang lalim kaya ng sugat mo sa may ulo"sabi ni RM
"kaya ko naman magpahinga sa bahay sige na RM gusto ko na talaga umuwe ayoko ditoz'pag mamakaawa ko
Naiyak na slang ako ng maalala ko ang nangyare kanina..
Ang sakit hindi lang physical.. mas malala ang sakit emotionally
Lumabas si RM siguro para kausapin ang doctor
"Si Myra?"
"may kausap lang.. okay ka lang ba ate?"sabi niya at niyakap ako
Kaya mas naiyak ako
"sinabihan nila akong walang kwentang tao.."sumbong ko sa kapatid ko
"Hindi yun totoo alam mo yun ate"pag aamo niya sakin habang hinahaplos ang buhok ko
"tama naman sila hindi kami bagay ni Paulo.."
"No, wala silang karapatan na sabihin yun at wla kang dapat isipin dahil lahat ng sinabi nila is kasinungalingan lang"pag aalo niya ulet
"Pero"
"Shh.. saka mo na problemahin yun ate mag pahinga ka muna at magpagaling.. gagawa tayo ng paraan"
Nakauwe din kami ng araw na yun.
---
At tulad ng inaasahan ko mabilis na kumalat ang balita..
Iba ibang videos..
Iba ibang version..
At mas madaming pang masasakit na salita ang aking natanggap.
Hindi ko na magamit ang phone ko dahil nasira siya nung tapaktapak nung mga babae sa mall..
Kaya mas lalo ako nawalan ng pag asa na makausap si Paulo, sobrang hirap ng ganito..hindi ko n alam ang gagawin ko
Ang hirap ng ganito yung wala ka namang ginawa pero kung husgahan ka nila akala mo alam nila buong pagkatao mo.
Sa sobrang sakit at lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na kinakalmot ko na pala ang mga braso ko..
"Shet"sabi ko at kinuha ang gamot ko sa may drawer at uminom
Huminga muna ako ng malalim bago nagbihis ng longsleeve para matakpan ang mga kalmot ko na ako ang may gawa.. magagalit sila pag nalaman nila na ginawa ko ito.
Ganito ako kapag hindi ko kayang ilabas ang sakit na nararamdaman ko.. para sakin mas kaya ko ihandle ang physical pain kesa sa emotional kaya mas pinipili kong saktan ang sarili ko
Pero sarili ko lang naman ang kaya kong saktan kaya malayo pa ako sa pagiging baliw na bigla bigla na lang nananakit ng iba.
"BESH!"sigaw sakin ni Myra kaya lumabas ako ng kwarto
"bakit"wlang gana kong sagot'
"Si Sammy nasa tv"
Nung sinabi niya yun automatic na akong naupo sa harap
"Para san daw yan?"tanong ko
"Apektado na din siguro siya ng issue kaya magsasalita na"
hindi na ako nakasagot at nakinig na lang
Interviewer: Good morning Ms. Sammy how are you?
Ang ganda niya talaga sa suot niyang gray pencil skirt with blue longsleeve korean style
Sammy: Not so good, actually pumayag ako sa interview for clarifications
Interviewer: Is it about the issue with SB19's Leader Sejun and another girl involved right?"
Sammy: Yes,
Interviewer: Do you know the other girl?"
kinabahan ako sa isasagot niya
Sammy: No
Interviewer: What do you feel everytime that they comparing you to her?
Sammy: hmm.. nothing kasi for me may kanya kanya tayong preferences so she has her own uniqueness and I got mine. No need for comparison because it's nonsense and more on childish thing
Tama naman siya.. bakit ang gaing niya kahit sa pagsasalita?
Interviewer: So balik tayo kay Sejun wala na bang spark nung nagkita ulet kayo?
Sammy: Wala.. yes Sejun is my ex back then but everything about us was all in the past now.. kung ano man ang meron kami ngayon it's just a pure friendship
Interviewer: really? Pero may I ask kung pano kayo nagkakilala?
Sammy: We are childhood friends.. we're too close until the right time comes and he confess about his feelings and then..that moment we are mutual. We are so inlove back then ang sabi nga ng karamihan kami na daw ang para sa isa't isa kasi hindi kami mapaghiwalan nun pero, ganong siguto talaga.. we're meant to meet but not meant to be
smooth na sabi niya, rinig na rinig yung panghihinayang ng viewers
Interviewer: may I ask kung hindi naman nakakaoffend sainyo kasi curious din ang lahat kung bakit kayo nag break... okay lang ba?
Sammy: Yeah of course, nag usap naman kami ni Paulo about this interview at okay naman sa kanya
Interviewer: Thank you
masayang sabi nito
Sammy: We broke up because we have different path.. I chose mine and left him to pursue my dream..
malungkot na sabi niya
Interviewer: What do you mean?
Sammy: ahm.. gusto niyang sabay naming abutin yung pangarap naming dalawa but my dream are all in canada, nandon lahat ng opportunities for me and then we ended to the point that we need to choose.. and I choose what I am right now.."
Interviewer: that's so sad but do you have any regrets?
Sammy: Nothing.. kasi kung ano kami ngayon yun ay dahil sa desisyon na ginawa namin noon
madaming na touch sa sinabi niya
Well may point siya.. successful silang dalawa dahil sa malaking desisyon na ginawa nila noon.
Interviewer: You are so matured and I envy you.. How are you?
Sammy: well.. I am happy and contented with my man
masayang sabi niya at pinakita ang suot niyang sing sing
nagulat ang lahat sa sinabi niya
Interviewer: You are engaged? that's unexpected! but congratulations
masayang bati nung host
Sammy: Thank you very much
Interviewer: Anong dahilan bakit ka bumalik sa Pinas?
Sammy: well it's because I have a business here then unexpectedly, it's connected to Paulo
Interviewer: Paulo?
Sammy: It's Sejun.. I used to call him by his second name
na shock ako sa sinabi niya.. tulad kami
Interviewer: So sweet.. panong connected?
Sammy: I am scouted to be in their next album.. that's why I am here
Interviewer: Big News Guys! Ms. Sammy Nicolas and SB19 in one frame is hella awesome!
Sammy: well thank you for that.. I am just hoping na sana is ma-clear na ang isip ng bawat isa ngayon na nagsalita na ako
Interviewer: Of course, masayang masaya siguro ang lahat sa nakakagulat mong announcement dahil hindi lang pala sb19 ang dapat abangan sa mv nila kundi pati na din ikaw
Sammy: Thank you very much for having me here
Interviewer: Any messages for fans?
Sammy: I just want to say thank you for love and support na kahit ngayon lang naman ako bumalik sa Pilipinas.. nakatanggap ako ng napakadaming pagmamahal but people has a feeling..so please be brave before you retweet
Interviewer: So sa mga fans diyan alam nyo na magpakabait na kayo okay? Don't dissappoint our idols
------
Ganon ka smooth ang naging inteview niya.. nag search ako at ang daming mas humanga pa sa kanya.. kahit naman ako napahanga niya
Alam ko na kung bakit siya nagustuhan ni Paulo.. because she has pure heart
"Grabe parang crush ko na siya"sabi ni Myra kaya binato ko siya ng unan
"Aba't! ginaganyan mo na ako ahh"sabi nito at pinuntahan ako sa pwesto ko para kilitiin ng kilitiin
"HAHAHA TAMA NA TAMA NA"tawa ako ng tawa habang sina sabi yun
"Wlaaa ikaw ang nagsimula"sabi nito pero bigla siyang tumigil kaya huminto ako sa pagtawa
Kaya bigla akong lumayo sa kanya
"Sunny"seryosong sabi niya
Patay..napansin na niya
"akin na yang braso mo gagamutin natin, uminom ka n ba ng gamot?"
nahihiya akong tumango
"Huwag ka ng masyadong mag isip okay? maaayos din ang lahat nag salita na si Sammy at ng dahil sa nalalapit na music video ng SB19 dun ma cconvert ang atensyon ng lahat"
"Sana nga"sagot ko naman
"Tara at mag kdrama marathon na lang tayo my bago akong na dl Hotel de luna maganda daw yun"sabi niya at hinila na ako papasok sa kwarto
Nung gabing yun sinamahan lang ako ni Myra tabi kaming natulog.. kaya medyo okay na ang pakiramdam ko nung gumising kinabukasan
Bumangon ako ng maaga para ipagluto silang lahat ng masarap na pagkain.
"Ang aga mo ata gumising ate? mukang masaya ka ata"sabi ni Rm na nakabihis na
"Sakto lang, upo kana at kumain.. si Jin ba gising na?"
"miss mo na ako ate?"sabi ni Jin na naglalakad na papuntang lamesa habang nagkakamot ng ulo
"Loko hindi ka pa late?"
"Nope.. maaga pa wow ang sarap ng ulam"sabi nya at kumuha agd ng upuan at nakapwesto sa may upuan ni RM
"Mukang ang aaga nyo bumangon ah.. ano uubusan nyo ko ulam?"singit naman ni Myra na kakagising lang din
"balak ko nga sana kaso bumangon kana"sagot ni Jin
kaya nakatikim siya ng batok kay Myra
"pasmado talaga bibig mo ah"biro ni Myra
"Kumain na lang kayo ng mabusog na at makaalis na"
"Ay ppunta pala ako sa office para mag report ngayon"sabi ni Myra
"papasok kana?"
"Yup"sabi nito
"baba nyo nga yang mga phone nyo"saway ko sa kanila
Banaman lahat sila nag ccellphone si Myra may katxt tas si Jin naman ng mml na din ata habang si RM naka earphone habang nag kakape
Pero walang nakinig sa sinabi ko kaya hinayaan ko na lang sila
"ack!"
Naagaw ang pansin namin ng masamid si Jin
"Ayan katakawan mo kasi"sabi ni Myra
Tumayo ako para kumuha ng tubig sa kusina
Napatakbo ako ng biglang sumigaw si Myra
"BAKIT?"sabi ko pagdating ko sa lamesa
"Ateeee bigla nawala lahat ng mga negative articles about sayo.. pati yung mga videos wala na din"sabi nila habang nakatingin sa phone
Inabot sakin ni RM ang phone
"Wala na nga.."manghang sabi ko
"Anong nangyare? ang bilis ah parang kahapon lang trending na trending ka pa tapos ngayon nawala lahat"sabi ni Myra
Hindi ako makapaniwala
"Sino kaya ang nag dilang anghel?"sabi ni Myra
At si Paulo agad ang pumasok sa isip ko.
Baka gumawa siya ng paraan para matanggal laht ng iyon.. kaya siguro d niya ako kinokontak dahil gumagawa siya ng paraan
Bigla akong sumaya at nabuhayan ng sobra
"We need to celebrateeeeeee"sabi ni Myra at nagtatalon
"Mag papakain ako mamaya kaya kayong dalawang bagets umuwe kayo ng maaga ah"
---
Lumipas ang isang buwan at naging tahimik na ang buhay ko wla ng kahit anong balita tungkol sakin at hindi na nila ako pinag uusapan parang nung araw na yung nawala ang lahat overnight.
Hindi nmin alam kung sino ang may gawa nun pero kung sino man siya thankful kami sa kabaitan niyang taglay..
Parang bumalik na sa fati ang buhay ko, almost one month na din akong nagttrabaho ulet.. nung una akala ko ma jjudge ako ng mga katrabaho ko pag balik ko pkasi nga negative naman lahat ng mababasa nila sa internet pero nung pumasok ako..
Kinamusta nila ako kung okay na daw ba ako at isa daw sila sa mga nagtatanggol sakin kasi kilala daw nila ako, even my boss.. tinanong niya kung okay na daw ba ako.
Ni walang nanghusga sakin kaya sumaya ako.
Pero ilag pa din ako sa mga tao kaya hindi ako nagppunta sa mga matataong lugar mas gusto kong nasa bahay na lang ako kesa lumabas at makagala.
Sabihin na lang nating natakot o nadala ako sa mga nangyare.
Pero hanggang ngayon hindi pa din niya ako kinakausap hindi ko alam kung bakit pero alam kong may dahilan siya. Siguro busy lang sila dahil ilang araw na lang comeback na nila.
"hindi ka pa din ba niya kinakausap?"tanong ni Myra
"hindi ee.. miss na miss ko na siya"
"Hindi ka manlang niya kinakamusta?"sabi nito
"syempre nag iingat lang yun"
"Kahit nung kumalat yung video mo? kung ako ang jowa mo nako hahanapin ko yung mga babaeng yun at gagantihan sila.. tapos siya ano?"
hindi ako sumagot
"Ni puntahan ka dito d niya ginawa, alam mo minsan napapaisip ako kung mahal ka ba niya talaga"
"Grabe naman.. syempre iba kasi kami sa mga couple dyan, sikat siya ako hindi at may repotasyon siya na dapat ingatan"
"walang exception pagdating sa love"sabi nito
"ayan ka na naman sa mga banat mo about love napaka bitter mo"
"ganon talaga pag nasaktan na"sagot nito
"Ayy.. sorry, shut up na ako"sabi ko
Nagkaron na nga pala yan ng ka M.U matagal din nag ligawan akala ko nga magiging sila kaso nung time na sasagutin na niya sakto naman na ipinagpalit na siya sa iba kaya naging ganyan ka bitter.
"ang alam ko may guesting ulet sila sa showtime para ma sa comeback nila, gusto mo pumunta?"singit ni RM
"nandyan ka pala? kanina ka pa nakauwe?"tanong ko sa kanya kanina kasi kami lang ni Myra sa sala tas biglang nandito na
"kakadating lang.. pero alam ko kung san yun gusto mo samahan kita?"sabi niya
"ako din sama"sabi ni Myra
"sige, gusto ko na siya makita"
"bihis na kayo"
---
Hindi na kami umabot sa loob kasi 8 a.m palang pala dat nakapila na para makapasok agad naubusan na kami ng slot kaya eto sawi
"Besh nakulo ang tyan ko wait lang"sabi niya sakin at umalis na
"Bakit ba lagi na lang nakulo ang ityan nun?"tanong ni RM
"hindi ko nga din alam, loka dumayo pa talaga sa cr ng showtime"pabiro kong sabi
Naglakad lakad lang ako habang iniintay si Myra si RM namn kasi nasa isaang tabi lang at nag mml.. kinaadikan na talaga ang ml
Sumandal muna ako sa may pader katapat ang rest room ng may madaming tao ang dumaan sa harap ko automatic akong napalingon sa ibang side kasi baka may makakilala sakin at maissue na naman.
Pero nagulat ako ng marinig ko yung boses ni Paulo kaya lumingon ako saktong padaan na siya sakin.. lumingon siya sakin alam ko, kaso kung talagang nakita niya ako ttigil yun para puntahan ako.
Ganon yun sa tuwing nakikita ako.. kahit nung d pa magulo at patago pa ang lahat ganon na siya.
Noon madalas kasi akong mag intay sa may tapat ng dressing room nila kasi ayokong pumasok basta at sa tuwing nakikita niya ako nilalapitan niya ako kahit may mga staff sa paligid.
Pero bakit ngayon, feeling ko d niya ako pinansin?
"Ate bakit?"sabi sakin ni RM na d ko namalayan na nakalapit na pala
"Si Paulo dumaan"walang muwang kong sabi
"Ahh sila pala yung may kasamang madaming tao na dumaan.. Nakita ka?"
"Ata?"halos pa bulong kong sagot
"Pinansin ka?"tanong niya ulet
"Hindi"malungkot na sabi ko
"Baka d ka napansin.. hayaan mo na atleast nakita mo siya di ba yun ang goal natin?"pang cheer up niyang sabi sakin at tinapik ang balikat ko
"Pero hindi ee"sabi ko
"Hoyyy pasensya na natagalan ako.. ang dami kasi"biglang sulpot ni Myra
"Tara na umuwe"sabi ni RM at hinila na ako palabas
Pero ako feeling ko naiwan yung puso ko don..
Kasi feeling ko talaga nakita niya ako..