CHAPTER 1
I immediately picked my phone in the dashboard when I heard it rang. “Ge! Where are you? Malapit nang magsimula ang tournament pagkatapos wala ka pa? Tado! Walang tournament na iniintay ang player!-“
Mabilis kong pinutol ang tawag dahil alam kong mahabang session pa kung makikinig at sasagot ako kay Coach Andrie. “Taeng traffic ‘to!” Inis na naitapon ang cellphone sa shotgun seat.
Naiyuko ko nalang ang ulo sa manibela nang makitang hindi pa din nausad ang traffic. "What am I gonna do?” Problemado na talaga ako. Paano ba naman na late ako ng gising.
Hindi ko sinasadya ‘yon ah! Panay naman ang ring ng phone ko na kay coach naka rehistro.
Kamot ulong inabot ko nalang ang t-shirt ko sa likuran kung saan mabilisang plinantsa ni mama ito. Mabuti naman at pagkatapos kong maisuot ito at kumalma ng konti ay umusad na ang traffic.
Mabilis ang naging biyahe ko. Mabuti nalang at hindi ako hinabol ng mga traffic police personnel dahil sa bilis ng pagmamaneho ko.
Kung sakali baka nakakulong ako ngayon. Under age pa man din, hays.
Sumalubong kaagad sa akin ang ugong ng mga nanonood at mga bolang tumatama sa table. Agad na hinanap ng mata ko si coach. Nang mamataan ay lakad takbo akong pumunta sa kaniya.
May ilan akong nadaanang tumigil sa kasisigaw at sinundan ako ng tingin pero mas nangibabaw sa akin ang matinis na sigaw ng babae na panay ang cheer sa kabilang school kahit na nakapang-t-shirt ito ng school namin.
Natatawang napailing nalang ako. Nasimangot naman kaagad nang maramdaman ko ang malakas na batok sa akin ni coach.
Masama ko itong tinignan na pinandilatan lang ako ng mata at maarteng binuksan ang pamaypay at stressed na ipinamaypay sa sarili. Napanguso nalang ako at naupo.
Tinignan ko ang laban ng kabaro ko. Konting points lang ay magkakalamangan na sila, paunahan lang. Kita ko naming ngumisi ng maangas ang lalaking kalaban nito nang muntikan nang hindi masalo ni Harold ang table tennis ball.
Humiyaw naman ang coach ko kaya napatawa ako at nawala ang atensiyon sa pagka-hambog ng kalaban ng kabaro ko. “Bakit ka na-late aber?” Taas kilay na tanong sa akin ni coach bagaman na kay Harold ang tingin.
“Traffic.” Maikling sagot ko para wala nang usapan. “Kahit kailan wala pa akong narinig na balita na naka-depende sa tao ang traffic. Ikaw ang mag-adjust!” Maarteng palatak nito sa akin na ikinatingin ng ilang manonood sa likuran ko.
Napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa inabot na pahabol sermon. Nang matapos si Harold ay ako na ang naisalang bilang kalaban ng nanalong lalaki.
Saan aabot ang kaangasan mo? Matunog akong napangisi habang nakatutok sa kaniya ang mga mata at tinanguan ito. Tumango naman ito pabalik.
Hiyawan mula sa school namin ang namayani sa buong arena nang makuha ko ang huling panalo. Naka-depende na kasi sa ‘kin kung ano ang magiging standing ng school dahil kami ang huling manlalarong naglalaro pa.
Sa hindi ko malamang dahilan ay napagawi ang tingin ko sa babeng matinis na sumigaw kanina. Busangot ang mukha nito habang pilit na pinapangiti ng kalaban ko kanina. Gulat naman ako nang mapatingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay, sinuklian ko nalang ito ng tipid na ngiti pero inirapan lang ako.
Aba ’t!
Nakangisi akong napa-iling. Amazona, amp. Dinumog naman ako ng ilang kasamahan ko at nagkabatian ng congrats sa pagkapanalo. Habang hila-hila ako ng ilang kasamahan ko dahil sa saya ay naibalik ko ulit ang tingin sa babae kanina.
Nakangiti na ito ngayong nakayakap sa nakatunggali ko kanina at hinila nito ang lalake palabas ng arena. Binalewala ko nalang ito at nakisabay sa usapan ng mga kabaro ko na panay ang reklamo dahil sa ilang mandaraya daw kuno.
Nawala naman ang galit sa akin ni coach nang imbitahan ko silang mag after party sa bahay kagaya ng bilin ni mama. Lahat naman ay umayon at sinabing pupunta nalang daw.
Wala naman kasing klase ngayon dahil sa ginanap na tournament ng ilang schools kaya malaya kaming maglagalag ngayon. Sabay na kaming lahat na lumabas ng arena. Ilang pagbati pa mula sa mga schoolmates ko ang natanggap ko na pinasalamatan ko din pabalik. Namumula naman ang mga iyon na umalis.
Naipatunog ko na ang sasakyan ko at isa-isang inilagay sa passenger seat ang mga ginamit kanina. Hinubad ko na din ang t-shirt ko na nabasa at nagbihis. Habang nagbibihis sa gitna ng dalawang naka-parking na kotse ay nagulat naman ako nang biglang may sumulpot na babae.
Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Agad ko naman itong nakilala dahil sa suot nitong maong na saya at t-shirt ng school ko na naka tucked in sa saya nito. Pasensiyoso ko itong nginitian. Pero sa pangalawang pagkakataon ay inirapan lang ako nito.
Gigilid na sana ako para makadaan ito pero gumilid din ito sa direksiyon ko na naulit nang naulit. Inis ako nitong tinignan. “ Pwede ba! Padaan nga!” Gumilid naman ako ng kusa nang tatampalin sana nito ang braso ko para yata gumilid ako.
Naisara ko na ang pintuan ng kotse nang marinig ko itong tinanong ng kasama niya. “ Nakipag-away ka na naman ba?” natatawa nitong tanong sa babae. “Shut up Liam.” Naiinis nitong singhal na narinig ko bago naisara ang pintuan ng kotse at umalis.
Napakibit-balikat nalang ako sa isip ko. Bakit yata parang mainit ang dugo no’n sa ‘kin? Napatawa nalang ako sa naisip kong maaaring dahilan.
“Boyfriend niya kaya ‘yon?” Wala sa sariling naitanong ko ito sa hangin. Naipilig ko nalang ang ulo ko dahil sa mga walang sense na naisip.
“Gelo!” Mabilis at tatawa-tawa akong pumasok sa sasakyan nang marinig ko ang matinis na pagtawag sa akin ng coach ko sa alam kong dahilan.
Pinasibad ko na kaagad ito habang malayo-layo pa ito sa akin. Maarteng nitakbo. Natawa nalang ako nang makita ito sa side mirror ko na nagmamaktol.
Narinig ko naman ang pag-ring ng phone ko na iniwan ko lang sa kotse.
“Kumusta ang laro anak?” Excited na tanong ni mama nang masagot ko ang tawag at nai-konekta sa sasakyan.
I wickedly smiled. “Talo, mama.” Pinalungkot ko ang boses ko dahilan para magpigil ako ng tawa nang tumahimik ang linya ni mama.
“Shot tayo mamaya ‘nak?” Dinig kong sabi ni daddy na tila malapit na kay mama.
“Sige sige po pa.” Natatawa kong sagot. Mas natawa pa ako sa narinig ko kay papa.
“Hala sige na’t mag-ingat at magmadali ka na sa pag-uwi. Naiyak na naman itong mama mo. Aray ko naman mahal!” Atungal nito. Baka pinalo ni mama.
“Sige po. Pupunta din po kasamahan ko diyan ma. Victory party. Pauwi na po ako. Bye po!” Saad ko bago nakangiting pinatay ang tawag at itinuon ang mata sa daan pauwi.
_________________________________________________________________________________
;)